C 26: I'll never Love This way Again

3.6K 170 37
                                    


Enjoy reading ;)

💖💖💖💖💖💖💖

OCEAN'S POV:

      Tiningnan ko si Gwen ng may pagsusumamo na para bang please? Suportahan mo pa ako.

      "How I love to stay Blue pero maaga pa kasi ako bukas. Hmmm.... Since aalis ang asawa mo, okay na sigurong maiwan ko si Ocean dito. Besides..."

       Pinanlakihan ko ng mata si Gwen. "I mean, it's okay na hindi ko siya kasama umuwi. Depende sa kanya."

      "O-okay lang magstay ako para may makasama ka muna. Hinatid lang talaga ako ni Gwen."
      "Gano'n ba? Ayos lang naman ako, sanay na. Tara at kumain muna kayo," aya ni Blue. Sumunod naman kami ni Gwen.

      Pinag-hain kami ni Blue then iniwan niya rin kami agad sa dining para harapin ang mga bagong dumating na bisita. Pinilit kong kumain si Gwen.

      "Tsk! Now I know bakit nahumaling sa 'yo si Blue."
      "Word naman Gwen, humaling?"
      "Blue is having a mess with her husband. She is not happy that's why nabaling sa 'yo ang atensiyon niya. Be careful Shan, maaaring dahil sa kalagayan niya sa buhay, lahat ng kakulangan niya sa buhay niya ay ikaw ang taga-puno. Companionship? Parang doon mas naka-cling ang relasyon niya sa 'yo. Kasi, sa tingin ko? Kahit anong lapit mo kung mahal niya ang asawa nya at masaya siya? Ni hindi niya iisiping entertainin ka."

      "Grabe naman 'yang napapansin mo. Ako nga hindi sumasagi sa isip ko 'yan."
      "Ayaw mo pa lang kasi dumilat at tanggapin."
       "Na?"
      "Panakip butas ka lang niya, second option, last priority. Pero since martir ka, go lang. Nasa sa' yo naman 'yan. Ihanda mo lang sarili mo sa pagbuo ng puso mo once mawasak ng todo 'yan. Wala na ako sa tabi mo in two months time, huwag kang mag-alala. Wala ka ng maririnig sa akin."

       "Alam kong concern ka. Hayaan mo lang akong bumagsak at masaktan."
       "You really love her."
       "I do. I really do. Hindi ko kakapalan ang mukha ko papunta dito kung hindi."
       "Basta usapan Ooshie, hanggang dito na lang ang pagsuporta ko sa 'yo. Maiiwan kita dito, good thing wala asawa nya. Mapapanatag ako. Naaawa na rin ako sa inyong dalawa. Alam ko ang pakiramdam ng nagmamahal na di makaalpas ng todo ang tunay na nararamdaman dahil sa mga restrictions."

       "Ows? Parng hindi ko yata alam 'yan?"
      "Haha, history na 'yon na dapat kalimutan. So pa'no? Okay ka na ba rito? Tawagan mo agad ako kapag may sumugod sa 'yong masamang elemento."

        Hinawakan ko ang kamay ni Gwen. "Salamat Gwen... Napalalaking bagay ng ginawa mong 'to. Tatanawin kong utang na loob 'to."

       "Ikaw at ikaw lang naman ang huhubog sa buhay mo eh. Nakakainis lang, ang tagal kong hinintay na magkalovelife ka tas sa ganitong sitwasyon ka lang mauuwi?"

       "Hindi ko rin naman inaasahan eh. Tapos hindi ko rin mapigil. Mahal na mahal ko si Blue, Gwen."
       "Eh hanggang kailan?"
       "Ewan ko. Baka live at the moment na lang? Handa naman ako at tanggap ko."
       "Haaaay!"

        Mabilis lang kaming kumain at hinatid na namin ni Blue si Gwen sa labas. Tricyle lang naman hanggang hotel niya. Nagtagal pa kami sa kalsada bago pumasok ng bahay nila.

       "O, bakit nakatawa ka?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa maganda niyang mata.

       "Hmmmm... masosolo na kasi kita. Miss na miss na kita, Shan. Ang saya-saya ko."
       "Aaaah...uhmm... pa'nong solo eh ang dami mo pang bisita?"
       "Oo nga eh. Tara, magsisimula na akong magligpit. Nagkakantahan na lang naman sila."
       "Si Jessie nga pala? Pagabi na ah?"
       "Sa pinsan ni Yul matutulog. Gano'n 'yon pag nandito. Uuwi yun bukas na ng hapon."
      "Aaah... so masosolo mo nga ako?"
      "Hehe! Excited much?"

 Blue OceanWhere stories live. Discover now