Chapter 49: Be with You

3.4K 125 34
                                    


Blue's Pov: 

       Nagpasama pa kasi si Maya bumili ng regalo sa inaanak niya. Di na raw kasi siya makakadaan sa mall. Kaya naman late na kami nakasunod sa event. 

    Sina Rica na kasi at isang staff ang nagcommit sa birthday event na ito. 
Pagdating namin ay pumuwesto na si Maya sa pasta buffet at ako naman ay sa dessert na malapit sa pinto. 
    Maingay ang room dahil may isang game na iko-conduct. All settled naman ang set up namin kaya overseer na lang ako.  May isang babaeng may hawak na saging habang may kausap sa cellphone ang dumaan sa harap ko.

       "Miss please, paki puwesto dito,"  hinila nya ako paharap sa isang babaeng nakablindfold. "Ikaw na muna partner niya, thanks!" 

    Nabigla ako dahil mabilis siyang lumabas. Di ako makapaniwala na makakaharap ko uli si Ocean in this awkward situation. Wala ng way para tumakas.
     "Blue?" Sabi nya pagtanggal niya ng blindfold.

    Hindi ako nakapagsalita. Mabilis akong lumabas at tumakbo palayo na di alam kung saan tutungo. Umabot na ako sa parking sa tapat na mall.
    "Hello Blue, nasa'n ka?" Boses ni Maya.
    "Uhmmm, nag cr lang."
    "Tagal mo naman?"
    "Tapos na ba?"
     "Oo nagbibigayan na lang ng souvenir." 
    "Okay sige pabalik na. May dadaanan lang ako na bilin ni ano.. ni Jessie." 
    "Sus! Bakit di pa kanina?"
    "Basta. Kaya mo na ba diyan?"
    "Oo sige ako na. Lahat carry." 

     Bumalik ako sa mall at napunta sa Starbucks. Doon ako nagstay ng halos isang oras. Hindi ako mapakali.  Bakit madalas kami ni Ocean magtagpo? Parang hindi na mapigilan. Willing naman akong makipag-usap pero hindi ganito. 

    Lumakas ang ulan at marami ng stranded sa daan. Plano ko ng bumalik sa event pero parang galit ang langit sa buhos nito. Mabilis tumaas ang tubig. 
    "Hello Blue," tawag ni Maya nang sagutin ko ang cellphone. 
    "Babe, parating na 'yung driver. Binilin ko na lang yung pagligpit nila. Di ko na kayo maaantay at nagpapasundo ang Tita ko." 

    Nawala siguro sa isip ni Maya na coding ako at wala akong sasakyan. "O sige ingat ka, patapos na ako dito," pagsisinungaling ko. 

    Ewan ko ba pero lately parang nasusuffocate ako kay Maya na parang lahat na lang at nawawalan na ako ng privacy. I just feel na even as a friend hindi dapat na nakamonitor sa lahat kong gawa. Hindi ko pa nga masabi sa kanya ang tungkol sa pagkikita namin ni Ocean.

     I stayed for a while sa coffee shop. The longer I stay seems the water keep rushing through. Yes, baha na nga. Ilang saglit pa akong nanatili. Lagpas alas diyes na ng gabi at lalong dumami ang tao. Di naman ako puwede makisabay sa van ng PigOut pauwi dahil wala ng lugar. Ayoko na silang abalahin. 

    Napasandal ako sa upuan at pumikit. Mukha ni Ocean ang gumuhit sa isip ko. Ang kanyang ngiti, kanyang mukha, kung paano siya tumawa at kung paano siya maglambing. Ano kaya ang naging buhay niya noong wala ako. Saka ko naisip naman ang salita ng ate niyang hindi ako makakabuti sa kanya. Oo, totoo naman but I owe her a lot of explanations. Everything has a reason and there's a reason why our paths crossed once again. No turning back for our peace of mind.

     Now I am decided. I am decided to meet her. After that? I don't have plans, leave it to fate. Iba ang buhay namin. May anak ako, I have set of priorities. Siya rin of course. We are not meant to be. She's single and has a bright future compared to life being with someone like me.  Minahal ko siya at hanggang doon na lang 'yon. Wala ng dapat pang isiping ituloy or what. 

    I opened up my eyes. Napatingin ako sa labas at tuloy ang buhos ng ulan. Nakita ko ang mga guests sa party kanina na isa-isa ng lumalabas. Halos lahat ay may sundo. I need to go home dahil marami akong gagawin. Lumabas na rin ako ng Starbucks. 

 Blue OceanWhere stories live. Discover now