Chapter 29: Duda

3.2K 147 13
                                    

BLUE'S POV:

Napagod ng husto si Jessie sa pamamasyal namin. Sobrang touch ako sa initiative ni Ocean na ilabas kami ng anak ko. Samantalang ang asawa kong magaling, payagan ko o hindi ay aalis pa rin.

Nasa hotel na kaming tatlo ni Jess at Ocean. Bumaba muna si Shan para kumuha ng dinner. Sabi ko sa mura na lang at di naman kailangan mahal dahil busog naman kami sa park kanina.

Nasa kama lang kami ni Jess at nanoood ng tv. Masaya ako ngayon na nagkaro'n kami ng chance ni Ocean ng walang iniintinding kamag-anak ko o kapitbahay. Bukas pag-uwi ay busy na naman ako para sa pagprepare sa Bagong Taon.

"Mom..." tawag ni Jessica.
"Yes baby?"
"I love it coz' you're always smiling instead of crying. Sometimes I think you're crazy na po."
"Hahahah!" ginulo ko ang buhok niya.

"Sana Tita Shan is always around."
"O why naman?"
"Because you're happy. If Dad's around, you look sad and lonely."
"Of course not baby. I'm not lonely because I have you."
"Mom, ask Tita Shan to stay longer. Till New Year?"
"Nak, just like us, Tita Shan has family too to spend the holiday with. Thankful na lang tayo na nakasama natin siya today, right?"
"If you don't like to ask, I will."
"O sige ikaw bahala. Gutom ka na ba?"
"Sleepy po."
"Nap?"
"Can I?"
"Sure sige baby. Maaga pa naman. Likot mo kasi kanina."

Pagkapikit na pagpikit ng mata ni Jessie ay tumatawag si Yul. Tumayo ako at lumapit sa gilid ng bintana. Doon ko sinagot ang cellphone.

"Blue asa'n kayo?"
"N-nandito kami sa hotel ni Ocean. Lumuwas na 'yung boss niya, sayang kasi 'yung isa pang araw. Inimbitahan niya kami ni Jess. Nagpaalam naman ako kay Nanay."
"Okay sige. Baka sa thirty one na ako ng umaga uuuwi. Namatayan 'yung byenan ni Pare, asistahan ko lang."
"O-okay, ikaw ang bahala. Bukas din naman ng tanghali uwi rin kami."
"Sige, 'yung bata alalayan mo sa pagod. At Blue, may tatanong sana ako.."
"Hmmm.."
"May boyfriend ba 'yang officemate mo?"
"'Yung Boss ni Ocean, engaged na. Si Shan, w-wala yata bakit?"
"Ah wala naman. Kaya pala single, hawak niya ang oras niya pero salamat din at may nakakasama ka."
"Oo tama."
"Pero hindi naman siya tomboy?"
"Ha? Ano? Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Wala naman. O sige, tatawag na lang ako ulit pag-gising ni Jessie."

Napatulala ako pagkababa ni Yul ng tawag. Paano niya napansin si Ocean? Bigla naman akong kinabahan..

Napapitlag ako ng tawagin ako ni Ocean. Hindi ko namalayang nandiyan na pala siyang nakapasok.

"Oh Hon, nakatulog na pala si Jessie. Sorry natagalan ako," sabi niya sabay lapag sa lamesita nung pagkaing binili niya.

"Sa Jollibee na lang ako bumili para siguradong makakain ng bata."

Ngumiti ako bago sumagot. "Salamat Shan," sagot ko sabay lumapit sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran niya. Hinalikan ko ng banayad ang pisngi niya.

"Hmmm... I love you Ocean ko."
"Hmmm... okay ka lang ba Blue? I know something's wrong. Inaway ka ba ng asawa mo?"
"Wala naman. Hindi. Gusto ko lang yakapin ka ng ganito kasi bukas, babalik ka na sa Manila which is naintindihan ko naman."

Tinangka ni Ocean na kumalas ng yakap pero mas lalo ko pang hinigpitan ang yapos ko sa kanya.

"I hope we could always be like this," bulong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagbuntung-hininga niya.

"Okay lang. Mas gusto ko ring nalalaman ang nasa loob mo. Hindi ko hihilingin na huwag mo akong iwan pero kung hindi mo na kaya, willing naman akong maghintay. Alam ko naman saan ako nakalugar."

 Blue OceanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt