Chapter 45: Ngayong Nandito Ka

3.2K 139 20
                                    

OCEAN'S POV:

      HINDI ko alam kumbakit buwan ng Hulyo, buwan ng tag-lamig at tag-ulan ay halos magtriple ang mga orders at sales namin. Kung kailan naman maraming trabaho ay saka pa naospital ang manager kong si Jillian.

      Alas otso na ng gabi, kumakalam na ang sikmura ko. Wala pa akong mautusan sa mga delivery boys ko dahil pabalik pa lang sila. Magda-dial sana ako para magpadeliver na lang ng pagkain nang tumunog ang telepono.
     "Ceanry Snowy, Ocean speaking good evening. How may I help you?" masigla kong bati kahit na nanginginig na ako sa gutom.
     "Hoy Osang! Kumain ka na ba? Sinilip ko 'yung ref kanina wala ng stock. Di mo sinasagot call at text ko kaya sabi ko baka nasa office ka pa."
     "Ate Sharry, daming paperworks. Naduduling na nga ako aasarin mo pa ako! Osangin mo mukha mo!"
      "Nagpdaliver na ako from Shakeys, hintayin mo na lang. Manong confirmed na nand'yan ka pa nga."
      "Well at least!"
      "O nga pala Sis, tuloy ka sa Food Expo sa JLC Mall next week ha. Sayang 'yung slot natin."
      "O bakit?! Hindi ka ba sasama?"
      "Hindi. Nasa Cebu ako di ba? Susunod ako sa reunion sa side ng asawa ko."
       "Oh siya! Siya! Ng makabuo ka na at thirty six ka na."
      "Hay naku! Asa ka pa! Ikaw ang mag-asawa na at tigilan mo na'ng kaka-asang babalikan ka pa niya! Kainis 'to!"
      "Pangarap na lang 'yon te. Masaya na siya sa buhay niya."
      "Sagutin mo na kasi manliligaw mo."
      "Sino ro'n? 'Yung babae, lalaki o 'yung tomboy? Pag nag-asawa ako, mawawalan na 'ko ng oras sa negosyo natin."
      "Hala sige, umuwi ka na after an hour. Bukas na 'yan."
      "O na, oo na! Bye!"

       Magdadalawang taon na ang Ceanry Snowy, obviously galing sa pangalan namin ng Ate ko. Matagal na niya akong kinukulit dahil iniwan siya ng isa niyang kasosyo. Nag-aral ako ng short course sa baking pero sanay ako sa opisina at dito na ako komportable.
      Hindi ko forte ang magbake talaga, at buong sa kusina actually. Pero kahit konti dapat ay may alam ako. Basically, nagsu-supply kami ni Ate ng mga baking needs all over Metro Manila muna. Kasama na rin ang ibang ingredients at baking equipments. Gamay na 'to ni Ate at unti-unti ko namang natutunan.

      Nagresign ako sa kompanyang pinagta-trabahuhan ko matapos ang dalawang linggong iwan ako ni Blue sa kadahilanang siya lang ang may alam. Oo, nawala siya ng parang bula.

      Sa loob ng dalawang taong lumipas, aaminin kong siya pa rin. Never akong nag-entertain ng iba dahil gusto ko munang malaman kumbakit niya ako iniwan. Nawala siya, nagpa-alam pero sa isip ko kami pa rin dahil hindi naman niya ako kinausap.

      You just couldn't imagine how broken I was na halos isipin ko na ring magsuicide. But my Ate, an angel of my life suddenly came up and offered me the venture. I just think, yes.. I need distractions. Hindi ako puwedeng mawala sa mundo nang hindi ko man lang malalaman ang totoo.

      Sa ngayon ay ayoko munang alalahanin kung ano'ng ginawa ko para hanapin siya. Sabi nga, mahirap hanapin ang ayaw magpakita.
     Dumating na 'yung pinadeliver na food ni Ate Sharry. Wala yatang tatlong minuto kong naubos 'yung pagkain dahil sa gutom. Maya-maya ay dumating ang isa naming driver, si Manong Theo.

      "O Manong, pizza. Tinira ko talaga 'to para sa inyo. Saluhan niyo ako." Tinanggap naman agad ni Manong at naupo sa harap ko.
      "Salamat Ma'm. Okay na po 'yung mga molder na dinala ko sa MOA. Medyo di ko pa kasi alam ang pasikot-sikot doon."
     "Ayos lang ho basta nakauwi kayo. Inyo na 'tong mojos para kay Jenjen. Pasalubong niyo."
      "Eh Ma'm 'yun na nga po baka puwedeng maka-bale kahit 'yung one week food allowance."
     "Bakit ho?"
     "Ayun nga si Jenjen, hindi po nakapag-exam. Ililipat ko na ho sa public next year."
      "O sige ho, wala kasi akong cash dito at naideposit na ni Zia kanina. Transfer ko na lang."
      "Ehh… 'yun nga rin ho kabuwanan na ni Misis kaya half day sana ako. Sa umaga naman po ako nandito."
      "Sige ho walang problema."

 Blue OceanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt