Chapter 7: Bad Mood

4.4K 188 20
                                    

Note:

Boy po si AMBER

:)


BLUE'S POV:

     Kanina pa ako nakaharap sa nakabukas kong aparador at hindi ako makadecide kung ano'ng isusuot ko.

     Hindi naman karamihan ang mga empleyado sa kompanya namin kaya't itong Christmas party namin ay may ilang suppliers kaming inimbitahan.
Pero hindi do'n nakatuon ang concentration ko. I want to be appealing sa harap ni Ocean. Kinakabahan nga ako dahil susunduin niya ako.

    Kumatok at pumasok ang Nanay kasama ang tulog na si Jessie. Ibinaba niya ng maingat sa kama ang bata.

    "Anak, parang kanina ka pa paikut-ikot dito? Para kang teen ager na may kadate na hinihintay aba!"

    "Nay! Date? Paano ako magkakaro'n ng date eh party po namin?"

    "Niliteral mo naman ako. Dito ka ba matutulog?"
    "Opo naman Nay. Matulog na ho kayo at may susi naman po ako."
    "O siya, mag enjoy ka at mag social life."

      "Okay po. Ito Nay? Okay na ba itong dress na 'to? Never kasi akong umaattend ng party kasi baby pa si Jess no'n. Kaya medyo kinakabahan po ako."

       "Maging ikaw lang anak. Don't pretend to be someone. Simplicity is beauty."

       Kinuha ko ang isang simpleng bestida at papatungan ko na lang ng cardigan mamaya. Dress din ito no'ng minsang umattend kami ng kasal ng asawa ko.

      Humiga muna si Nanay sa tabi ni Jessie at nagbihis na ako. Naglalagay na lang ako ng kaunting make up ng tumawag si Ocean na nasa labas na raw siya.

      "Booh.... Andito na ako pero take your time."

      Nagkasundo kami ni Shan na wag na kaming maglokohan ng Bebekoh at bebebooh. Pareho na lang na Booh para walang away.

      Sa nakalipas na isang linggo matapos naming magdinner at ibigay niya si Booh na doll ay halos araw-araw na kaming nagkukulitan sa text at tawagan sa cellphone kapag gabi.
Limang araw din na hinihintay niya ako after office hours, nagdidinner sa labas, magkakape atsaka niya ako ihahatid sa bahay. Limang araw na kapag weekend naman ay sa facebook kami nagkukulitan dahil kailangang bukas ang linya ko dahil tumatawag ang asawa ko.

      "Ang bilis naman ng ale. Sige bababa muna ako pasok ka muna."
      "Matagal ka pa ba?"
      "Onti na lang."
      "Dito na ko sa kotse mag aantay, take your time. Huwag ka lang masyadong magpaganda ha."

       Bago bumaba ng kuwarto ay tinapik ko muna ulit ang nanay.

      "Nay.... Alis na ho ako," mahina kong paalam. Unti-unti siyang dumilat.

      "Okay sige mag-ingat ka. Teka, kailan ba kayo huling nag-usap ni Yul?"
      "Kagabi ho. Bakit?"
      "Masaya ba ang usapan niyo?"

       Ano raw masaya? Eh inaway nga ako ng damuhong 'yon. Pero siyempre hindi ko sasabihin sa nanay ko 'yon.

      "Normal lang na usap lang po 'Nay, bakit?"
      "Wala naman. Nagniningning ang mata mo kasi. Para kang inlove anak. Ayos lang 'yan, minsan masarap ding bumalik sa kumpa'no kayo nagsimula."
      "Nay talaga," napailing na lang ako. Humalik ako sa kanya at kay Jessie.
      "Sige po Nay, sinundo po ako ng officemate ko. Si Ocean po. Pakilala ko na lang po minsan pag may time."
      "Ocean? Babae?"
      "Oho. Sige po, alis na ako at nakakahiya."

      Kinakabahan akong lumabas ng bahay hanggang palabas ng gate. Bukas ang bintana ni Ocean na naka park sa kabilang bangkenta.
Kumaway siya sa akin at ngumiti. Tumalon ang puso ko ng magtama ang mata namin.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now