Chapter 54: Dagok

1.2K 53 5
                                    

Blue's POV:


        "Maya!!! Maya wait!!" Nahablot ko na ang braso niya at matalim niya akong tiningnan.

        "How could you Blue! Kung di pa ako nagresearch? At sundan ka?!"

        "Sasabihin ko naman. Mabilis lang mga pangyayari."

        "Talaga lang ha. Puwes! Hindi ito magiging madali sa inyong dalawa. Alam mong hindi ako basta-basta sumusuko."

       "Maya please, kumalma ka na. Inaayos ko lang lahat. Alam mo naman mga napagdaanan ko."

        "Mahal mo pa?"

        "You know sh.... she's special."

        "Sagutin mo ako!"

        "Ewan ko.. hindi ko alam. Basta mahalaga nagkalinawan kami."

        "Hindi mo alam? I'm telling you this Blue... akin ka lang."

        "Hatid na kita, lasing ka na."

        "My pleasure but better not. Baka hindi na kita pakawalan."


        That night, noon lang ako nakaramdam ng takot sa kanya at sa mga pagbabanta niya. Ngayon ko lang siya nakitang gano'n magalit.

         Pag-uwi ng bahay ay kinompronta ako ng Nanay. "Ni hindi ka nagsabi, Anak na halfday ka. Tinatawagan ka ng anak mo sa resto. Saan ka ba nagpunta?"

        "May.... sinilip na venue 'Nay para sa laundry business."

        "Late ka na rin umuwi. Nakatulog na anak mo."

        "Pasensiya na 'Nay. Stressed lang po."

        "Paano ba ang lakad niyo bukas ni Jessie?"

        "Kasama ka Nay di ba?"

        "Nasa Tayuman ako sa kumare ko."

        "Sige po ako na bahala. Pahinga na ho kayo."

        "Tapos na ang gawain. Ikaw na magpahinga."

        "Salamat ho."

        "Payo lang anak ha, ukol kay Ocean sana'y hindi makagulo sa buhay mo ngayon."

        Hindi ko na siya sinagot at tumuloy na ako ng kuwarto. Inayos ko ang higa ni Jessie saka ako naglinis ng katawan.  Bago pumikit ay tinawagan ko si Ocean.

        "Hello..."

        "Hi... are you okay?"

        "Yeah I am. Ikaw?"

        "Nag-aalala ako sa 'yo. Sinunod lang kita na hindi ka sundan."

 Blue OceanWhere stories live. Discover now