Chapter 9: Dangerous?

4.3K 172 9
                                    

OCEAN'S POV:

       NANG maisara ni Blue ang kotse, ay atsaka lang ako parang natauhan. Shit! Bakit hindi ko napigilan?!
Napasubsob ako sa manibela. Naaalala ko ang halikang naganap kanina.

      Aaarrgh…. Pa'no na? For sure, iiwasan na niya ako. For sure, turn off na siya sa akin. Paano niya ako huhusgahan? Kahit na tumugon sya sa halik, may parteng nadala lamang siya. Straight siya, may asawa, may anak?  Buwisit! Ano ba 'tong nagawa ko? Stupid me!

    Pag-uwi ng bahay ay sinubukan kong tawagan siya at manghingi ng paumanhin pero naka off na ang cellphone niya.

       Sobra akong hindi mapakali. Ano ba ang nangyari sa akin? Ako na laging de sukat ang galaw, laging nakaplano pero bakit nawala ako sa focus kanina? Bakit naging mapusok ako?

     Kinabukasan ay hindi ko pa rin alam ang sasabihin kay Blue. Minarapat ko na lang munang bigyan siya ng space.

       Natuloy ako sa despedida ni Yanyan. Inalis ko muna si Blue sa isipan ko.

     "Hi Ooshie!" beso ni Yan sa akin. 'Yan ang pangulit na tawag niya sa akin.

      "Uuy, salamat sa pagpunta. After five years na naman tayo bago magkita."
     "Kaya nga ayokong mamiss 'tong bonding na 'to," sagot ko.

     "Si Anya nasa kusina. Ayaw paawat tumulong sa pagluluto. Excited nga't makikita ka raw niya uli."
     "Gano'n ba, bakit naman? Para maalala ang sakit?"
     "Whoa! Akala ko okay ka na?"
     "Hahaha! Wala, emo lang. Sa'n ba Cr?"
     "Sa dati pa rin. Kita tayo in a while, dumating lang mga pinsan ko. Andito rin si Kian," sabi niya sabay kindat. Si Kian ang pinsan nyang nireto sa akin noon na muntik na ring maging kami.
Ang kaso ay biglang nag abroad at ako na ang sadyang huminto sa communication namin.

     After kong magretouch ay bumalik ako sa salas. Nakipagkuwentuhan ako sa iba kong kakilalang bisita.

      "Ooshie!" bati ni Kian. 'Yun na rin ang naging tawag sa akin ng iba dahil kay Yanyan. Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap.

      "Kumusta? You look stunning tonight."
     "Baliw!" Siniko ko siya. "Stunning? Ano, awards night lang? Bolero ka pa rin!"
     "Hahaha! Hindi nga, lalo kang gumanda kasi nagkalaman ka na."
     "Ewan ko sa 'yo! Musta?"

    Inaya ako ni Kian sa mini bar nila. Siya lang ang nag-lagay ng alak sa kopita.

    "So, how's life?" I asked again. Guwapo si Kian pero ang huling alam ko'y broken hearted siya kaya maglilibang dito sa Pilipinas.

     "I'm good!"
     "Really? Kamusta puso?"
     "Okay naman. I'm enjoying life."
     "So, single pa rin at thirty four?"
    "At single ka pa rin at thirty three? Nbsb ka pa rin?"

     Walang alam si Kian na naging kami ni Anya. Si Kian ay second cousin naman ni Yanyan.

    "Grabe! Nagkaro'n naman ako ng relasyon no!"
    "Malay mo, tayo pala talaga sa isa't-isa?"
    "Kian, tumigil ka. Hindi pa ako desperada. Okay lang maging single kaysa matuluyan ka."
    "Ouch! Grabe!"
    "OA mo! Alam mo namang we better be off as friends."

      Ngiti lang ang ginanti ni Kian. Maayos naman kasi kaming naghiwalay noon. Napalingon kami ng sabay ng tawagin siya ng isang babaeng pamilyar na pamilyar ang boses makalipas man ang labing apat na taon.

    "Kian," tawag niya. Nakatalikod kasi ako kaya hindi niya siguro napansing ako ang kausap ni Kian.

    "Hi," mainit na bati ni Kian. "Oh, Anya… si Ooshie, remember?"

 Blue OceanWhere stories live. Discover now