Chapter 23: Di ko Kaya

3.4K 195 19
                                    


BLUE'S POV:

         Sa sobrang pagod sa pag-estima sa mga bisita at kamag-anak ni Yul, naubos ang lakas ko. Idagdag pa na parang nanibago sa paligid si Jessie kaya inatake pa ng asthma. Saglit pa siyang na out-patient sa ospital.  Para akong naupos na kandila at gusto ng bumigay ng katawan ko sa pagod.

          Noon hindi naman issue ang pagsisilbi ko kay Yul at sa angkan niya pero bakit parang nakita ko ito ngayon kung paano nila ako tratuhin?
Noon pa ma'y ramdam ko ng indifferent sila sa akin dahil ayaw nila ako para kay Yul na mas bata at walang sinabi sa mga babaeng gusto nila para sa asawa ko..Inisip ko na si Yul ang pakikisamahan ko at hindi sila.

          Hanggang madaling araw na tulog na ang lahat ay nanatili akong gising para bantayan si Jessie. Halos pasikat na ang araw ng makatulog ako ng masigurong okay na ang anak ko. Ako na dilat at puyat habang ang asawa ko'y nakanganga pa sa sarap ng tulog. Ni hindi ko na nga rin nahawakan ang cellphone ko at alam kong hinihintay ako ni Ocean.

        Kinabukasan ay alas diyes na ako nagising ng wala ng katabi sa kama. Hirap akong bumangon at hirap ding dumilat sa antok. Schedule ngayon ang mag grocery ulit para sa dadaang isang linggo hanggang magbagong taon. Or should I say, aalalay sa pamimili kasama ang Mama ni Yul
at silang dalawa ang magdedesisyon sa lahat? Lagi namang ganito na tila laging piyesta kapag umuuwi ang asawa ko.

       
     "Gising ka na pala," bungad ni Yul at mamasa-masa pa ang buhok ng lumabas galing banyo.

    "Hindi na kita ginising at si Mama na ang nagpa-araw muna sa bata."
      "S-salamat sa konsiderasyon.
      "Eh…. May lakas ka na ba? Tinulugan mo ako kagabi eh," nakangising sabi niya at alam kong sex na naman ang gusto niya. Totoong nangalabit siya kagabi pero wala talaga akong lakas at ayoko dahil nakainom siya.

        "Wala pa akong lakas Yul, maawa ka naman. Hindi mababawi ng apat na oras at putul-putol na tulog ang pagod ko."
       "Sige sige, huwag ka munang kumilos. Alam mo namang sawa na ako kay mariang palad at sabik na sabik ako sa 'yo."

        Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya. Tumayo ako, nagligpit ng kama at pumasok ng banyo. Maya-maya ay kinatok niya ako sa banyo.

       "Blue, do'n lang ako kina kumpareng Ben. Do'n na rin ako magla-lunch. Magpahinga ka para mamayang gabi ah. Si Mama na magluluto hanggang dinner."
       "Sige," malamya kong sagot.

       Dineretso ko na ng ligo ang pasok ko ng banyo na 'yon. Matapos ay matagal kong tinitigan ang mukha ko sa salamin. Ang nangangalumata kong itsura, nangingitim na eyebags, humapis kong pisngi at naging dry kong buhok. Ibang-iba ang aura ko kumpara bago ang araw ng Pasko.

       Kung nandirito lang sana ang nanay ko….. Si Ocean. Bigla akong parang pinitik para kumilos ng maalala ko si Ocean. Mabilis akong nagbihis at kinuha ang cellphone ko sa tokador. Chinarge ko muna saglit para kung tatawagan ko siya'y hindi mabitin sa baterya.

      Nag-lunch muna ako habang nakasaksak ang cp ko. Naglinis at inipon ang mga bote ng alak nila kagabi. Maya-maya ay dumating na ang mag-lola at pinag-silbihan ko.

       "Ah Blue, nagbilin si Yul na magluto ako ng dinner pero inaatake ang rayuma ko. Puwede bang ikaw na ang magluto ng hiling niyang kaldereta? Dagdagan mo na rin dahil dadalaw naman ang mga kapatid ko mamaya."

       "Sige ho Ma," pormal kong sagot. Iniisip ko pa lang ay napapagod na ako. Kaya ayokong umuuwi si Yul kapag kapaskuhan dahil tila walang katapusan ang inom at lakwatsa.
Alam ko ngang dapat pa kaming mag-ipon dahil na end of contract pa siya. Baka malamang sa malamang ay magalaw ko ang ipon ko nito.

 Blue OceanHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin