Chapter 43: Wag mong sukuan

3.3K 127 24
                                    

BLUE'S POV:

     NAGMAMADALI akong tumungo sa lobby kung saan naabutan kong nilalaro ni Yul ang cellphone niya sa daliri niya habang si Jessica nama'y sa tablet niya.
Pagkakita sa akin ni Jess nang mag-angat siya ng tingin ay agad niya akong sinalubong at nagpakarga.

     "Mommy!" sabay halik sa pisngi ko. "I miss you, you didn't call last night. You promised?"

     "Ohh… sorry baby, walang signal sa pinuntahan namin eh," sagot ko which is nawala talaga sa isip kong tawagan siya. Binaba ko si Jess at lumapit na rin si Yul sa amin. Humalik siya sa pisngi ko at napansin kong kumunot ang noo niya.

     "Tara na… hapon na. Nagpahanda ako ng tanghalian sa bahay."
     "Nagpahanda?"
     "Oo, dumating ang pinsan ko galing Mindoro din. Sa atin muna siya tutuloy. Kasama niya ang Nanay ko."
     "Nanay mo?!"
      "Isang linggo lang. May aatenan silang kasal sa Bicutan. Pinsang buo ko rin."
     "Bakit ngayon mo lang sinabi?"
     "Nakakalimutan ko."

     Sumakay na kami ng taxi at walang imikan. Naiinis ako sa kanya. At saan naman niya patutulugin ang dalawang 'yun eh hindi ko pa nalinisan 'yung isang kuwarto? Medyo maarte pa naman ang biyenan kong 'yon. May pinsan pa?

     Habang nasa biyahe ay nakatulog si Jessie at ako'y pumikit na rin. Umuukit sa isipan ko ang maiinit na tagpo sa amin ni Ocean. Sa sandaling iyon ay uminit din bigla ang pakiramdam ko at agad nagreact ang pagka-babae ko. Nahigit ko ang aking hininga. Namimiss ko siya agad.

     Totoo ang sinabi ko kay Ocean. Sa kanya lang nagrespond ang katawan ko ng gano'n. Marahil ay napukaw niya ang lahat sa akin. Sex… sex lang ang sa amin ng asawa ko. Dumating sa point na akala ko ay wala na akong kakayanang dumating sa sukdulan kagaya ng mga nababasa at napapanood ko. Until I've reached it…with Ocean.

        Gusto kong maulit 'yon. Hindi 'yung sex, 'yun ang making love para sa akin.

     Nakikita ko ang pagmamahal sa mata niya, ang pagsuyo sa mga haplos niya, ang pananabik sa halik niya. Kakaiba at malalim na ligaya ang dulot no'n sa aking puso. Mahal ko si Ocean at lalo ko siyang minamahal pa.

     Bumaba kami ng taxi. Nagulat ako ng paunahin niya si Jessie sa gate pumasok.

      "Blue sandali," medyo seryoso ang boses niya.

      "O?"

      "Hinanap ko 'yung isang cap ko sa cabinet at nakita ko namang di mo pa nabubuksan 'yung pabangong pinadala ko."
       "Ah… mero'n pa kasing luma."
       "Pero hindi 'yun ang naamoy ko sa 'yo. Kaninong pabango ang gamit mo?"

        Saka ko naalalang bagong wisik si Shan ng magyakap kami kanina at baka humalo lalo no'ng nasa Cr kami. Tsk!

     "Ah… baka kasi 'yung kanina sa mga team mate ko. Nanuot na 'yung amoy. Maliit lang kasi 'yung kuwarto."

      "kanina pa 'yon para dumikit sa damit mo at sa katawan mo."

      "Ano ba gusto mong sabihin?" medyo matigas kong sabi pero kinakabahan na ako. Hindi ako sanay sa mga komprontasyon.

      "Niloloko mo ba ako?"

      'Huh? Iba lang naamoy mo niloko na kita? Hindi ba puwedeng nakigamit ako ng cologne or whatever?"

     "Sinong kasama mo sa kuwarto? 'Yung Ocean ba na akala mo dadambahin ka na kung makatitig sa 'yo? Hindi ako tanga Blue."

     "Oo, mapang-duda lang. Hindi ko siya kasama dahil magkaka-team ang magkasama sa kuwarto at hindi ko siya kadepartment. Ang dumi ng isip mo," sagot sabay tinalikuran ko na siya pero ang dibdib ko ay walang tigil sa pagtambol.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now