Chapter 11: Chances

4.3K 215 21
                                    


OCEAN'S POV:

    
       Urong-sulong ako kung papasok ako o hindi ng elevator. Bulto agad ni Blue ang napansin ko. Kung hindi nga lang tila nainip ang isang sakay sa loob ay aatras na ako. Sobrang kaba ako pagpasok lalo na ng naging magkatabi kami ni Blue. Maluwag naman ang elevator since tatlo lang kami pero feeling ko, kulang na kulang ng oxygen sa loob.

        Iniisip ko kasi ang reaksiyon ni Blue, if mananampal ba sya, mande-deadma o ngingiti lang katulad ng madalas niyang ginagawa? Gusto ko sanang maunang magsalita pero nabigla ako ng may isukbit siya sa kamay ko at sabihing para sa akin pala 'yung dala niya.

        Paglabas ko ng elevator ay sa comfort room ako dumeretso. Nilabas ko ang laman ng paperbag. Halos maplaster ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang pesto pasta, brownies at cupcakes. I don't know pero may kaunting luha ang namuo sa isang sulok ng mata ako.

        Dahil sa saya na hindi pala siya galit sa akin, sa pagkalunod sa ka-sweetan niya at sa sobrang touch ng mabasa ko ang note niya.

   Shan,
       Let's forget about what happened. I miss you so much.
    Yours,
        Booh

        Merely the word 'miss' made my heart beats faster because that's what I've been feeling since she'd stepped out of my car last Friday. Her simple note made my day and made me hope that she can stay in my life even for the meantime. The closing remarks 'Yours' made me sure that we can still be good as … friends?

*****
        Pumasok na ako ng office. I kept the note inside my wallet. Nilabas ko ang tatlong lalagyanan at pinatong lang sa sulok ng mesa ko. Gusto kong idisplay lang doon at maalalang binigyan niya ng oras at effort ang pag-gawa no'n para sa akin.
Does Blue have any idea of how her sweetness is killing me? Maybe no.

       "Oist! Baon mo? Dami ah!" Tanong ni Gwen ng mapadaan sa mesa ko.  Tinapik ko ang kamay niya bago niya pa mausisa ang lahat ng laman.

      "Damot ah! Nagluto ka? Pahingi naman!"
     "Pag-iisipan ko pa."

     Lumapit siya sa akin at hinagud-hagod ang balikat ko.

     "I know you too well honey. Sino nagbigay?"
    "Binili ko nga…. Sa Pig-out."
     "Pa'no ka nakabili eh nadaanan ko kanina at sarado pa? Nagsisinungaling ka na sa akin, ha."
      "Gwentot, puwede ba tanghali na. Magtrabaho ka na nga! Tsupi!"

    Umalis na si Gwen. Ayokong malaman muna niya dahil malakas mang-asar ang bruhang 'yon at napaka-lakas ng radar pagdating sa mga gano'n bagay.

     Inayos ko na ang gamit ko, nag-bukas ng laptop, check emails and schedule of reports. Nainis ako ng biglang magring ang phone ko at nakitang si Gwen ang tumatawag.

       "Yes Ma'm?"
      "Shan, may dalawang meeting tayo sa hapon. 'Yung huli medyo informal lang kasama 'yung Accounting Head ng Acer so puwede na siguro sa PigOut?"
      "Hmmm… alam mo, abusada ka na eh. Ginawa mo na akong secretary? Maghire ka na kasi."
     "Ito naman, alam mo namang minimal lang ang trabaho no'n atsaka, lambing ko lang naman. Baka kasi ma-late ako do'n kaya if ever, pauunahin na kita."
     "May magagawa pa ba ako?"
     "Wala. Wala kasi mahal mo ako? Atsaka konting tiis na lang sa pagmumukha ko at malapit na akong mawala sa landas mo."
     "Grabe friend, para ka namang mamamatay na, hahahah!"
     "Sige na Baliw! 'Kala mo nakakalimutan kong paimbestigahan 'yung nagbigay ng foodie sa 'yo ah."
     "Bahala ka! Sige na bye!"

      Bago ako magsimulang magtrabaho ay lakas-loob kong tinawagan muna si Blue sa local niya.

       "Marketing Department, Goodmorning! How may I help you?"

 Blue OceanWhere stories live. Discover now