Chapter 14: Honey

4.2K 178 18
                                    

A/n: Happy Birthday @hupoochi
At dahil napanaginipan ko si 'Blue'

************

Ocean's POV:

     Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa nangyari. Maaga akong nagising pero nagulat ako ng lumabas ng kuwarto. Patapos ng maghain si Blue.

       Si Blue na hindi naalis sa isip ko kahit ano'ng gawin kong huwag. Si Blue na napanaginipan kong kasama ko sa isang excursion at may dance intermission pa raw kaming dalawa.

    Nawala ang kaba ko nang isang maaliwalas na ngiti ang binungad nya sa akin.

      "Hi!! Goodmorning!" Bati nya sabay punas ng dalawa niyang kamay sa apron.

      "Pinakialaman ko na ang ref at stocks mo ha. Eh 'yung gusto mong menu for breakfast available lahat. Nakakatuwa."

     Humila siya ng isang upuan para sa akin.

      "Upo ka na, kain."
      "Ikaw?"
      "Sunod ako. Icheck ko lang ulit muna si Jessie."
      "Okay."

       Umalis si Blue saglit. Nagpakulo na lang muna ako ng mainit na tubig. Muling dumaan sa diwa ko ang nangyari kagabi. Alam niya kaya? Nadama niya kaya? O nananaginip lang siya? Sasabihin ko ba? O... gano'n lang 'yon? Kung sasabihin ko naman, para saan? Anong motibo ko? Pareho lang kaming mahihiya pagkatapos.

       Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa at muling naupo. Lumabas siya at pinatong sa may ref ang cellphone niya. Humila siya ng isang upuan atsaka umupo sa tapat ko.

      "Shan.... sorry."
      "For?" Bigla akong kinabahan.

      "Last night. Nagising ako ng alas kuwatro at wala ka sa tabi ko. Alam kong hindi ka naging komportable."

      "Ayos lang. Kamusta naman tulog mo?" Tanong ko habang humihigop ng kape pero ang mata ko ay nasa mata niya. May kislap na dumaan sa kanyang pagkurap. Blue smiled.

      "I don't know. Mababaw lang pero gumanda kasi ang sarap ng panaginip ko."
     "Madaming pagkain sa panaginip mo?"  Biro ko. Hinihiling na hindi ang halik na 'yon ang dahilan.

      "Ha!ha! Secret. Basta masarap. Nakakakilig."
      "Paborito mong artista?"
      "Basta. Isang pangarap na doon natupad."
      "Bakit naman pangarap? Di mo ba pwedeng makamit?"
      "Puwede siguro. Pero in reality, hindi 'yon pupuwede."
      "Bakit naman?"
      "Basta hindi puwede. Hala, kumain na nga lang tayo. Ano nga agenda natin?"
        "Ako na lang mag-grocery then stay ka na lang dito kay Jessie. Dadaan din ako sa office kasi saglit."
       "Sige walang problema."

        Matapos kumain ay ako na naghugas ng pinggan. Siya naman ay sinamantala ng maligo habang tulog si Jessie.

        Muli na namang umukit ang halik namin sa diwa ko. Habambuhay na yata 'yung tatatak sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mag assume na ang halik naming 'yon ang masarap at nakakakilig para sa kanya. Posible bang may nararamdaman din si Blue sa akin? Na pangarap lang ako at hindi puwede dahil may asawa siya?

         Sa isiping 'yon na maaaring gusto niya rin ako ay may maliit na parte ng puso ko ang nagbunyi. Ngunit lamang ang panghihinayang. Na sana... single na lang siya o kahit single mom. Dahil ni sa hinagap ay di ko ninais makasira ng pamilya at maging kabit.

       Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni Blue.

      "Shan....Shan....."
      "O?" Sagot ko paglapit sa pinto ng banyo. Binuksan nya at nakatapis lang siya ng tuwalya. Napalunok ako dahil sa ayos niyang 'yon ay alam kong wala na syang saplot sa katawan. Luwa ang mahaba niyang cleavage at labas ang halos kalahati ng kanyang dibdib. Mabilis kong iniwas ang tingin ko.

      "Ang init ng tubig sa shower. Hindi ko na carry na ikut-ikutin para umayos."
      "Ah oo kasi minsan nangangamo 'yan eh. Pihitin mo lang ng konti pakanan."
      "Puwede bang ikaw na lang? Mas kabisado mo naman?"
      "O-okay, excuse me."

      Pumasok ako at hindi nakaligtas sa paningin ko ang basa na niyang labi, leeg at braso. Parang nakakatuksong dampian ng halik. Marahas akong napabuntung hininga.
  
       "Sorry Shan... nakikitira na nga lang ako destroyer pa ako. Nasira ko ba?"

    (Hindi! Ako na masisiraan ng bait sa 'yo Blue. Isa kang tukso!)

      "Hindi... hindi sira ito. O ayan, tingnan mo kung okay na 'yung temperature," sabi ko sabay atras.

       Nag-uusap kami ng nasa likod ko siya. Umatras ako at di sinasadyang nadunggol ko ang malusog niyang bundok.

        "Ay sorry!" Paumanhin ko. Napababa ako ng tingin sa hiya pero lalo naman akong nag init ng nasilayan ko ang makinis niyang legs. My weakness. Tsk! Parang gusto ko ng ipihit pakaliwa ang shower at maligo sa malamig na tubig. Nilagpasan ko na siya pero natigilan ako ng hawakan niya ako sa  braso.

       "Shan....." dumaan ang pagkalito sa mata niya at parang di rin niya alam kung bakit  niya ko tinawag. Hinaplos niya ang braso ko at dumaloy agad ang init sa katawan ko. How could this woman's simple touch ignite a fire within me?

     "Shan," mas mahina sa pagkakataong ito ang tinig niya. Lumapit siya sa akin at nagsimulang magrambulan ang mga bubwit sa dibdib ko.
   
       "Blue..." bulong ko ng simula nyang haplusin ang pisngi ko.

       "Shan....matagal ko ng gustong gawin 'to," sabi niya habang nilalapit nya ang mukha niya sa mukha ko. Hinalikan niya ang pisngi ko.

       "Thank you Shan..."  Ginulo nya ang buhok ko sabay tawa. Kinurot ng dalawa niyang kamay ang pisngi ko.

       "Hmmmmm.... ang cute cute mo!! Grabe kagigil ka Ocean!"
      "Araaay!! Ano ba Blue masakit!"

      Sinasanggi ko ang mga kamay niyang kumukurot sa pisngi ko kasi kung saan saan dumadapo ang pagkurot kurot niya sa akin.

       "Blue ano ba! Isa..."  Medyo napalakas yata ang puwersa ng pagpigil ko sa wrist niya at nanlaban pa rin siya. Pakiwari ko'y lumuwag na ang buhol ng tuwalya kaya nalaglag na ito.

     Sa isang iglap ay humantad sa harap ko ang kahubdan niya. Mula ulo hanggang paa. Marahan niyang dinampot ang tuwalya at muling itinapis.

       "Yan kase! Kulit mo."
       "Ako pa po ang makulit?" 
       "Labas ka na nga ulit. Tsupi!"
       "Cool mo lang Blue... cool mo."
       "Oo na... pangontra sa init dito sa loob kaya hala... tsupi."

       Lumabas na ako at nagulat ako ng nakitang nakatayo na si Jessie sa harap ng banyo.

        "Uy baby... okay ka lang? Kanina ka pa ba?"
       "Just now. Are you two fighting? I heard mommy. Is she grumpy?"
       "No..no.. c'mon, hilamos muna tayo then eat. I'll cook pancake you want?"
      "Yeah... you have honey?"

  (Oo baby eh... Mommy mo sana...)

      "Yup! For my princess," sagot ko sabay kinarga ko siya.

        Lumabas ng banyo si Blue ng nakarobe na. Lumapit siya sa amin.

      "Oh wag mo ng suriin ang suot ko Shan. May tali na yan, di na malalaglag."
      "Baliw!"
      "Chos! If I know!"
      "Tse!"
      "Hi baby! Sarap ba gawa tita Shan?"
       "Opo. Sabi niya kanina gusto rin po niya ng honey. Sabi nya kasi ubos ko lahat. Di ba tita Shan? Hanap ka ng bagong Honey?"

      Tumingin ako kay Blue bago sumagot. "Yes baby. May honey ako. Bago. At mahal ko siya."

      Inalis ko ang tingin sa kanya.

     "I mean... mahal. Mahal 'yung honey na nabili kong isa."  Tumingin ako kay Blue ulit.

     "Ikaw Blue? Gusto mo ba akong Honey? Este kunin ko ' yung stock ng honey?"

    Tumawa lang siya.

**********************

April fools Day ^_^

 Blue OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon