Chapter 53: Two as One

1.1K 56 6
                                    

      Blue's POV:

       Walang tigil ang pagkabog ng dibdib ko ng mabilis habang nina-namnam ang matamis na aming pinagsasaluhang halik. Ang masuyong halik ay unti-unti nagiging maalab. Tila ako dinuduyan sa sensasyong dulot ng pagsaliksik ng kanyang dila sa aking bibig. Isang pakiramdam na nag-iinit naaking buong katawan na tila naghahanap na ako ng mas pa. Isang pakiramdam na matagal akong nangulila, ang init na mapaloob sa kanyang mga bisig, sa kanyang yakap.

     Gumanti na rin ako sa lalim ng kanyang halik. "Oooooh Ocean…..," napaungol ako ng tigilan niya ang aking bibig at bumaba ang halik niya sa aking leeg. Pumaloob nag aking mga daliri sa kanyang buhok.
     "You still know my hot spot," sabi ko.
     "Hindi ka gano'n kadaling kalimutan Blue," sagot niya. She met my eyes. "Can I have you?" may pagsusumamo niyang tanong. Isang tanong na buong pagkatao ko ang tumutugon ng oo.
     "I'm yours Booh. I am all yours."

     Nanuot sa kaibuturan ko ang init ng kanyang titig. Ngumiti ako. "Can I have you in bed?" Ako naman ang nagtanong. Hindi siya sumagot. She held my hand, squeezed it and says "Matagal tayong hinintay ng kamang 'yon." Natawa ako at pinisil ko ang ilong niya.
     "Bakit Shan sa paglipas ng dalawang taon ay ang ganda mo pa rin?" Di ko maiwasang hindi sabihin.
     "I need to be. Hoping I can still catch your heart by my appeal?"
     "Ha! Ha! Hah! Pretty or not, you had me since the day I offered you meds sa bahay ni Gwen."
      "Naaalala mo pa 'yon?"
      "Lahat Shan… lahat."
      "Bakit?"
      "Dahil mahal po kita?"
      "Mahal mo ako?"
     "Mahal na mahal kita. Sobra akong maligayang kasama kita," sagot ko sabay yakap ulit sa kanya. 'Yung pakiramdam na nanghihina akong mawalay sa kanyang katawan. Namiss ko ang lugar na ito. Minsan ay nakakakuha kami ng nakaw na sandali sa kuwartong ito. Saksi kung paano namin painitin ang isa't-isa.
     "Hindi ako umalis dito Blue mula noon sa pag-babakasakaling hanapin mo ako ay nandito lang ako," kaswal niyang sabi. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama.
     "Magpapalit ka ba?" tanong niya pagbukas ng aparador niya. Hindi kasi si Ocean nagtatagal ng nakapang-alis kapag nasa bahay. Ako nama'y kaya ang matulog kahit naka-uniform.
     "I just have one hour. Nangako kasi akong sabay-sabay kaming magdi-dinner mamaya."

     Nagpalit ng maluwag na tshirt si Ocean, no short but just her undies on. She's teasing me for her breasts under it are waving at me. Am I really ready on this? Matagal na panahon na. Oo, dalawang taong walang humawak sa akin at ni hindi ko lang man alam kung kaya ko pa siyang paligayahin. Gusto kong umurong dahil ayokong mabigo ko siya. Parang kinurot ang puso ko.
     "Halika nga rito," malambing kong tawag sa kanya. She reached for my hand and I guide her to sit on my lap. Kahit nakapantalon ako ay dama ko ang init ng kanyang hita. Niyakap ko siya at pinulupot ko ang braso ko sa beywang niya. Locking her body then I leaned my face on her back.
     "I've missed you so much Ocean. Bakit wala kang short?"
     "Mainit kasi ayoko mag-aircon?"
     "Ah gano'n ba 'yon?"
     "Yes Madam, gano'n po."
     "I'm sorry for the waiting, for all the hurts and pain. I really am sorry," sagot ko habang nakakatitig ng deretso sa mata niya.
     "Just one kiss Blue, just one kiss and I'll be okay."
     "One lang Hon?" Ocean smiled.
     "Bakit?"
     "Wala lang, ang saya ko lang na naka-kandong sa 'yo at narinig ko uli ang endearment na 'yon."
     "Cuddle kasi sabi mo?"
     "Ha! Ha! So, kiss mo na ako? Dali," sabi niya sabay pikit at nag-pout. Natawa ako. Hinalikan ko siya sa lips ng mabilis.
     “Iyun lang?!" reklamo niya.
     "Just one kiss diba?"
     "Puwede bang tagalan mo naman?"
     "Ahahahah! Demanding ang baby ko."
     "May karapatan naman diba?"
     "Yes of course. I'll give you not just one kiss. Anything Hon, marami kong ibibigay sa 'yo."
     "Ha! Ha! Ha! Patola ka po. Okay lang, masaya na akong ganito tayo kahit saglit."
     I tenderly looked into her eyes. "I love you Ocean ko," sabi ko. Sinimulan kong haplusin ang isang hita niyang nakahantad.
     "Do you miss this?" tukso ko sa kanya habang taas baba kong hinihimas ang hita niya.
     "I miss all of you Blue."

 Blue OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon