Chapter 18: Where do We go from Here?

4K 178 26
                                    


BLUE'S POV:

      Palabas na sana ako ng kuwarto nang tumawag si Yul. It was so unexpected. Ayoko na ng away kaya naging routine ko ng nasa tabi ko na lagi ang cellpone ko.

      Alam kong nasa pinto si Ocean but I have no choice but to answer the call. Pagkasagot ko ng 'iloveyou' too kay Yul, nagulat ako dahil hindi naman siya pala iloveyou. Nag-aalangan man akong sumagot dahil nand'yan si Ocean, sumagot pa rin ako dahil naghihintay ang asawa ko ng sagot.

       Hindi payapa ang kalooban ko ng puntahan na sila sa salas. Nagpaka normal pa rin ako. Iniisip ko kung dapat ko bang ipagtapat kay Ocean ang pag-uusap namin ng asawa ko at ang nagbabadya niyang pag-uwi.
Medyo matagal bago pa ang huling uwi ni Yul. Inaasahan namin siya ngayong December na makakasama kaya dapat ay magsaya ako. Oo, masaya…. But that was before I fell in love with Ocean.

      "Ready?!" pinasaya ko ang boses ko. Kita ko ang ngiti sa labi ni Ocean pero hindi sa kanyang mata. Oooh, I don't wanna see sadness in her eyes. I know, dahil 'yon sa narinig niyang convo namin ni Yul kanina. Paano ko ba siya hindi masasaktan?

        "Yes Mommy! Antagal niyo po eh."
       "Sorry baby, m-may… ah, hinanap ko pa kasi 'yung bathing suit mo," sagot ko sabay tingin kay Ocean. Tipid akong ngumiti. Ramdam kong may tensiyon.

         "Yey! Swimming na tayo? Tita c'mon?" Sabi ni Jessie sabay hawak sa kamay niya.

        "Okay, let's go!" Walang lingon silang lumabas at sumunod na lang ako.

        Pagdating sa pool ay agad ko ng binihisan si Jessie. Hindi ko muna siya pinalublob dahil ako naman ang magbibihis. Sumunod si Ocean. Patay na oras kaya't wala pang masyadong tao at kami lang dalawa sa loob ng Cr.

      "Ahm, magswim ka ba?" Tanong ko.
     "Hindi na ikaw na lang. Magkakaro'n na kasi ako. Bantay na lang ako."
     "Sure?"
    "Yup. O sige, magbihis ka na. Sana magkasya sa 'yo 'yung bathing suit. Dito lang muna ako."
      "Okay," sagot ko. Bago ako pumasok sa cubicle ay hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan sya.   

      "Shan, are we good?"
     "Ha? Oo naman, why not?"

      Pinisil ko ang kamay niya. "I love you.." mahina kong sabi. Nagbaba siya ng tingin.

      "I'm not expecting a reply. I just wanna let you know."

     Tipid siyang ngumiti. "Sige na Blue, magbihis ka na at naghihintay na si Jessie sa labas."

      Binitawan ko na ang kamay niya at pumasok na sa loob. Mabilis akong nagbihis. Paglabas ko ay nasa tapat lang ng sink si Ocean at nakaharap sa salamin. Nakita niya ang repleksiyon ko sa salamin at napanatag na ako nang makitang lumuwag na ang kanyang ngiti.

      Lumapit ako sa kanya at di na ako nag-isip na yakapin siya mula sa likuran. Ang buong katawan kong nakalapat sa likod niya sabay ng  pag-siklop  ng kamay ko sa puson niya ay nagdulot ng kaginhawan sa kabuuan ko.

     "Shaaaaan…." paglalambing ko. "Shaaaan… mahal mo ba ako?"

       A deep sigh escaped from her. Pinisil niya ang kamay kong nakayakap sa kanya.

     "Booh," sagot niya ng magtama ang mata namin sa salamin. "Mahal kita okay? Mahal na mahal kita. Dapat alam mo na 'yan."

       Kinalas niya ang kamay kong naka-akap sa kanya at humarap sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi.

       "I love you, I love you, I love you," sunud-sunod niyang sabi at dinadampian niya ng mabilis na halik ang labi ko bawat iloveyou niya. Hindi tuloy naalis ang ngiti ko.

 Blue OceanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant