Chapter 48: It Happened

2.5K 119 14
                                    


Blue's POV:

     Mahigpit ang pagkaka-kapit sa akin ni Maya papasok ng store. "Wait! Ano ka ba? Higpit mo namang kumapit. Para kang tukô."

   "Namiss kasi kita, akala ko di ka na tutuloy dito sa store."

    Binati ako ng mga staff na nadaanan namin. Nakapasok ako sa maliit naming opisina at naupo sa couch. Tinakpan ko ng dalawang palad ko ang mukha ko at tanging tagpo namin ni Ocean ang nakikita ko. Hinagod ni Maya ang likod ko.

     "Are you okay? Sorry, na-a-upset na naman kita sa kakulitan ko," mababang tono ni Maya. "Tinapos ko lahat ng maaga dahil umaasa ako na... you know, to have a little of your time."

     Huminga ako ng malalim saka ako nag-angat ng mukha.
Sasabihin ko ba sa kanyang nagkita kami ng taong mahal ko? Dapat ko bang ipagtapat? Masikip sa dibdib. Dami kong gusto gawin sa moment na iyon kanina. I saw pain in her eyes, deep pain and I am guilty of it.

    "Sumama lang pakiramdam ko. Kamusta ang araw mo? Sino ba kausap mo kanina sa phone?"

    Tumayo ako at lumipat ng puwesto sa desk. Inayos ko ang picture frame namin ni Maya na parang nagalaw. Siya lang ang may gusto na ilagay ito rito dahil ito lang daw ang picture na pumayag ako magpashot kasama siya.

    "Oh! May inentertain kasi ako kaninang customer. Mahabang kuwento pero nandiyan sa gilid ng phone 'yung calling card. Puwedeng prospect sa business."

   Umupo siya sa harap ko habang nagsisintas ng rubbershoes.

   "Nagpapasok ka ng ibang tao?"
   "Mukha namang maayos atsaka chicks," sagot niya sabay kindat.

   "Yan, d'yan ka magaling! Ga'no kaganda?"
   "Maganda, simple saka... hot."
   "Type mo?"
   "Mas type kita. Love ko pa."
   "Hay nako! Tara na nga at need ko pa mag-grocery. Luluwas ang Nanay at si Jessie sa isang araw. Sana nga wala na 'yung bagyo."

   Dumaan ako ng opisina dahil may nakalimutan akong isend na proposal sa isang kliyente. Need daw kasi yung total cost ng buffet na inooffer ko kung kaya. Gamay na namin ng team ko ang mga rush event kaya tinanggap ko na.

   "So, sa'n tayo?" Maya asked.
   "D'yan lang sa grocery sa baba."
   "Babalik pa ba tayo?"
   "Bahala na kung may makita na para rito sa store saka tayo bumalik."
   "You're the boss!"

   Tumayo na ako matapos isend sa kliyente ang proposal. Nahagip ng mata ko ang calling card na sinasabi ni Maya at walang tinging nilagay ko sa bag ko.

   Naghiwalay muna kami ni Maya sa grocery. Binigay ko ang list sa kanya ng ibang kailangan. Mas natatagalan kasi ako habang nakabuntot siya.

   Hindi na kami bumalik sa store. Habang pauwi ay tahimik lang ako sa kotse. Si Maya ang nagmamaneho.

   "Babe, kilala kita. Madalas tahimik ka pero alam ko kung kailan bothered ka. Ano ba 'yon?"
   "W-wala 'to. Basta biglang bumigat pakiramdam ko."
   "Sige in time. Uuwi na lang ako agad paghatid sa yo," sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Hinayaan ko lang siya.

    Pagdating sa bahay ay mabilis naming naayos ang mga pinamili. Nagpaalam na rin siya at ako'y nahiga na.

    Simula pa lang ng business namin ay nandyan si Maya since day 1, walang pinakitang masama sa akin. Alam ko namang all out ang support niya sa akin at alam niya bawat bahagi ng kuwento namin ni Ocean.Pero walang anuman o sinuman na makakapag bura ng isang Ocean sa puso ko.

   Oo, hindi naghahalucinate si Shan nu'ng moment na nahimatay siya sa comfort room ng mall. Call it fate, na naro'n ako no'ng bumagsak siya. I don't know how or why she was there.

 Blue OceanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt