Chapter 19: Heartbeat

3.6K 171 19
                                    

OCEAN'S POV

     Kinabukasan pag-gising ko ay si Jessie na lang ang katabi ko. Bumangon ako at hininaan ang aircon. Nagtali ako ng buhok atsaka lumabas.

        Pagdungaw ko sa dining ay nakita kong nagpiprito ng bacon si Blue, naamoy ko eh. Sumandal lang muna ako sa may pinto at pinanood ko siya saglit.

       Nakiliti ako sa kaibuturan ko ng makita siyang suot ang maluwag kong tshirt na umabot lang hanggang kalahati ng hita niya. Bakat ang undies nya at wala akong nababanaag na may suot siyang bra. Nakatali rin ang lahat ng kanyang buhok at tila nanghahalina ang kanyang batok ng pag-simsim.

    Sa kabilang dako, nakaramdam naman ako ng inggit. Inggit sa asawa niyang si Yul. He is so damn lucky to have a wonderful woman like Blue.
Masaya na rin ako na kahit panandalian ay naransan ko na 'ganito pala ang may asawa'. Gigising at matutulog ka na kayakap siya at may nagsisilbi o nag-aasikaso sa 'yo.

___
   Di ko inaasahan ang biglaan niyang paglingon. Our eyes met then she smiled. Tinawag nya ako. Bigla akong nailang. Pinatay niya ang kalan, naghugas ng kamay, at nilagay sa platito ang bacon.

      "Goodmorning Mahal," bati niya sabay ngiti. Napangiti na rin ako at kinilig. Ang sarap sarap pakinggan ng salitang 'Mahal'.

     "Don't I deserve a hug? Pinagluto kita."

      Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Magaan na yakap lang.

     "Nu ba 'yan Hon, higpitan mo naman. Para naman akong may sakit," reklamo niya. Nailang ako kasi damang dama ko ang dibdib niya. Ang aga-aga para ako mag-init.

       "Uhhhmmmm… ayan na po," sagot ko sabay hapit sa beywang niya.

      "Ahm, ano ba? Kakain ka ba muna o maliligo bihis? Papasok ka diba?"

     Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at magaang hinalikan sa labi. "Hon, alam kong wala ka pang masyadong tulog. Bakit ang aga mo nagising para magluto?"

      Humila siya ng upuan at pinaupo ako.

      "Okay lang 'yon Shan, tara't sabayan na lang kitang kumain. Baka malate ka pa," sabi niya at sinimulan niyang lagyan ng sinangag ang pinggan ko sunod ang tatlong piraso ng bacon. Natutulala ako sa totoo lang. Ang sarap ng feeling.

      "Hon, hahanap-hanapin ko 'yang ginagawa mo," sabi ko sabay huli ng kamay niya sa ibabaw ng mesa. Magaan kong pinisil 'yon. Ipinatong naman niya ang isa pa niyang kamay uli.

     "Shan, maliit na bagay 'to okay? I love you and I want to let you feel that even in simple ways. Please let me, okay?"
      "Okay."

       Tahimik kaming kumain at madalas ko siyang makitang sumusulyap sa akin na parang may gusto siyang sabihin.

      "O nga pala Hon, dadating si Nina ng alas onse. Siya makakasama ni Jessie if ever papasok ka na bukas."
      "Salamat Shan. Next week naman ay babalik na ang Nanay ko."
     "Kamusta naman pala ang work mo sa office? May bakante sa amin, ayaw mong lumipat?"
      "Naku, depende. Narinig ko ngang may open sa inyo. Kaso nando'n ka eh."
      "Eh ano naman?"
      "Baka hindi ako makapagconcentrate. Tititigan lang kita maghapon."
      "So inlove ka na sa akin sa lagay na 'yan?"
      "Ay! Hindi pa ba obvious?"
      "Hahahha!"

-----

       Magaan ang pakiramdam kong pumasok ng office. Binaon ko pa for lunch ang natirang tinola namin kahapon. Wala na akong inintindi. Kanina ngang paglabas ko ng banyo ay nakalatag na sa kama ko ang bra, panty, panyo, cellphone at jewelries na gagamitin ko. Hinanda lahat ni Blue. Ganito ba talaga? Para namang wala akong kamay para gawin ang mga ginawa nya? Nangiti na lang ako.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now