Chapter 47: Torture

2.5K 107 14
                                    


Ocean's Pov:

      "Kung may isang lugar na ayaw kong alisan, iyon ay ang espasyo na katabi ka. Kahit mahirap, kahit may kahati, kahit panakaw - ang mahalaga ay makasama kita. Sa piling mo, wala akong kulang. Sa yakap mo, kumpleto ako. Sa hawak mo, buo ako. May halaga ang pananatili kong humihinga dahil sa pagmamahal mo."

       "Mahal kita Ocean ko at walang humpay akong magpapasalamat sa pagdating mo sa buhay ko. Natatanging ikaw lang ang nilalang na nakapag-paningas ng apoy sa kaibuturan ko, nakapag-paalab ng damdamin kong hindi ko alam na may kakayanan pala akong magmahal ng sobra. Ngunit gaya ng apoy, ang init nito na nakakaginhawa sa malamig kong puso, ay nakakapaso rin at nakakasakit. Mawala man tayo, sana alam mong mahal na mahal kita. Sa puso ko, isip ko, naro'n ka na… habambuhay."

     Muling bumigat ang aking kalooban. "Osang….Osang…" mahinang boses na narinig ko at kinainis ko. Dumilat ako at nakitang nandito na ako sa kuwarto ko.

    "Ate?"
    "May iba pa ba?"
    "Si-- Si Blue?"
   "Myghaaad Osang! Blue pa rin? Naging blue ka na nga sa kawalan ng malay, 'yung taong wala na pa rin ang hinahanap mo?!"
    "Nakita ko siya eh. Ando'n siya."
    "Di sana wala ka rito."
    "What happened?"
    "Humabol ako sa event bago matapos but too late na rin. I asked Jillian nasa'n ka. Buti ako umabot sa 'yo sa Cr. Eh kung ibang tao?"

    "Bago ako mawalan ng malay, alam kong si Blue ang nakita ko. Nakita ba kayo?"
    "Ang kulit mo rin eh, no?! Hindi ka pa raw kumakain at malamang eh, gutom ang nakita mo sa imahinasyon mo okay?"
    "Hindi ako naniniwala sa 'yo. Alam ko ang nangyari."
   "Bahala ka na nga! Okay ka na ba? Bumili na lang ako sa Tapa King saka Ramen. Kumain ka na, dito na ko matutulog para matingnan ka."
   "Para ano?"
   "Para makasigurong di ka mababaliw."

     Tulog na si Ate Sharry at naka-kain na ako. Hindi ako mapakali. Alam kong nando'n si Blue. Posible 'yon. Hindi ako nababaliw. Pumunta ako sa salas at tinawagan si Gwen.

    "Friend, we met already."

    "Seriously Ooshie? In the middle of the night with matching heavy rain? You just called to say it?"

    "I'm sorry. I-- I just need someone. Alam ko, nagkita kami. I passed out but I knew it. Tell me I'm not crazy okay?"

    "You're not sweetheart. Okay, calm down. You need to rest. Dumaan ako sa expo kanina at alam kong napagod ka. Hindi na kita pinuntahan. You rest then we'll talk tomorrow."

    "Hindi ako baliw bes. Nakita ko siya."
    "Okay fine. So ano ba plano mo?"
    "I… don't know. I'm scared."
    "See? Kaya sige na, matulog ka na. Bukas mag-usap tayo."

     The next morning, malakas pa rin ang ulan. "May almusal na diyan, papasok ka ba?" tanong ng kapatid ko.

     "Oo papasok ako. Ako na lang muna, para madivert ang isip ko."

    "Yan ang tama. Sige uuwi na lang ako. Asikasuhin ko 'yung bagong mga shelves na inorder ko. Ayusin mo na sarili mo at tigilan mo na kaka-Blue Blue mo, natotorete na ako."

     Hindi na lang ako kumibo. Ramdam kong wala akong makukuhang suporta sa kanya kaya kailangan kong mawala muna ako sa paningin nya para hindi nya ako mabantayan sa mga gagawin ko.

.....

     Pagdating sa opisina ay natuwa naman akong kumpleto mga drivers at staff ko. Kung kailan bumabagyo, saka sila kumpleto.

     "Goodmorning Ma'm," bati ni Theo. "Nasubmit ko na po ang ilang resibo at ilang koleksiyon kay Ma'm Jillian."

     "Good! May bago ba tayong delivery?"
     "Ang sabi po ni Ma'm Jill, prospect pa lang po. Sa MOA daw po."
    "So ano gagawin niyo ngayong umuulan?"
    "Eh.. Personal driver din Ma'm, puwede, ahehe!" Bigla akong may naisip.

 Blue OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon