Chapter 36: Confusion

2.7K 138 15
                                    

Blue's Pov:

     Ayoko na sanang pag-usapan ang natuklasan ko pero di rin naman ako mapapanatag.  Sa sobrang inis ko ay ayoko na rin syang kausapin muna sana pero mabigat sa loob.

     Umalis si Yul at inaya ng kumpare niya sa isang birthday. Si Jessie naman ay hinayaan ko munang manood ng tv sa salas. Nasa kuwarto ako nang tawagan ko si Ocean.

     "Nakaninong kotse ka kahapon?"
     "Ahm.. k-kay Marga. P-pa'no mong nalaman?"
     "Pa'no ko nalaman?"
     "Yah.. sana."
     "Una, narinig ko ang background music ng kotse. Hindi mo inaalis sa 96.3 ang istasyon ng radyo mo at sinabi mo na ayaw mo ng iba pa. Ayoko na sanang sitahin pero kaninang umaga sinabi mong papasok ka pa lang pero nakita ko na ang kotse mo sa parking. Nagkataon na sinamahan ko si Helene dahil may nakalimutan siya sa kotse nya. Hindi ka nagsinungaling pero hindi mo rin sinabi ang nangyari. Bakit Shan?"

    "Kasi feeling ko, mahabang paliwanagan. Di ko na sinabi kasi no'ng nalaman kong nag undertime ka ng walang pasabi, nainis din ako."

    "Dahil may rason kumbakit ko ginawa 'yon. I want you to feel there's something wrong. I don't know how to handle the hurt that you've lied to me. Mas iisipin ko pang may something dahil sa paglilihim mo alam mo ba 'yon? Sino ba 'yang Marga na 'yan?"  

     "Nasabi ko na 'di ba? New team mate, assistant ng pumalit kay Gwen. Nasira ang gulong ko at nakita niya ako sa parking. Paulan na kaya pumayag na akong i... ihatid niya. Kung di ka naman nag undertime, sa 'yo naman ako sasabay. Kaya nga kita dinaanan sa floor mo."

     "So ikaw pa naiirita ngayon?"
     "Hindi ako naiirita."
     "So.. hinatid ka sa bahay mo? Kasama mo siya no'ng nag iloveyou ako? Na isa pa 'yon na first time kang sumagot ng abyu lang? Hindi mo binuo ang iloveyou too kasi ano? Nahihiya ka?"
     "Blue naman... ano ba talaga? First day no'ng tao gusto mo aminin ko kaagad na may gf ako?"
     "Oh wow! First day no'ng tao pero nakihitch ka kaagad right?"
     "Blue meghed! Inaaway mo ba ako?"
     "Hindi ka magsasabi kung di kita nahuli."
     
    Silence.

      "Sorry.... sorry na. Mali ako. Sasabihin ko naman."
     "Hindi ko na ipipilit pero iba nararamdaman ko sa Marga na 'yan."
      "Blue.... may sarili naman akong isip. Sana alam mo 'yan."
     "Na ano? Na kahit may asawa ako pinatulan mo 'ko? Na maraming nagsasabing hiwalayan mo 'ko di ba?"
     "Ikaw na ang nagsabi niyan."
     "See?"
     "Booh alam mo lumalayo ka na eh. Please ayusin na natin 'to. I'm sorry.... sorry na. Minsan lang makatiyempong wala asawa mo aawayin mo pa ako."

      Matagal ako bago nagsalita. Mabigat pa rìn 'yung puso ko. 'Di ko matanggap na naglihim sya.

      "Booh... sorry. Sorry talaga. Please speak up."
      "Sige na. Magpahinga na tayo."
      "Tsk! Hindi naman ako makakatulog nito kasi hindi tayo okay."
      "Mawawala rin 'to. Sige na, bye."
      "Blue please naman..."
      "Sige na..."

       Masakit sa kalooban kong tinapos ang usapan namin ni Ocean. Hindi ko din alam kung paano lulubag ang dibdib ko eh. Habang nag-uusap kami, lalo akong naguguluhan sa ano ba ang dapat kong maramdaman sa actual kong nararamdaman.

     Tinawagan ko si Yul.

     "Ano'ng oras ka uuwi? Do-double lock ko ba ang pinto? Gusto ko ng magpahinga at maaga pa ako bukas."
    "Hmmm...mga alas dose aalis ako dito. Ala una mahigit siguro nand'yan na ako."
     "Sige ingat ka."
     "Pagod ka na nga? Tagal na honey."
     "Yul saka na. Gusto ko na ngang matulog."
     "Okay okay sige. Namimiss lang kita."
      "Sige na baba mo na."

       Alas diyes y media ay magkatabi na kami ni Jessie sa kama. Di ako makatulog kahit anong pilit ko. Naiisip ko si Ocean.

      Tama ba na itigil na ang relasyon na 'to? Paano kung hindi lang isang Marga ang dumating para magpayo sa kanyang layuan ako? Paano kung dumating na 'yung time na marealize nyang hindi naman talaga kami ang para sa isa't isa at walang patutunguhan ang relasyon na 'to simula pa lang? Paano ko kakayaning maiwan niya?

 Blue OceanWhere stories live. Discover now