Chapter 13: Dream KISS

3.9K 179 12
                                    

Ocean's Pov:

       "Booh... hindi na ako makahinga. Nagluto lang ako saglit, namiss mo na ako agad?"
      "Haha! Wala lang, ang sarap mo lang palang yakapin."
      "Hmpf! Alam kong may iba kang gustong kayakap."

        Kumalas sya ng yakap at kunot noo nya akong tiningnan.

       "Ha?"
       "Wala, ang sabi ko kumain na po tayo ng makapagpahinga ka na."

       Tahimik syang umupo. Di ko alam kung alam niyang asawa nya ang tinutukoy ko. Bigla ko lang naman nasabi 'yon eh.

      "Sarap ng bacon mo Shan. Bigla lang ako nag crave. Thank you talaga. Babawi ako bukas, ano gusto mong ulam dali."

      "Hmmm... beef caldereta sana ang nasa menu ko."
      "Pero hindi 'yun ang type mo bukas."
      "Oo tama. Gusto ko lang ng tuyo at itlog na maalat na may kamatis."
       "Okay sige, for breakfast. Igagawa rin kita ng Chowfan."
      "Sure."

      Natapos kaming kumain na 'yon ang huli naming usapan. Nag offer syang maghugas ng pinggan. Habang naghuhugas ay pinagmasdan ko siya. Blue maintains her curve inspite of having a child. I noticed talaga 'yung legs nyang nakakasilaw.

     Kaninang yakap ko siya ay ang sarap sa pakiramdam. Pinangarap ko ng mayakap sya sa pagtulog. Pero alam kong mali dahil asawa nya lang ang may karapatang gawin 'yon.

      Inamin ko na sa sarili ko na una pa lang.... may atraksiyon na ako kay Blue na pilit kong winawaksi. Higit sa lahat ay may asawa siya at pareho kaming babae. Hindi pa ako handa.
Napabuntung hininga ako.

         "Lalim no'n ah," puna nya matapos nyang patayin ang gripo at humarap sa akin.

      "Pasensya na Shan. I know I'm invading your privacy p..."
     "Walang pero pero. I offered my house at no worries. Naninibago nga lang ako dahil may kasama ako na dating mag-isa lang."

      Lumapit si Blue at tumayo sa likuran ko. Nakaupo ako. Naramdaman kong dumantay ang dalawa nyang palad sa magkabila kong balikat. Nagsimula siyang magmasahe.

       "Aaaaahh..... sarap," napaungol ako. Masarap talaga 'yung pressure ng masahe nya dahilan na napa pikit na rin ako.

      "Ooooohhh sarap Blue. Sa'n mo natutunan 'yan?" Patuloy pa rin sya sa pagmasahe.

     "Inaral ko lang sa youtube. Noong bata kasi si Jessie, mas madali sya nakakatulog sa masahe ko. Sarap ba?"
     "Oo eh. Kulang na lang kama at dumapa ako."
     "Gusto mo ba? Halika..."

       Naisip ko ang pagpapa massage ko sa spa na nakahubad at panty lang ang suot. Bigla akong kinabahan.

     "Naku hindi na. Carry na 'yan," natataranta kong sagot. Baka sa kanya okay lang pero baka in time ako na magkasala at magkaro'n ng malisya.
Hinatid ko na muna sya sa kuwarto nya.

      "So pa'no? Goodnight na?" Sabi nya. Naiinis ako na papasok na sya ng room at ako naman sa kabila. Puwede naman kaming tatlo do'n sa bed since king size yon para nga sa mga bisitang mag-i-stay.

      "Yah... goodnight. Sweet dreams."
      "I'm pretty sure I will have that."
      "Bakit naman?"
      "Knowing that one person I admire is sleeping right beside my room."

        Feeling ko nagblush ako. Speechless bigla. Ako? Inaadmire nya?

       "Oh... wag mag isip ng kung ano ha. Hindi ako lesbian para sa paghanga na baka isipin mong gano'n. I just admire you Shan, for being kind, sweet, humble and all. Kaiinggitan ng ng sinuman ang taong mamahalin mo."
     
      "H-hindi naman ako nag iisip ng ganon ah. May asawa ka at never kang magiging les. N-nanibago lang ulit ako dahil di ako sanay sa mga papuri."

 Blue OceanWhere stories live. Discover now