Chapter 20: Hanggang Ako'y Buhay

3.5K 169 30
                                    


BLUE'S POV:

     Habang nasa sinehan, walang paglagyan ang saya sa puso ko. Wala sa palabas ang diwa ko. Biglang umahon ang pagkukumpara ko sa kanila ng asawa ko. Hindi ako dinadala ni Yul sa sinehan, hindi kami nagdedate. Para sa kanya ay gastos lamang ang lahat. Masyado kasi kaming naka focus noon sa pag-iipon. Umaayon lang ako sa lahat ng gusto niya. Pati sa social life ko'y naging malamig din.

       Noong umalis si Yul papuntang New Zealand, hindi ko rin naman naisip na 'ah sa wakas, malaya na ako dahil natuon naman ang pansin ko kay Jessie. Wala naman akong pinagsisisihan pero naisip ko lang na masaya pala ang paminsang-minsang lumalabas. Ito pala ang sinasabi ng Nanay ko na sana man lang daw
ay magliwaliw ako minsan.

      Sinulyapan ko si Ocean. Heto na naman ang puso kong mabilis sa pagtibok. Sana, makasama ko pa siya ng matagal. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya bumaling siya sa akin.

       "Bakit?" tanong niya.
       "Hmmm, wala naman. I'm just happy. Sana ikaw rin."
       "Oo naman," she replied and again, kissed our entwined hands.

       "Bakit ang sweet mo?"
       "I'm not. Mahal lang talaga kita."

       Binalik ko ang pansin sa screen hanggang makaramdam akong medyo puno na ang pantog ko.

      "Hon, Cr lang ako saglit."
      "Samahan na kita."
      "Huwag na, baka may kumuha ng upuan natin."
       "Okay sige."
       "Dalhin ko na ang bag ko, baka kasi malaglag. May mga dala ka rin eh."
      "Okay sige."

      Pagdating ko sa Cr ay eksaktong nagriring ang phone ko. Hindi ko masagot dahil ihing-ihi na ako. Matapos ay atsaka ko na lang nilabas ang cellphone ko. Si Yul ang tumatawag. Kinabahan ako. Kung isasilent ko 'to, mas lalong magwawala 'yon to think na natawagan niya ako kanina. Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng biglang tumawag siya ulit.

      "Blue Hello!" marahas agad niyang sabi.
      "Yul.."
      "Nasa'n ka ba?"
      "Ah.... Uhmm... sa labas. M-may binili lang."
      "Mag-aalas nuwebe na, nasa labas ka pa? Sinong kasama ng bata?"
      "Ahm... si... Ocean."
      "Ano ba kasi 'yan binili mo?"
      "Ah.... Ano, softdrink. Nakakahiya naman kasi kay Ocean. M-may bisita kasi siya, ako nag offer bumili ng maiinom."
"Sige, bilisan mo at gusto kong ivideocall ang anak ko."

        Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. "Okay, pero ako na lang tatawag kasi..... Iniwan kong tulog ang bata."

       "Gano'n ba. Sige."
       "'Yun lang ba?"
       "Haaay! O nga pala Blue, uuwi na ako ng Pilipinas."
       "Sabi mo nga. May definite na bang date?"
       "Sa makalawa, abente-tres. Sa Mindoro tayo magpa-Pasko."
       "Kung 'yan ang pasya mo, sige."
       "I-ppm ko na lang ang mga bilin ko. Ingat ka."
      "Sige... bye."

       Pagbalik sa upuan sa loob ng sinehan ay di ako mapalagay.

       "Ang tagal mo Hon, muntik na kitang sundan."
       "Eh... Shan, ilang minutes pa ba 'yung palabas?"
       "Ha? Kakasimula lang Hon eh. Bakit?"
       "Ahm, tumawag kasi si Yul. Gustong ivideo call si Jessie."
       "Ano'ng sabi mo?"
       "Sabi ko bumili lang ako sa tindahan sa labas."
       "Ah so, ano?"
       "Puwede bang umuwi na tayo?"

       Biglang napayuko si Ocean. It hurts seeing her disappointment. She squeezed my hand.

       "It's okay, don't worry. Late na rin."
       "Sorry Hon, sorry talaga."
       "I understand."

       Tahimik lang si Ocean habang nagda-drive. Alam kong iniisip niya ang sitwasyon. Hinayaan ko lang siya. Hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kanya na uuwi na kami ni Jessie kinabukasan ng gabi dahil nagbigay na ng definite date si Yul sa pag-uwi nito. 'Yung excitement na nafeel ko kanina, biglang bumulusok pababa. Ibig sabihin lang kasi ay isang araw ko na lang makakasama si Ocean at hindi ko alam kung kailan ang susunod.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now