Chapter 55: Struggle

997 51 7
                                    

Ocean's POV:

     Hindi na naman ako pumasok at nakarating sa Ate ko 'yon. Masakit ang ulo ko. Two day lang siya sa Boracay dahil di mahindian ang hipag niya. Bukas ay magtutuos daw kami pero di ko na 'yon iniisip. I got up, fixed myself and drove straight to JLC Mall. Nagduty si Blue at kinaiinis ko na kasama niya si Maya sa loob ng opisina.

     Pumasok ako ng store at naupo sa sulok. Dito na rin ako nag-brunch. After a while I saw Maya na papalapit sa akin hanggang maupo sa harap ko.

     "How's the pasta?"
     "Okay naman. Recipe to ni Blue right?"
     "Yeah. So, are you waiting for her?"
     "Yes. Alam niyang nandito ako."
     "Mahal ko si Blue."
     "Mahal ko rin siya."
     "Hindi ka niya mahal."
     "Pardon?"
     "Nangako siya sa akin na makalipas ang dalawang taon ay tatanggapin niya ako. Nang dumating ka ay tapos na ang palugit at ilalaban ko 'yon. May unfinished business lang sa 'yo hanggang makuha niya ang kapatawaran mo. Iiwan ka rin niya. May plano kaming magbranch out sa Europe this year. Natural hindi niya sasabihin. Kaya hinayaan ko muna kayong dalawa. Pero ito sasabihin ko, akin si Blue."
      "Kahit kami na?" Natigilan si Maya at halatang nagulat. Hindi siya ang tipo ng taong magpapaurong sa akin.
     "Kahit kayo pa."
     "Look, personally I don't know you. Di ako maniniwala hanggat di sa kanya galing. Tingnan mo sarili mo. Mukha ka namang may pinag-aralan para maging desperada."
      "Hindi ko isusuko ang dalawang taong pinuhunan ko ng dahil sa pagbabalik ng isang fling."
     "Hindi ko rin isusuko ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi kailanman kahit ano pa sabihin mo."
Hindi na siya sumagot. Tumayo siya at nginitian ako ng nakakaloko. Buti naman ay pumayag si Blue na maghalfday na lang. Pinagmaneho ko siya sa appointment niya.
      "Hon, may problema ba?" Tanong niya. Hinihimas niya ang hita ko habang nagda-drive.
     "Mahal mo ba kong totoo Blue?"
     "Bakit ganyan ang tono mo?"
     "Paano mo ko hahanapin sana?"
     "Pag-uusapan natin talaga? Akala ko ba'y iiwan na natin 'yon?"
     "I am just curious."
     "Hon, andami nating common friends. Kaya ko ipm ang Ate mo, pamangkin mo, si Gwen. And honestly? Ginawa kong lahat yon pero walang nagreply sa akin. May social media ate mo dahil sa business niyo. Alam mo ang dahilan kung bakit...."
     "Why after two years? O dahil kay Maya?"
     "What?! Anong kinalaman ng tao?"
     "Nagtatanong ako, wag kang mairita."
      "As if I am lying? What's the point, Shan?"
     "Kinausap niya ako kanina."
     "Walang totoo sa mga sinabi niya."
     "Di mo pa nga naririnig."
      "Dahil wala, okay? Kaibigan lang turing ko sa kanya. Sa akin ka maniwala ano ba? Dami ko ng iniisip. Huwag mo na siyang idagdag."
     "Okay I'm sorry."
        
     Matapos ang appointment niya ay sa bahay niya kami tumuloy. Masaya akong sinalubong ni Jessie sabay bigay ng popcorn na pasalubong ko. Si Blue muna nag-asikaso sa anak niya at naiwan ako sa salas. Tumayo ako ng lumabas ang nanay niya mula sa kusina.
     "Magandang hapon po," magalang kong bati.
     "Maupo ka," sagot niya. Sumunod naman ako at kinabahan na.
     "May relasyon ba kayo ng anak ko?" Deretsong tanong na nakakabigla. Pero handa ako.
     "M-mahal ko po ang anak ninyo. Nagmamahalan po kami."
      "Hindi na naging normal ang pag-aasawa niya at ngayo'y mas hindi normal ang susuungin niyang bagong relasyon?"
     "Ano ho ba ang normal sa pagmamahal? Hindi ho ba sapat na may puso ang isang tao para makaramdam no'n?"
     "Huwag niyong ipagkamali ang guilt sa nakaraang pag-iwan niya sa'yo sa isiping pagmamahal na nga 'yung ngayon. Magugulo ang buhay niya pati ng apo ko."
     "Bigyan niyo ho ng pagkakataong lumigaya ang anak niyo. Kahit siya na lang po isipin niyo. Nirerespeto ko ho kayo bilang kanyang ina pero may isip na po si Blue. Hindi ako hadlang kung saan niya nais makarating o sa kanyang mga pangarap man."
     "Hindi ka pa kasi ina."
     "At kung ako'y ina, nandito ako para sa anak ko hindi para angkinin o kontrolin o diktahan sa dapat niyang kalagyan. Magiging ina ako na aagapay at di magiging maramot sa kaligayahan niya."
     Umiling ang nanay niya at umalis ng dumating si Blue kasama si Jess. "Mauuna na 'ako Blue. Tawagan na lang kita para mapag-usapan natin susunod na gagawin."
     Nilingon ni Blue ang nanay niyang padabog na tumalikod. "Inaway ka ba?"
     "Hindi Blue. Naunawaan ko naman siya."
     "Tita... alis ka na? Pasyal tayo uli," sabad ni Jessie.
     "Sure baby."
    

 Blue OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon