Chapter 15: Honey Yes!

4.2K 205 27
                                    

Blue's Pov:

      Hindi ko na pinansin ang  biro ni Ocean. Ayokong entertainin kasi for sure maiilang ako.
  
      Pumunta na ako ng kuwarto. Hinubad ko ang robe at humarap sa salamin. Geez.... nakita nya ang lahat. 😦 Pero bakit ba? Hindi pa naman kahiya hiya ang katawan ko.
  
      Hindi ako manhid para hindi maramdamang may tension sa pagitan namin. Nilaro ko na lang ang insidente kaninang nalaglag ang tuwalya ko. Ghad.... if she only knew how she affects me.

        I admit.... I admit, the kiss last night is real. I've been dreaming of kissing her and I could'nt remember how and when it started.  Alam kong walang chance na mangyari 'yun in the future. Hindi ang tipo ni Ocean ang papatol sa katulad ko... babae at may asawa.

      Iniidolo ko siya, nirerespeto pero hindi ko na nakayanang labanan ang temptasyon kagabi. Nagpanggap akong tulog, na nananaginip lang but the kiss was amazing. That kiss I will carry through for a lifetime. A secret  that nobody will know even her.

       Mabilis akong nagbihis at muling humarap sa salamin. Dinama ko ang labi ko at pumikit. Inaalala ang nagdaang gabi. Ang malambot at malambing niyang yakap, isang pakiramdam sa loob ng bisig niya na gustung-gusto kong balikan. Ang halik ng kanyang malambot na labi na nakaka-adik, ang paraan ng kanyang pagtugon na halos ikapatid ko ng hininga.

       Dumilat ako at natagpuang nakangiti ako sa salamin. Masyadong malalim ang pagbabalik tanaw ko at di ko napansing nasa loob ng kuwarto si Shan. Nakasandal sya sa may pintuan at nakangisi.

     "Shan! Kanina ka pa?!" Bigla akong napatayo.

     "Just now."
     "You sure?"
     "Yup. Nakita ko lang naman na hinihimas mo ang lips mo at nakapikit. Masakit?"
      "Ha?"
      "Namimiss mo na ba?"
      "What?"
      "Halik ng asawa mo? Pauwiin mo na kase! Sumunod ka na sa labas."

       Seriously? 'Yun ang iniisip niya? Ni hindi ko nga maisip na may asawa ako nitong huling linggo lalo na't kasama ko siya?

       Lumabas na ako at naabutan silang kumakain na ng pancake, with the honey on the table. Tahimik akong umupo sa tabi ni Jess.
  
      "Are you done?"
     "Yup Mommy. Pwede po ba ako manood ng tv?" Sinulyapan ko si Ocean para magpaalam. Tumango lang siya. Tumayo ako.
  
      "Lika baby, watch ka muna. Then brush ng teeth after ko eat okay?"
 
     Bumaling ako kay Ocean bago umalis.
         
      "Oist Shan..."
      "O?" Pairita niyang sagot. Ang cute cute niyang magtopak. 😊

      "Maawa ka, di nakakalaban 'yung pancake. Lasug-lasog na."

      Tumawa ako pagtalikod ko. Ano kaya pinag-sisintir nya? Akala niya namimiss ko kiss ng asawa ko? Nagseselos ba siya? Pero bakit?

     Inayos ko na ang pagkakaupo ni Jessie pag bukas ko ng Tv.
 
      "Behave anak ha. Pag okay ka na, sabi ni tita Shan mag swimming tayo mamaya ok?"
     "Ok po. Yey."

      Hinalikan ko siya sa noo at bumalik na sa dining room. Tapos na si Ocean kumain.
 
      "Hala ambilis mo naman Hon?"
      "Ano?!"
      "Kako ambilis nabawasan nong honey. Lakas mo pala dyan."
      "Kumain ka na lang. Ako naman maliligo."
       "Meron ka ba? Kanina ang sweet mo, ngayon masungit?"
       "Ewan ko sa 'yo..."

       Di ko na lang siya pinansin. "Sige maligo ka na ng bumango ka naman. Sungit na maasim pa." Nakita ko siyang ngumiti saglit.

      "Huwag mo ng pigilan Shan. Tumawa ka na. Sige na, tayu-tayo lang naman dito. I know you can't resist my charm."
      "Tse! Charm ka dyan!"

 Blue OceanWhere stories live. Discover now