Chapter 2: Sweets

7.3K 217 8
                                    

Blue's Pov:

       Ayoko na sanang sumama sa party na iyon dahil gusto ko sanang umuwi ng maaga. Pero bahagi ng pakikisama ay sumama na rin ako. Nangako naman si Ma'm Danna na ihahatid niya ako pauwi.

      Matapos kong kumain ay parang umikot ang tyan ko. Sa taas ng bahay ni Ma'm Gwen ako tinuro ng kasambahay.

       Tatlo pala kaming nakapila sa Cr. Bakas sa mukha ni Ma'm Ann na masama ang pakiramdam nya. Alam kong sa ulo 'yon at since talagang lagi kong dala ang gamot ko ay binigyan ko siya ng isa.

     Ang lambing pala ng boses nya. Di niya kami nameet before no'ng pinakilala kami sa department niya kasi may kausap siya kaya siguro di sya pamilyar sa mukha ko.

        Paglabas naman ng room ay inalalayan niya ako pagbaba ng hagdan. May masarap na kilabot akong naramdaman sa pagkaka dikit ng mga balat naming 'yon.

    Pagbalik sa venue ay pumunta na ako sa kagrupo ko. Bigla akong nailang kasi nararamdaman kong nakatitig sa akin si Ma'm Shan kahit nakatalikod ako.

      "Oh Blue, akala ko nawala ka na," puna ni Ma'm Danna.

      "Nag Cr lang po ako Ma'm," sagot ko.

      Maya -maya ay may humablot sa braso ni Mam Danna.

      "Uuy Dang, tara sali ka sa games dali. Last game na 'to sa program," sabi no'ng host. Hinatak din ako ni Ma'm. "Tara Blue sumali ka rin!"

       Nakapila lahat ang mga contestant. Two groups, the usual arrange yourself.

      "Ocean!!! Tara! Sumali ka na rito! Kulang pa ng isa sa grupo nina Danna! Bilis na!" Tawag ni Ma'm Gwen sa kanya.

     Lihim akong akong nanalangin na sana ay tumayo siya. Nilingon ko siya at reluctant siya. Naglakas loob akong senyasan siya na tumayo na. My heart smiled when she did. 💖

     Pumuwesto sya sa likod ko. Napalunok ako kasi naapektuhan ako no'ng scent nya. Parang ang sarap nyang yakapin. Nginitian ko lang sya.
    
        "Galingan mo ah," bulong nya. Para akong kinilabutan sa boses nya. Parang babaeng babae na nang-aakit.

Unang instruction: Arrange yourself according to your birthday month!!

     Nataranta kaming lahat. Si Ma'm Ocean ay hindi na tuminag o umalis sa puwesto niya. Sa gitna ako napuwesto. Kami ang unang sumigaw ng "Team Winner!!" Inisa-isa kaming tanungin.

    /January 16, March 17, Ako May 20, Mam Danna July 5, at November 10, si Ocean./

      Hmmm.... Alam ko na birthday nya ngayon. Sumunod na tanong: Arrange yourself according to your number of exes!!

       Nagulat ako ng tumakbo sa unahan si Ocean. Kami ulit ang nauna. Ako ang napunta sa dulo for having four exes. Si Ocean... isa. Isa lang naging ex nya? So single sya ngayon?

       Maliit na pabango ang premyo namin. Na enjoy ko ang palaro. Bumalik na kami sa upuan namin at nag closing remarks na si Ma'm Gwen. Pasimple kong hinanap si Ocean. Kahit ako sa sarili ko, nagtataka kumbakit ko siya hinahanap. Ang alam ko kasi masama ang pakiramdam niya. 'Eh ano naman sa 'yo?' Puna ng konsensya ko. Ano nga ba naman sa kin?

      Kanya-kanya na kaming labas ng hardin. Nadaanan ko ng tingin si Ocean kausap si Jude. Nakilala ko na ito kahapon from Acer Bookstore.
Umupo muna ako sa salas dahil kausap pa ni Ms. Gwen si Ms. Danna.
Few minutes after ay pumasok na rin si Ocean sa loob. Tahimik lang ako sa loob at nag-usap usap silang tatlo.
After a awhile ay lumapit silang lahat sa akin.

 Blue OceanOnde histórias criam vida. Descubra agora