Chapter 37: Will Give up?

3K 154 20
                                    

Blue's Pov:

      Pinakalma ko si Jessie bago sya nakatulog. Ngayon lang niya nakitang sumigaw ang kanyang ama. Kung sa'ng lupalop man lumusong si Yuleses ay wala akong pakialam. Nawawalan na siya ng respeto.

     Payapa na kaming nahiga ni Jessie. Ala una na ng madaling araw. Okay kayang nakauwi si Ocean?

     "Hi Booh. I hope ure good and safe. Let's talk tomorrow. IM Sorry. Wala pa siya. Wag ka n mgreply." - yan ang text ko sa kanya sabay bura pagka send.

     Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tumawag na lang ako sa office na half day ako dahil pag gising ko, nakabulagtang lasing ang asawa ko sa salas. Walang mag iintindi kay Jessie.

     Pagkaligo ko ay naabutan ko ng nagkakape si Yul, mukhang miserable.
Papasok na sana ako ng kuwarto para gisingin si Jess nang tawagin nya ako.

     "Blue.... pasensiya ka na kagabi."
     "Ayusin mo na ang sarili mo bago ka makita ng anak mong ganyan."

     Inasikaso ko si Jessie hanggang makapagready siyang pumasok. Nag ayos na rin ako para sa trabaho.

     "Paghatid ko sa bata ay tuloy pasok na ako. May tanghalian na dyan."
     "Hatid ko na kayo."
     "Huwag na, sayang ang pamasahe. Gawin mo na lang ang kaya mong gawin sa bahay. Maghanap ka ng trabaho."

      Pagdating sa opisina ay sa PIg out muna ako tumuloy. Wala akong ganang kumain. Hindi ko pa rin nahahawakan ang cp ko. Hinayaan lang ako ng tropa na maupo sa isang sulok habang kumakain lang ng tinapay at juice.

    Alas diyes Y media ng umaga, may isang grupo ng babae, tatlo sila at ang isa ay kaparehas ng uniporme namin. Nakacivilian pa ako dahil proby pa lang ako.

     Umupo sila sa tabing mesa ko at rinig ko ang mga usapan nila habang kumakain.

     "Oy Max, kamusta first day? Kamusta ang kabog ng puso na makasama ulit ang first love?" - girl 1.
     "Uuùuuuuy, may pag asa na ba?" - girl 2.
      "Mga baliw! May jowa 'yon! Ayaw lang umamin. Halata naman si Dags." - Max.
      "Noon pa man tahimik lang 'yon kaya nga nahook itong si Max." - girl 1.
      "Paano kung wala naman? Liligawan mo na ba this time?" '- girl 2.
       "Ewan. Kumain na nga kayo." -Max

       Di ko naman kilala natura mga sinasabi nila at mukhang bago nga yung Max sa work. Babae siya. Biglang kinabahan ako ng kumanta si Girl 1.

     "Oooceaaan deep, Im so afraid to show my feelings. I have sailed a million ceilings.... solitary room. Ooooo oooocean deee.eeepp...."

    "Hahahhah!! Biruin mo 'yon? Magkikita pa pala kayo ni Ocean?!" -girl2.

     So.... this Max, first love si Ocean? First day? Hindi kaya ito yung Marga na kasama nya? So kilala nya tong babaeng to? Siya ang kasama niya sa kotse at dahilan ng pag aaway namin?

     Lihim kong sinipat si Max. Maganda, maputi, sexy, hanggang bewang ang buhok, maganda magdala ng damit kahit simple lang ang uniform. Bigla akong nainsecure. Umahon ang inis sa akin, may detalye na namang di sinabi si Ocean.

     Pagadating sa opisina ay tinuon ko na lang sa trabaho ang oras ko.

      "Blue, telepono," wika ni Amie. Si Amie na bestfriend ko sa office na nagtatampo na dahil kay Ocean. Nagdalawang isip akong kunin dahil narinig kong local lang 'yung tumunog.

      "Hello, Blue's speaking how may I help you?"
      "Blue hintayin kita sa parking. 4:30."
       "I'll try Ma'm."
       "Please? Ten minutes lang bago ka umuwi."
       "I'll get back to you, Ma'm."

 Blue OceanWhere stories live. Discover now