Chapter 28: Intimacy

4.1K 150 18
                                    


OCEAN'S POV:
12/28/dawn

      NAGTATAKA na nagugulat ako sa mga gestures ni Blue. 'Yung dating reserved pagdating sa intimacy namin ay siya ngayong nangunguna. Sinalubong ko ang mga mata niya. Iba ang nakikita ko.

       "Blue, a simple kiss would end my night perfectly."
      "Sigurado ka?"

       Tumango lang ako. Pagod na rin ang nasasalamin ko sa mata niya. Kung dumating man ang bagay na mangyari ang mangyayari, mas pipilin ko pa ring kusa at hindi lang dahil sa parang may premyo akong dapat kamtin.

       Mahal ko si Blue at kontento ako basta kasama ko lang siya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakadagan siya sa akin. Hinalikan ko ng madiin ang pisngi niya.

      "Uuuhmmmuwah! 'love you Hon. Ganito lang na malaya kitang nayayakap, mssaya na ako."

       Bumalik siya sa pagkakahiga, katabi ko at nakayakap. Siya naman ang naka-sandig sa dibdib ko habang yapos niya ang beywang ko.

      "Buti na lang mas mahaba ang gabi kapag December," sabi niya.    

      "Mahabang oras pa kitang mayayakap."
     "Mahal na mahal kita Blue. Kung sana lang maging akin ka talaga."
       "I may not be physically yours at all times but Shan, my heart is yours."
       "Haaaay! Life...."
       "Mag-iisip ka na naman. Wag ka na mag-isip, bibigat lang kalooban mo."

       Hinalikan ko ang bumbunan niya at sinamyo ang buhok niya.

       "Hon, dami mong niluto kanina tas nagshower ka minus the hair. Pero bakit hindi amoy kusina ang buhok mo? Ang bango pa rin?"
       "Ha! Ha, natural 'yan."

       Tahimik lang kaming nanatili sa gano'ng ayos. Nararamdaman ko ang tension sa aming dalawa. Hinahagod ko na lang ang likod ni Blue hanggang maramdaman ko na lang na payapa na ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Tulog na si Blue.

       Hinigpitan ko ang kabig sa kanya at bumulong.... "Mahal na mahal kita Blue. Kung hanggang saan ako aanurin sa pagmamahal sa 'yo, susunod ako. Hinding-hindi kita iiwan. Masaktan man ako, handa ako."

     
       Kinabukasan ay mas nauna pa rin sa akin magising si Blue. Sariwa pa sa isipan ko kung gaano kasarap matulog na kayakap ang malambot na katawan ni Blue.

       "Goodmorning," may ngiti sa labi niya ng batiin niya ako. I smiled back at her.

       "Goodmorning," sagot ko habang nag-iinat. Sinalansan ko ang mga unan sa may sofa.

      "Ako na magbabalik nito sa kuwarto niyo ha, hayaan mo na ako. Grabe, natural aircon pala dito, sarap matulog."

             Nasa sofa na lahat ng unan at nagulat ako ng tabihan ako ng upo ni Blue. Hinawi niya ang ilang buhok ko sa mukha at inipit sa likod ng tainga ko. Nandoon na naman ang pamilyar na kuryente sa haplos niyang 'yon. Blue smiled again.

           "You're so beautiful my Ocean."
           "Wow! My Ocean talaga?"
            "Oh why not? 'Di ba't akin ka?"
            "May naganap ba kagabi?"

           Pinindot niya ang ilong ko. "Hahahah! Sorry naman, nakatulog ako. These past few days you know? Kagabi lang ako nakatulog ng gano'n kapeaceful."
            "Kayakap mo kasi ako?"
            "Hahahah! At kayakap ko ang mahal ko."

              Saglit nag-usap ang mga mata namin. Blue pressed her lips on mine. Dampi lang pero napakasarap sa pakiramdam.

             "I love you.... Tara na at nakahain na ako."
             "Sige, ligpit ko lang 'to tas mag-CR lang."

 Blue OceanWhere stories live. Discover now