Chapter 56: Road to forever

1.1K 57 2
                                    

OCEAN'S POV:

      Nagtataka ako kung bakit tila nabago ang ihip ng hangin. Naging maayos ang pakikitungo sa akin bigla ng kanyang ina.
      "Kain ng kain Ocean. Salamat at kahit nakaka-abala ay pinagmamaneho mo ang anak ko. Pasensiya ka na sa akin nitong mga nakaraang araw. Alam kong naiintindihan mo ako," sabi ng nanay sabay hagod sa buhok ni Jessie.

      "Hindi ko alam kung bakit nangyari ang lahat ng ito pero nanay ako na gusto lang mapabuti ang anak."
      "Alam ko po at gusto kong malaman ninyong hanggang sa huli, kasama ako ni Blue at ... wala po akong gagawing ikakapahamak niya."
      "Sige mamaya na tayo uli mag-usap kapag tapos na 'tong isa. Apo, mag shower mamaya bago matulog."
      "Opo Lola. Tita Shan, sleep ka here?"
      "Next time siguro ha. Kasi...."
      "Dito ka na po, pleasssse ...."
      "Walang damit si Tita eh saka ..."
      "See? Dami excuses?"
      "Let us see ha. Kasi pagod na si Mommy. Maaga pa kami sa dok--- sa work. Mom needs rest."
      "Oo nga naman hija, ano'ng oras ka pa makakauwi niyan?" Really? Good vibes na kami ng nanay? Wala naman akong pinakain sa kanya?
      "Eh.. sige ho titingnan po natin."
      "Naku dito ka na. Para naman bukas sabay na kayo ni Blue. Lagi kasi nalelate ang batang 'yon?"
     "Eh tita, okay lang ho ba kayo? I mean may maintenance meds po ba kayo na di naiinom pa?"
      "Wala naman bakit?"
     "Eh wala naman po."

      Maya-maya ay pumasok na silang dalawa, Yul at Blue. As if walang friction sa kanilang dalawa. Teka, sino nga ba nagsabing may friction sila?
     "Nay, tutuloy na po si Yul," paalam ni Blue.
      "Salamat po Nay," sabi ni Yul sabay hawak sa kamay ng lola. "Thank you po sa lahat talaga."
      "Daddy!!" Sabay karga.
       "Ambigat grabe po!"
       "Hehe! Sarap ni Mommy mag-bake eh."
      "Wag lang masyado ha. Hmmm baby, by next week you want to have a vacation?"
      "Saan po?"
      "Sa.. house ng friend ko. Kay Tita Dina?" Naglipat ng tingin ang bata sa magulang niya. Nagsalita si Blue.

      "We'll talk about it later, honey okay?"
      "I'll come back tomorrow," si Yul. Nag-yakap ang mag-ama at nakangiti si Blue sa kanila.
      Ano ba ang ginagawa ko rito? Hindi mo rin masabi ang panahon. May kurot sa puso ko. Oo mahal ko si Blue pero di sumagi sa isip kong mabuwag sila. Oo gusto ko siyang makasama pero not to the point na manirahan sa iisang bubong at iwanan ang pamilya niya.

Napansin siguro ako ng Nanay niya.    

      "Ocean mag himagas ka. Gumawa ako ng buko salad."  Teka, paborito ko 'yon ah. 

     "Nay, alis na po si Yul," ulit ni Blue.
"O siya mag-ingat sa daan."

       Naiwan kami ni Blue sa hapag. Si Jess at Nanay ay nanonood ng telenovela sa salas. Umupo siya sa tabi ko.
      "Kamusta?" Tanong ko.
      "Huh?"
      "Wag mo 'kong iha-huh. Nakita ko nagpayakap ka."
      "I told him."
      "Kala ko ba ayaw mo paalam?"
      "I need to. Uuwi ang nanay sa probinsiya. Si Jess kay Yul muna."
      "Kailan mo naisip 'yan? Kanina lang? O matagal na?"
      Hinilig ni Blue ang ulo niya sa balikat ko. "Hon, wag ka na magalit okay? Matagal ko ng naisip 'yon kahit before pa tayong magkita. Mas mapapanatag ako kung tatay niya at di siya sasaktan."
      "Eh ayos ba naman sa kinakasama niya?"
      "Kailangang maging okay at accepted. Wala siyang magagawa."
      "Kailan yan?"
      "Asap. Kasi kakausapin ko pa anak ko."
      Umayos uli ng upo si Blue. "Kamusta kayo ng Nanay?"
      "Ano ba pinakain mo ro'n?"
      "Kinausap ko lang sa pakikitungo sa 'yo. Yun lang. Nagtataka nga rin ako."
      "Paano mo papaliwanag ang pagtira muna ni Jess sa tatay niya?"
      "Ako na bahala ro'n. Anyway nabusog ka ba?"
      "Oo. Teka paghahain na kita."

 Blue OceanWhere stories live. Discover now