Chapter 22: Leaving?

3.6K 167 26
                                    


OCEAN'S POV:

        Alam kong medyo rude ang tanong kong 'yon at di ko rin inaasahan na lalabas sa bibig ko 'yon.
Marahil ay halu-halo na ang nasa isip at puso ko. Alam kong wala pa kaming nasisimulan ay talo na ako pero sinunod ko ang puso ko. Asawa nya 'yon, matagal silang hindi nagkita at wala akong karapatan ni kakarampot para magrebelde kung magtalik sila ng magtalik.

      Bigla akong naawa sa sarili ko. Bakit ko ba hinahayaan ang ganito kahit alam ko namang hahantong kami sa ganitong sitwasyon?

      "I'm sorry Booh, sorry. Hindi ako dapat ganito. Gusto lang kitang batiin talaga pero hindi ko makontrol ang bibig ko. Sorry."

        "Shan…. Kung alam mo lang pero wala rin namang saysay kahit mag-litanya ako ng nararamdaman ko ngayon."
       "Gusto kong malaman."
       "Shan, miss na miss na kita. Feeling ko nga, ang masamang pakiramdam ko ngayon ay parte ng pangungulila ko sa 'yo ngayon. Nasasaktan din ako na hindi kita kasama. Buong gabi, ikaw ang nasa isip ko. Ikaw ang gusto kong kat-- kasama. Gusto kitang makita, mahawakan, makita ng personal ang iyong ngiti. Ayoko man ng ganito pero 'yon ang nararamdaman ko Shan."

       "Ano ba nararamdaman mo? Nasa'n ba sila?"
       "I just feel… heavy and lonely? I can't explain. Nagsimba sila ni Jessie at ng Mama niya."
       "Kumain ka na ba? Ano plano niyo today?"
       "Hindi pa Booh eh. Marami pang tirang pagkain kagabi sa Noche Buena. May ibang kamag-anak na dadalaw mamaya. Wala namang plano pero mas gusto ko pang magstay dito sa loob ng bahay."

       "Kailan ka ba babalik? Alam kong unli na itong tanong na 'to."
       "January 4 Hon. January 8 balik akong office."
       "Makakausap pa ba kita ulit?"
       "Pipilitin ko. Tawag ka lang anytime kung matiyempuhan mo ang signal. Ikaw? Wala ka bang lakad?"
       "Magkikita kami ni Gwen somewhere."
       "Okay sige ingat ka. Lagi mo akong itext and Pm ha? Basta lagi, okay?"
       "Okay Hon…"
       "O sige na, lalamaan ko muna ang tiyan ko."
       "Eh ang laman ng puso mo?"
        "Si Ocean Deep. Ikaw?"
        "Si Blue Moon."
        "Bakit Moon?"
        "Kasi mukha ka ng…Moonay?"
         "Baliw!"
         "Hahahha!"

        Ganyan kabilis baguhin ni Blue ang mood ko. Iisang tao ang dahilan kung bakit ako sumasaya at kung bakit rin ako nasasaktan.

      Umidlip pa akong muli ng umaga at pinuntahan si Gwen ng tanghalian. Sa bahay na lang niya dahil tamad na akong gumala. Maiinggit lang ako sa mga tao sa mall ngayong Pasko.

      "You're hubby must be so lucky. Sarap mo talagang magluto," sabi ko kay Gwen pagkatikim ko ng niluto niyang ulam. Nakalimutan ko na kung ano'ng tawag basta masarap :)

         "Matututo ka rin kapag gusto talaga ng puso mo. Mahirap ang pinipilit. Nag-aral lang din ako di ba? Alam mo naman sa abroad na di uso mga katulong, on your own ka talaga."

      "Hirap naman kasi magluto kung ako lang mag-isa kakain eh no?"
      "Mag asawa ka na kasi. Napaka-pihikan ng puso mo. Sa dami ng umaaligid sa 'yo, wala kang nagustuhan?"
       "Si Blue."
       "Ano? Paanong napunta si Blue sa usapan?"
       "Ha?"
       "Sabi mo Blue?"
       "Bingi. Sabi ko… Cebu. Taga Cebu 'yung… kababata ko na crush ko na super like ko."
        "Aaah…. Gutom lang 'yan. Kung anu-ano sinasabi mo."
       "Well anyway, Feb. ang last day mo di ba? May padespedida ka ba?"
       "Yun ang gusto ko sanang ayusin mo. Overnight swimming ng department, tingin mo? Alam kong ayaw mong naaarawan ang makinis mong kutis eh."
        "Sure! Sure!"

       Matapos kumain ay pumunta kami sa study room niya. Inorient niya ako sa mga changes sa trabaho ko. Sa office kasi ay nahihirapan kaming kumuha ng oras. May mga aalisin at may idadagdag naman.
Competetive naman ako and I always accept any new challenges pagdating sa work.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now