Chapter 38: Paalam

3.2K 159 52
                                    

Ocean's Pov:

      Mariing tumikom ang labi ni Blue, tanda na may pinipigil na emosyong dumaloy. Tila piniga ang puso ko nang makita siyang malalim na huminga at nagbadya ang pagpatak ng luha. Gusto kong manindigan pero hindi ko kayang makita si Blue na umiiyak na ako ang dahilan.

Tuluyang pumatak ang luha sa kaliwa niyang pisngi sabay bitaw ng braso ko. Parang tinarak ang puso ko sa sakit na alam kong nararamdaman niya. Gusto ko siyang yakapin. Mabilis niyang pinahid ang luha niya.

      "Sige Shan, alam kong wala akong karapatang kontrolin ka. Pasensiya na. Sobra kitang mahal at minsa'y nakakalimutan kong.... hindi ka naman totoong akin. Lahat ng ito ay panandalian lamang. Alam ko namang darating ang araw na ito but not this soon."

      "Blue...."
     "Ala sais na. Time to go. I'm sorry sa lahat. Sorry ganito ako. And yes Ocean, you're .... free. Sorry dinala kita sa mga sitwasyong hindi mo deserve. Mahal kita kaya marapat lang na kung saan ka dapat na mundo, doon ka. Hindi sa piling ko bilang kabit. Salamat....sa lahat."

Nilagpasan ako ni Blue. Pero ilang hakbang lang ay nilingon niya ko.

      "Make it easy for me to forget you and I will do the same.  Maging masaya ka Shan... doon lang din ako sasaya."

      Tuluyan ng lumakad palayo si Blue at naiwan akong naguguluhan. Naupo muna ako saglit at pilit inaabsorb what just had happened....

Seriously? She broke up with me? Gano'n lang?! Nanikip bigla ang dibdib ko at tuloy nais ko siyang sundan. Ano ba ang gagawin ko? Di ko maarok kung ano ba ang mas masakit? Ang naiwan o ang nang-iwan?

      Lumakad ako palabas ng canteen at dumaan sa lahat ng puwede niyang daanan. Paakyat ang elevator at alam kong naghagdan siya.

      Binilisan kong bumaba pero nahuli ako. Nakita ko ng sinalubong sya ng halik sa pisngi ng asawa nya at yumakap din ang anak niya. Isang senaryo na buo ang pamilya. Sino nga ba ako para sirain 'yon? Parang napakasama ko. Isang senaryo na sumasampal sa akin kumbakit niya ako hiniwalayan..... ang pamilya niya. Mahal niya bang talaga ako?

       Bumalik akong tulala sa opisina. Ako na lang ang tao. Yumuko ako sa mesa at doon tahimik na umiyak. Walang tigil ang luha sa pag-agos. I feel sometimes life's unfair that each one can get what they wanted, what they need. Or maybe... nagiging kalaban ko ang panahon at ang tadhana.

      May tumapik sa balikat ko.

      "Shan, kaya mo 'yan. Nandito akong uunawa sa 'yo. Mauuna na kami. Alam mo ang address ng venue. Sumunod ka lang. Subukan mo lang ng makalimot ka sandali."

Boses ni Marga. Naramdaman kong lumabas na siya ng kuwarto. Ilang minuto pa ay inayos ko na ang sarili ko. Nagpunta ako ng banyo at di ko na naman napigilang hindi umiyak. Sa bigat ng pakiramdam ko'y kusang umaagos ang luha mula sa puso ko, dahil sa sakit. Ang sakit sakit. 😧

Bumalik ako sa station ko at nagligpit. Alas otso na at kumakalam na ang sikmura ko. Ang sakit na nararamdaman ko ay nahaluan ng galit kay Blue. Bakit niya nagawa 'yon ng gano'n kadali?

Nagpasya akong pumunta sa bridal shower. Oo nga, baka mapatungan ng kaginhawahan sandali ang nararamdaman ko. Gusto kong makalimot.

Inentertain ako ni Marga at halos hindi niya ako hiniwalayan. Di naman siya nag-usisa kumbakit niya ako nadatnang umiiyak kanina. Pinilit kong makisama at makitawa sa kanila.

Hindi nawaglit sa pansin ko na may isang gf-gf do'n na bisita. Siguro kasama ko si Blue kung single siya. Tuloy nafeel ko na naman ang maliliit na karayom sa dibdib ko. "Huwag kang iiyak Ocean...huwag kang iiyak!" Paalala ko lagi sa sarili ko.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now