Chapter 46: Dreaming

4.2K 146 42
                                    


BLUE'S POV:

      ALL around ako sa PigOut Café kung saan nakisosyo na ako sa mga kaibigan ko. Yes, PigOut Pen is sttill running pero relative na ni Rica na ang namahala. Nagkaro'n ako ng puhunan at pumayag naman sila na maging subsidiary nila ang Café ko. Mahirap sa simula pero tiyaga-tiyaga lang talaga.

    Ako ang in charge sa lahat ng pasta at ilang cookies at may isa akong assistant na si Maya. Dalawa ang crew ko na third cousins ko na parehong working students, at dalawa din ang kahera kong shifting.

    May concept na ako sa lahat pero wala akong makitang puwesto until magbukas ang isang mall dito sa Alabang. Mura pa ang renta at maganda'y ayos  ang location ng JLC Mall. Thankful rin ako dahil nakilala ko ng personal
sina Ms. Janna at Cissy Vargas na patuloy ang suporta sa mga nagsisimulang negosyante.

     Nakapila kami sa taxi pauwi ng bahay dahil sinumpong ang migraine ko.

      "Maya, huwag mong samantalahing masama ang pakiramdam ko. Alisin mo nga ang kamay mo sa beywang ko. Kaya ko namang tumayo eh. Mamaya sabihin jowa kita."
      "O bakit? Hindi ba girlfriend mo ako? Girl, friend. Babaeng kaibigan?"
     "Hay naku Maya, tigilan mo na ilusyon mo. Dapat hindi mo na iniwan si Olga."
     "Kaya na niya ro'n. Pahapon naman na, 'sakto na mga niluto natin hanggang mamaya. Mahalaga eh.. ligtas ang mahal ko. Tara na, tayo na ang susunod."

      Inalalayan ni Maya ang pagsakay ko. Hinawakan niya ako sa siko. Biglang naisip ko si Ocean. Tanging siya lang sa buong buhay ko ang may hatid na kuryente sa tuwing dadantay ang kanyang balat sa aking balat. Biglang tumibok ang puso ko, pagtibok na para pa rin sa kanya.

       Alam ko ang boses ni Ocean lumipas man ang dalawang taon na hindi ko siya narinig.
      "Ano ba nangyari sa 'yo kanina ha? Nag-hello ka lang do'n sa supplier nawindang ka na?"
      "W-wala, hindi 'yon. Masakit lang talaga ulo ko."
      "Ano gusto mong lutuin ko? May lagnat ka ba?" Tanong ni Maya sabay kapa sa leeg ko. Marahan kong iniwas ang mukha ko sa kanya.
      "Babe, hindi ako nangangain, ano ka ba? Nakakatawa ka."
     "Ang kulit mo kasi. Kung hindi ka lang kaibigan ni Rica, sinesante na kita."
      "Mababawasan ang customers mo. Sold out kaya lagi mga pastries ko."
      "Hay naku! Pati 'yang babe babe na 'yan. Hindi mo ako Babe."
     "Babe kita. Ayun na nga lang ang kaya mong ibigay, ayaw mo pa? Nasasaktan na ako ha. Sabi ko naman kasi sa 'yo, hanggang makalimutan mo lang 'yung ex mong mahal mo, jowain mo ako eh. Kahit pretend lang."

     "Weird mo."  Hindi ngayon na ramdam kong malapit na ako kay Ocean. Malapit na pero hindi pa ako handa.

     Pag-uwi ng bahay dito sa Pilar, Las Pinas ay inasikaso ako ni Maya. Si Maya na bestrfriend ni Rica na laking tulong talaga sa paglago ng business ko. Maya knows everything about me. She was a stranger na madali kong nakapalagayan ng loob. She is a friend though she's vocal na gusto nya ako but still the respect is there.

      Siya lang nakaka-alam ng lahat ng pinagdaanan ko and yes… she knows about me and Ocean. Pero alam lang niya sa pangalan. Hindi ma-social media si Maya. Half-Canadian at umuwi ng Pinas para alagaan ang lolang may sakit. Nang mamatay ang abuela niya, ay dito na rin siya naglagi. Maya is bisexual at according to her, three years na siyang single.

     "Oh inumin mo muna 'to," sabi niya sabay lapag ng gamot at tubig sa mesa. Nakatira ako kasama ang pinsan kong si Maweng na isa sa mga kahera  kong nakaduty ngayon sa store.
      "Salamat. Puwede ka ng  umuwi."
      "Ay grabe! Kadarating lang Babe, pauwiin mo ako agad?! Sa'n ang hustisya?"
      "Bumalik ka sa store, samahan mo si Olga kasi."
     "Kaya na niya sinabi. Ako ang hindi kayang iwan ka. Ikaw lang eh, dalawang taon ka ng hindi tumitingin sa iba. Ako kaya tingnan mo? Maganda naman ako ah, sexy, matalino, mabait, maasikaso, mahal ka… Yun lang, hindi mo ako mahal."
     "Mahal kita okay? As a friend. Alam mo 'yan."

 Blue OceanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant