Chapter 5: Bet

4.5K 201 26
                                    

OCEAN'S POV:

        I was driving home and Blue never leaves  my mind. Huminto muna ako sa isang malapit na 711 para bumili ng tubig. Parang nanunuyo kasi ang lalamunan ko. Matapos kong bumili ay bumalik ako ng kotse at saglit nagpahinga.  Bakit gano'n? Parang kahit saan ko ibaling ang mukha ko, si Blue nakikita ko? Haist!

       Nagtuloy ako sa pagmamaneho pero nag-menor na lang ako ng kaunti. Pag uwi ng condo ay agad akong nagbihis, nagpahinga lang at nagshower. Kinuha ko ang laptop ko at tinuloy ang pagsusulat ng isang update na naantalang iupload ko kagabi sa Netbook.

       Ang Netbook ay isang site kung saan malaya kang makakapagsulat ng blog, story, essay or kahit ano'ng gusto mo. Isang taon na ako sa Netbook at may 100 followers. I update quotes, passages but mainly, I'm creating stories. I've finished one story, haha. Love story namin ni ex.  Kahit broken hearted ako dahil sa kanya, I just leave it there. Minsan nga gusto ko ng idelete kasi andaming readers na nagtatanong kung kami pa ba. I always just say, "Nope po, she's married na."

     Tinapos ko ang isang chapter at inupload. Half na ako ng second story ko. Anyway, no one knows that I'm into Netbook. Walang kamag anak o kaibigan na may alam. Ako lang.
Hindi na ako nag-antay ng notifications at di  na rin ako nagbasa ng ibang mga comments.

     I brushed my teeth atsaka bumalik ng kama. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may text si Blue. Excited akong binuksan ang message niya.

   "Hi.. Please call me pag-uwi mo."

        Hala! Kanina pa ito ah. Tinawagan ko na siya pero tatlong ring ay nireject niya. Bakit kaya? Inisip ko na baka napindot niya lang ang reject kaya nagcall ulit ako. Reject ulit. Nagtaka naman ako. Maya maya ay nagbeep na may message, siya ulit.

        "Sorry Ocean, bedtime story namin ni Jessie eh. Wait for my call, twenty minutes?"
       "Sure, no problem. Pag di ko nasagot ng limang ring, tulog na ako."
      "Tulog mantika ka kaagad?"
      "Haha! Medyo! Cge na, bedtime na."
      "Wait mo ako ha. Huwag ka matulog pliiiit?"
    "O sige na po!"
    " ^___^"

      Parang bata naman itong si Blue. Humiga ako at nagbasa na lang muna ng magazine. Hindi ko pa nabubuksan ay nagring ang cellphone ko. Si Yanyan, ang butch kong barkada no'ng college.

      "Shan!"
      "Yes?"
      "Despedida ko sa Sabado. Punta ka."
      "Okay. Makati lang ah."
      "O naman! Sa bahay lang."
      "San ka nga?"
      "New Zealand. Kasi di ka pa sumama sa akin eh."
      "Okay lang. Kuntento na ako rito sa Pilipinas."
      "Dali-dali mo talagang makuntento. Mas malayo pa mararating mo kung aalis ka dyan."
      "Hay naku! Paulet-ulet?!"
      "Ay oo nga pala. Ando'n si Anya. Sa amin kasi siya nakatira."

       Natigilan ako. Magpinsan si Anya at Yanyan. Wala akong balita kay Anya mula noong College kami. Kasi alam ko, hindi rin naman sila close ni Yanyan.

       "Aah… Nasa Pilipinas pala sya."
       "May one year na."
       "Okay."
       "Past naman na  diba.. fourteen years?"
      "Yah. O sige na. Asahan mo pagdating ko."
       "Okay. Tatawagan ko pa ang ibang tropa. Gusto ko kumpleto tayo."
       "Ooowkkeey!"

        After the call ended, nakita ko naman ang message ni Blue. "Hi, busy line mo."  / "Goodnight Shan."

      Naku! Ano ba 'yan! Sabi niya twenty minutes? Eh ilang minuto lang kami nag-usap ni Yanyan ah? Ako naman ang tumawag sa kanya.

       "Hello…" medyo nangagapa kong bati.
       "Shan…"
       "Sorry kausap ko barkada ko no'ng college."
       "Babae?"
       "Ha? O-oo bakit?"
       "Wala naman. So kamusta?"
       "Ha?"
       "Kamusta 'yung tinake out mong bolognese?"
       "Ay naku! Nasa ref. Kasi busog na ako kanina eh."
      "Okay. Recipe ko 'yon eh. Actually pati 'yung Alfredo do'n, recipe ko."
      "Woooow! Puwede ka ng mag-asawa."
      "May asawa na po ako."
      "Ay! Oo nga pala. O eh di.. Mag asawa ulit?"
     "Hahaahah! Baliw!"

 Blue OceanWhere stories live. Discover now