Chapter 51: Come what May

1.4K 60 16
                                    

Ocean’s POV:

       Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Tila may pait na gumuhit sa kanyang mata.  "Okay lang naman Blue kung ayaw mong pag-usapan.

       "Hindi sa ganon'," sagot niya. Inubos niya ang laman ng baso niya. Tumayo at kumuha ng tubig saka umupo ulit sa tapat ko. Bawat galaw ng kanyang  katawan ay hindi nakaligtas sa mata ko. Blue still has her grace in walking and in swaying her body. Napayuko ako nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.
       Nahigit ko ang aking hininga nang maupo na siya sa harap ko. Bahagya kasing umalog ang kanyang dibdib ng bigla siyang umupo. Wala siyang bra. Blue still has that effect on me. If only I could grab her and kiss her hard and say that enough of the talking, let's just make love.  Pero siyempre hindi puwede. Dalawang taon kong hinintay ang pagkakataon na 'to.

       "Shan.. That night, I was so wrong. What happened was, Yul was hospitalized. May prostate cancer siya stage 1. Hindi ko alam kung bakit itinago niya sa akin. Iniwan ako ng biyenan ko ng gabing 'yon at sinabi niyang pupuntahan niya ang anak niya.  Hindi ko rin alam kung do'n lang ba niya nalaman o matagal na. I called up Yul kung nasa'n siya and a certain Dina answered his cp." 

       Pilit kong hinihimay bawat salitang lumalabas sa bibig niya pero nadidistract ako the way her lips moves. Nawawala ako sa konsentrasyon. Uminom ako ng kaunti nang tumigil siya sa pagsasalita.
       "This Dina, may kutob na ako sa simula pa lang dahil halos nameet ko na ang mga kamag-anak niya pero no'n ko lang siya nakita. Dina was Yul's ex at may anak sila. Sa pagkabinata. Noon kasi alam ko mahal ko siya at wala akong alam sa mga nakaraan niya." 

        Tinitigan ko si Blue. Sinisipat ko kung may sakit siyang nararamdaman sa mga natuklasan niya pero para lang siyang nagkukuwento. Lungkot na lang ang nakita ko, hindi na sakit. O dahil ba sa taon na ang lumipas? Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
       "Si Dina ang nagsabi sa akin ng katotohanan. Hindi naman alam ni Yul na may anak siya. Noong nasa barko si Yul ay may kontak na pala sila uli no'ng babae. Hinahanap na kasi siya ng anak niya. Hindi naman daw niya intention na manggulo."

       Nagsalin siya ng tubig saka uminom. Gumuhit ang tubig mula sa kanyang bibig pababa sa lalamunan at ewan ko ba, ultimo mo paglunok niya ay malinaw na malinaw sa akin. Litaw ang kanyang leeg at nakatunghay ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib dahil sa luwang ng pangtulog niya. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pag-iinit ng aking katawan.

       "No'ng gabing 'yon ay nag-ayos na ako ng gamit. Dinala ko muna si Jessie sa pinsan ko kinabukasan at dumalaw sa ospital. Gulong-gulo ako no'n. Si Yul, anak ko, ikaw, nanay ko, pamilya ko. Lahat kalat sa isip ko. Iba kasi kapag salitang cancer. Iba. It hit me hard Shan. Parang biglang ikot ng mundo ko. Biglang bagsak. Ibang dagok. There I knew Dina is a doctor. Bigla parang nanliit ako sa sarili ko. Bigla parang nawalan ako ng kuwenta. Curable ang sakit ni Yul pero hindi pa rin maalis sa akin ang pangamba. Si Jessie ang una akong naisip kung paano niya matatanggap kung sakaling mawala si Yul."

       Gusto ko sanang itanong: "Ikaw ba malulungkot kung mawala siya?" Sinaway ko sarili ko. Naalala kong una pa lang alam ko namang may kahati ako.

       "Inoperahan si Yul at ni isang kusing ay wala kaming ginastos. Lahat  care of Dina. Pasalamat na rin ako dahil nagresign na nga ako sa opisina. Wala akong ginawa kundi asikasuhin ang pamilya ko. Sa bahay pa rin siya tumuloy ng ilang buwan. Pinagsilbihan ko. Isang gabi nagdasal ako. Ito ba 'yung resulta? Ito ba ang palo o parusa dahil sa pagkakasala kong ginagawa? Ipagpapalit ko ang kaayusan ng pamilya ko nang dahil sa…." 

       Dahil sa minamahal mo ako gano'n ba? Tanong ko sa isip ko. Masakit pa rin pala kung maririnig mo na dahilan ka pala talaga ng kasiraan ng isang pamilya. Pinili kong huwag magsalita.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now