Chapter 17: Karapatan

4.2K 173 15
                                    

OCEAN'S POV:

       Abot hanggang bumbunan ang ngiti ko ^______^ pagkabasa ko no'ng ginawa ni Blue.

       "Oh, kilig na kilig ka naman dyan?" Tukso niya sabay soli ng phone niya sa bag niya.

       "Hahaha! Siyempre naman. Sagutin ba naman ako ng pinaka-magandang babaeng nakilala ko."

       "Asus! Ma---, I mean... my feelings won't change kaya huwag ka ng mambola."

       Sumabat si Jessie. "Mommy, what's mambola?"
       "Ah... ano baby bola. Mamaya sa swimming natin try natin gamitin 'yung mga plastic balls mo."
       "Hindi naman po natin dala eh."
       "Ay oo nga no? Sige next time na lang."
        "Okay po."

        Hindi ako kumibo. Nag-iisip na ako ng puwede naming ipalit sa salitang love o mahal especially when Jessie is around. Nagkatinginan na lang kami ni Blue at nag-iisip din siya.

       After a while ay nasa clinic na kami. Nagpaiwan na lang muna ako sa labas at naupo sa lobby. Minutes later ay tumatawag si Gwen.

       "Ocean, may problema ba?"
       "Wala naman bakit?"
      "Hindi ka nagli-leave unless importante. Something wrong?"

       Oo Gwen, something's wrong in my heart. Nagulo mula ng nakilala ko si Blue.

        "W-wala naman. Tinamad lang."
"Hah?! Tinamad? Ano'ng sagot 'yan? Asa'n ka ba?"
        "Somewhere."
        "Tigilan mo 'ko ng mga sagot na 'yan!"
        "Eh somewhere nga. Wala ako sa bahay, may pinuntahan ako. Basta I can't tell you by now."
        "So gano'n? Pa mysterious effect ka na? Anyare?"
        "Isa lang masasabi ko Bes, inlove ako."
         "Hahahahah!!! Inlove?! Are you kidding me? Buong buhay mo kasama kita at wala akong aninong nakikitang umaaligid sa 'yo."
         "Hindi ako nagbibiro no. Sige na, papasok na ako bukas."
         "Dapat lang. May meeting tayo ng nine a.m."
         "Copy. Sige na, gotta go."

        Napabuntung-hininga ako pagka eng ng call. Paano nga ba magrereact si Gwen once malaman niya ang tungkol sa amin ni Blue? Aamin ba ako o bawiin ko na lang?

        Lumabas na ang mag-ina. "O,ang bilis niyo naman?" Agad kong tanong sabay tayo.

        "Okay naman na si Jessie. Babalik kami after a month for monitoring. Ayos ka lang ba? Parang naging balisa ka bigla?"
        "Ah wala naman. So ano na next?"
        "Heto, punta tayo ng pharmacy para sa isang gamot na nireseta. Pero hanap muna tayo ng ATM machine, magwiwithdraw muna ako."
        "May cash ako rito."
        "No. Rule number three, walang anumang transaksiyon ng pera ang mamagitan sa atin, okay? Ayoko."
         "Okay, okay sige."

        Habang nakapila siya sa may ATM machine, pumila naman na ako sa Pharmacy. Pinaupo ko muna si Jessie sa gilid. After niya ay tinabihan na niya ako habang naghihintay sa number namin sa counter.

        "Shan.."
        "O?"
        "Seryoso ako tungkol sa pera. Sensitive ako pagdating do'n."
        "Okay."
        "Okay lang. Tandaan mo na lang na pangako kong lalapit ako sa 'yo once hindi ko na kaya."
        "Okay po ulit."
        "Sino nga palang kausap mo kanina? Naabutan kitang may kausap kaya hindi muna kami lumabas ng clinic. Ex mo ba ulit?"
         "Ah hindi. Si Gwen, namimiss lang ako no'n."
         "Ah... so do you have plans of telling her?"

        Hindi pa muna ako nakasagot dahil tinawag na 'yung number niya. Habang kaharap siya ng pharmacist ay pinagmasdan ko siya. I admire Blue lalo na sa mga prinsipyo niya. Mapagmahal siyang anak at maalagang ina. Nakikita kong basta para sa anak, lahat gagawin niya.
Kung paano man siya bilang asawa ay hindi ko na aalamin pa. Masuwerte ako na minamahal ako ng isang tulad ni Blue.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now