Chapter 21: Lies and Expectations

3.7K 155 13
                                    


BLUE'S POV:

      HINDI na ako pumasok sa office, filed leave na lang hanggang mag Pasko. Tinuloy ko na rin hanggang matapos ang New Year. Natuloy kami sa Calapan, Mindoro. Doon na rin tumuloy si Yul galing abroad.

      Sa barko ay walang laman ang isip ko kundi si Ocean. Tumindi at lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Naalala ko 'yung isang araw bago kami magpa-alam sa kanya. Tulog si Jessie sa kotse kaya't nakapag-usap kami saglit.

      "Shan….huwag ganyan."
      "Sobrang nalulungkot kasi ako eh."
      "Hindi naman ito ang huli nating pagkikita. Christmas vacation lang 'to, may trabaho pa akong babalikan."
      "Pa'no kung patigilin ka ng asawa mo sa work at hindi na muling paluwasin sa Maynila?"
      "Sa totoo lang ay hindi malayong mangyari 'yon pero hindi ako papayag. Hindi ako talaga pumapayag na iburo niya sa bahay lalo na't ngayong nawalan siya ng trabaho."
      "Mamimiss kita," sabi niya sabay huli ng kamay ko sa hita ko. Pinisil niya 'yon. Dinala ko sa labi ko ang magka-hawak naming kamay atsaka hinalikan ang likod no'n. Matapos ay dinala ko malapit sa dibdib ko.

      "Mahal kita Ocean. Kasing lalim at  kasing lawak ng pangalan mo." Napangiti naman siya  sa sinabi ko.

      "Pag inlove nagiging corny no?" sabi ko ulit. Hinaplos ng malaya kong kamay ang pisngi niya.

     "Mamimiss din kita Shan. More than you know how I long to be beside you everyday, every minute. Marami pang ways to communicate right? Hindi ito ang huli, ano ka ba?"

     "Nakakalungkot lang kasi ang dami ko sanang plano."

    "It's okay Hon. Unexpected naman lahat. Basta once I come back to Manila, babawi ako sa 'tin, promise ko 'yan sa 'yo."

    Hindi siya sumagot. Nilingon ko muna si Jessie sa passenger seat at sinigurong tulog siya. Bumaling ako kay Ocean at nilapit ang mukha ko sa kanya. Nilapat ko ang labi ko sa labi niya at banayad ko siyang hinalikan.

      "I love you Ocean… and if given a chance na makasama ka, gagawin ko. Do you trust me?"

      "Oo naman. Ayun na lang ang natitra para sa akin na gawin ko, ang maghintay at magtiwala na magkaka-oras din tayo."

----

        Bisperas ng Pasko, abala ang lahat. Hindi muna ako umuwi sa bahay nina Yul dahil alam kong gusto muna siyang solohin ng kanyang ina. Unico hijo si Yuleses at hangga't maaari nga ay ayaw mawalay sa kanya ng kanyang ina.

         Tumuloy rin muna ako sa bahay ng pinsan ko. Magulo  ang signal kaya't hindi rin ako makapag-bukas ng internet. Pati pagtetext ay napakahirap din.

    But bago ako pumasok ng bahay ng pinsan ko ay suwerteng nasend pa ang tatlo kong pending messages.

     1.) "Hi My Ocean, andito na kami sa Mindoro. Sa pinsan ko muna kami. Bukas ako uuwi sa bahay niya."

     2.) "Kumain ka na ba? Namimiss na kitang sobra. Don't skip your meals.Drive safely po."

     3.) "Mahal na mahal kita."

          Nagpahinga muna ako at nahiga. Hinayaan ko muna si Jessie makipaglaro sa mga pinsan niya.
Nangiti ako ng pumasok ang mga reply ni Ocean.

        1.) "I miss you too mahal. :( Hindi ako makakain :( "

        2.) "Ang layu-layo mo na sa kin. Hindi kita matawagan. I'm alone this Holiday. Can I call?"

 Blue OceanWhere stories live. Discover now