Chapter 44: The End

3.4K 145 26
                                    


BLUE'S POV:

      Nakatulog naman si Jessie kaagad at ang byenan ko. Gamit ang isang sim ko ay naka-agapay ako ng tawag kay Ocean habang nagda-drive siya pauwi. Nang masiguro kong naka-uwi na siya ay hindi ko pa rin binababa ang telepono. Wala na akong pakialam kung magalit man si Yul na hindi niya ako macontact. Gusto ko lang masiguro na safe si Ocean na naka-uwi.

     Ng makatulog na siya ay saka ko palang inayos ang sarili ko at nahiga sa tabi ng anak ko.
Napapkit ako at nagsimulang mangarap. Libre mangarap.

     Ako.. Kasama si Ocean sa iisang bahay na kasama si Jessie. Mamumuhay kami ng walang tinatago sa pamilya, sa madla at di iisipin ang sasabihin ng iba. We'll work together, cook together, travel together…. Just what like others do. Magiging masaya kami araw-araw. Marami mang tampuhan o away, pagsapit ng gabi ay siya pa rin ang makakatabi ko at sa pagmulat ko sa umaga, mukha niya pa rin ang mababanaag ko.

    Tatanggapin siya ng anak ko at araw-araw kaming masaya. Gabi-gabi kaming magniniig, ng walang sawa hanggang maubusan kami ng lakas. Sa pag-niniig na nagiging isa ang aming katawan, puso at kaluluwa.

    Sa reyalidad, aaminin kong hulog na ako. Hulog na hulog na ang buo kong puso at pagkatao kay Ocean. Nasa punto na ako na mahal na mahal ko na siya at ayoko ng mawala siya sa buhay ko.

       Pero…. May asawa ako. Ang pangarap ko ay mananatili na lamang na pangarap. Kung dumating man ang araw na kailangan kong mamili? Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam. Pamilya ko na kailangang maging buo o ang taong nagpapatibok ng puso ko at pinanatili ang ganda ng buhay ko?

Ewan ko….

     Nakatulog akong nag-iisip. Pag-gising ko ay normal na ulit ang buhay ko. Kay Jessie, office. Tulog pa ang byenan ko ng umalis ako. Pinalit ko na ang totoo kong sim at walang text si Ocean ni isa. I'm worried somehow.

    Pagdating sa opisina ay nagtaka ako bakit nakatingin lahat sa akin ang mga ka-opisina ko. Pag-upo ko sa mesa ko ay may isang vase na may tatlong pink na rosas.
     "Uuuy, si Blue… may rosas! Haaaay! Napaka-sweet at suwerte mo sa asaawa mo Ma'm," tukso ng nasa likod kong si Arianne.
     Wala pa akong mareact sa nakita ko. Pag-upo ko ay binasa ko ang card na naka-ipit sa rosas.

      Honey,
          Have a great day ahead! I'm so in love with you.
     I hope I made you smile this morning.
     See you later love!

     Yours,
      Me

      Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext siya: "Yes hon, you made my morning so beautiful as You. I love You."

      Pagkasend ko ay tinext ko siya uli. "Wala siya mamaya, puwede ka sa haus, dinner. Magluluto ako. :) "

       Hindi ko na siya hinintay sumagot. Tinago ko na 'yung card at nilagay ko sa corner ng mesa ko 'yung bulaklak.

      "Ma'm, nakakabilib naman po ang asawa niyo. Ang sweet sweet po. Bihira na po 'yung ganyan. Sana makahanap din ako ng ganyang asawa," ulit na sabi ni Arianne.

      Hindi na lang ako kumibo at nginitian ko na lang siya ng tipid. Gusto ko sanang sumagot na sana makahanap ka ng isang Ocean. Natapos ang trabaho sa opisina ng maayos. Ni hindi ko naalalang hawakan ang cp ko dahil gusto ko ng matapos ng maaga. Ayoko kasing mag overtime. Halos sabay-sabay ding nawala ang mga officemates ko kaya natawagan ko pa sa cp si Ocean.
     "Hello Hon.."
     "Yes?"
     "Nasa'n ka na?"
     "Nasa parking na ako, hinihintay ka na."
     "Hala! Ambilis mo naman."
     "Siyempre! Tara na, okay ka na ba?"
     "Oo sige. Ay salamat pala sa roses. Kasing ganda mo rin sila."
     "Hahahah! Tara na."

 Blue OceanWhere stories live. Discover now