Chapter 35: When I lie?

2.9K 141 27
                                    


Ocean's Pov:

      "Booh time"... hmmmm... Bago sa pandinig. At first I thought she just wants to have a date but it surprised me na hindi pala gano'n.

       Nakakapanibago. Hindi si Blue ang tipo ng babaeng gagamitin ang sex as an escape in whatever she's into. Hindi ako parausan. Excuse the word but that's the thing that came up into my mind. Option na nga lang nga ako, ganito pa? Na parang para makalimot, sex ang sagot? Mahal ko si Blue at kaya ko siyang mahalin kahit wala 'yon'.  Nagreply ako sa kanya. ..

      "Booh Take a rest. I'll see you tomorrow."
       "Ayaw mo ba kong mksma?"
       "I always wanted to be with you. Always. Alam mo 'yan. Pero... basta."
       "Shan.. I wanna sleep with you."
       "Sige pano?"

       I dared her at matagal bago sya sumagot...

       "In time. Gagawan ko ng paraan."
       "Booh... stop it ok? Kung mangyayrae mangyayare. Ayoko mphmak ka. Kapag tayo nahuli ng asawa mo, mas lalo tyong mgkklyo. Naiintindihan ko, beliv or not. K?"
       "Idk wat to say."
       "Jaz take a rest.. at tomoro hindi mo n yan maiisip."

        Fifteen minutes bago sya sumagot.

       "Goodnight Shan."
       "Goodnight Booh."

_____

        Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi muna kami nagkita ni Blue ng umaga, just because hinatid siya nina Yul at Jess. May deliberation daw sa school ng bata kaya wala itong pasok. Nasa point na ako ngayon na hindi ko na kayang tingnan si Yul at si Jess mula ng may mangyari sa 'min ni Blue. Nagi-guilty ako.

       Pagpasok ng opisina ay puro trabaho ang inatupag ko. Hindi ko napansin si Gwen sa harap ko.

        "Oist! Nag-away ba kayo ng jowa mo?"
        "Ssshhh.... ano ba 'yang sinasabi mo?"
        "Look at yourself, ni hindi ka man lang nagretouch after brrakfast mo? So it seems you're not inspired."
       "Marami lang work. Makapaghihintay naman ang retouch."
      "Kahit na... paparating si love?"
      "Ano?!"

      Ngumuso si Gwen sa may entrance ng office. Paparating si Blue pero hindi sa pwesto namin siya pumunta. Sa kabilang opisina. Pero matapos no'n ay dumaan na rin sya sa amin ni Gwen.

       "Hi Ma'm," bati nyang pormal sabay yukod.
       "Hi... bagong gupit ka ba?" Bati ni Gwen.
       "Hindi ho. Kinulot ko lang 'yung baba."

      Bumagay ang pagkaka-curl ng buhok ni Blue. She looks hot and sexier in my eyes. Isang senaryo lang ang nagflash sa isip ko: siya sa loob ng yakap ko. Iwinaksi ko ang isipan na 'yon. Namimiss ko lang siya.

      "Ah mas bagay," puna ni Gwen. "Ganyan na lang lagi ang buhok mo para new look. Ganda no Shan?"

      "Oo, maganda."
      "Shan puwede ba tayong mag-lunch mamaya?" alok ni Blue.

     "Ahm…" tiningnan ko si Gwen sa reaksiyon niya pero nagkibit-balikat lang siya.

     "May welcome lunch kasi for Marga and Ma'm Eleny."
     "Ah okay. Sige later na lang. May pinasa lang akong report sa kabila. I'll go ahead."

     Pansin ang dismaya sa mata ni Blue. Ako rin naman pero kailangan ako ni Gwen. Actually it's a working berak mamaya para sa ilang endorsements. Like as instructed, Ms. Eleny will be my new boss and Marga will be her assistant like me. We will be a tandem daw. Kahit alam kong kaya ko naman mag-isa ang posisyon, desisiyon ng management 'yon.

      "Tawagan na lang kita mamaya," sabi ko kay Blue before siya umalis.

      "Pasensiya na Shan, alam kong na-ruin ang lunchdate niyo pero itong araw na lang ako available."
      "Ano ka ba? Okay lang 'yon. We are all profesionals here, no worries."
    "Promise? Eh kulang na lang habulin at yakapin mo si Blue?"
     "Natural, namiss ko. Pero may mga bagay na dapat ihiwalay sa relasyon. Kaya ikaw, puwede bang lumayas ka na sa harap ko ng may matapos na ako?"
     "Ha! Ha! Babush!"
     "Sa'n ba tayo mamaya?"
     "Sa conference lang. Twelve sharp."
     "Okay."

 Blue OceanWhere stories live. Discover now