Chapter 1: Blue and Ocean

14.9K 301 30
                                    

OCEAN'S POV:

        Kinakabahan akong bumaba ng taxi dito sa Makati. Kahit na sa Ayala Avenue lang ang office namin ay tamad talaga akong maglakad.

       Birthday ni Gwen ngayon. Ang boss, kaibigan, kambal tuko ko. Pareho lang kaming staff noon kasi hindi pa naman siya CPA no'ng nahire kami. Nakapasa siya ng board exam atsaka pa lang siya napromote. Siya ang naging bestfriend ko sa work kaya kahit naging boss ko siya, wala namang bago sa friendship namin.

      Ka-age ko si Gwen, thirty three na rin siya ngayon, single pero engaged sa isang foreigner, LDR. Ayaw nga raw niya sanang maghanda pero kinulit siya ni BF niya para ra makasama ang pamilya at kaibigan niya kasi next year, nakatakda na silang ikasal.

       Lagi akong late, walang bago ro'n kaya alam kong bubungangaan na naman niya ako. Pagpasok ko ng bahay niya ay nakasimangot si Gwen.

     "Happy Birthday! Huwag magalit, papangit," sabi ako agad sabay halik sa cheeks niya at inabot ang gift ko.

     "Kurutin kita eh, aalis na lang ako di ka pa rin nagbabago. Winarningan na nga kita kahapon na 'wag ka malate!"

     "Sorry na nga, nag LBM kasi ako."
     "Na naman? Ano na namang bawal ang kinain mo?"
     "Mac and cheese? Nagluto si Tita eh. Ayaw akong paalisin ng di ko natitikman."
     "O siya, tulungan mo akong ilabas 'tong mga papercups at paperplate. Halos lahat ng officemates natin, nandyan na."
      "Owkey..."

       Paglabas sa garden nila, sa likod bahay ay may ilang round table na tig-a-anim ang naka-ikot. Naghanap ako ng puwesto, 'yung medyo dulo.
Di ko na lang sinabi kay Gwen na masakit ang ulo ko. Nag host ang pinsan ni Gwen ng ilang games. Todo tanggi akong sumali dahil wala talaga ako sa mood.

      Hinayaan ko lang mag enjoy ang mga officemates ko. Lumalala ang sakit ng ulo dahil sa ingay ng videoke nila at sa magulong kulay ng mga ilaw.

      "Hi!" Bati ng isang lalaki sa akin.            "Sabi ni Gwen, dito raw ako maupo. Pasensiya na."
      "Sure, fine."

      Siya si Jude. Ang supplier namin sa office supplies from Acer Bookstore. Nag date na kami once pero wala eh, flat. Wala talaga akong maramdaman. Ang sa akin lang, kung titibok ang puso ko, eh di tumibok. Sabi nga nila, hindi naman daw 'yon napipigilan. Malinaw naman sa amin ni Jude na friends pa rin kami.

     "Kamusta Ann?"
     "Ayos lang. I'm not feeling well pala actually."
      "Ang unique pala ng pangalan mo no? Kahapon ko lang nalaman sa form na pinasa mo sa amin kahapon."
      "Yeah right. Sa probinsiya kasi ako pinanganak at malakas daw ang hampas ng alon dahil may bagyo. Buti nga sa dagat na lang ako pinangalan kaysa sa pangalang ng bagyo."
     "Okay lang 'yon, maganda pa rin naman ang Ocean."

      Maya-maya ay umalis si Jude at sya namang dating ni Gwen. "Shan, okay ka lang? Kanina ko pa napansing masakit ulo mo. Gusto mong magstay muna sa room ko?"

       Sa office ay Ann ang diniclare kong petname. Special persons lang ang sinasabihan ko ng tunay kong palayaw.

      "No it's okay, carrybels ko 'to. Sige na, do'n ka na sa bisita mo. Ay wait! May kasalanan ka pala sa aking bruha ka! Bakit di mo sinabing andito si Jude?"

      "Di ko ba nasabi? Sinabi ko kaya."
      "Ewan ko sa 'yo. Tigilan mo na kasi kakamatch make okay?"
      "Hindi na nga po. Ay oo nga pala, ininvite ko rin pala sina Danna ng Marketing kasama 'yung bago nila. Pakilala kita."
   
   "Bahala ka. Basta ayoko na muna ng lalake puwede po ba?"
     "Yup! All girls."

      Di na ulit umupo si Jude sa tabi ko. Pinaramdam ko talagang hindi ako interesado sa kanya. Dumami na ang bisita ni Gwen ng oras na ng kainan. Dapat maka-kain na ako para maka-inom na ako ng gamot. Yung ibang walang maupuan ay sa table ko na sila pumuwesto.

 Blue OceanNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ