Chapter 12: Embrace

4K 182 12
                                    


BLUE'S POV:

        Pumasok na ako sa loob. Siniguro kong okay na ang pagtulog ni Jessie. Inayos ko ang aking sarili, naligo at nagbihis. Hihiga na sana ako ng magring ang cellphone ko. Si Yul.
    
     "Blue!!" Singhal agad niya.
      "Bakit ka ba sumisigaw? Hindi ako bingi," malumanay ko namang sagot.

       "Ano na namang nangyari?! Kung hindi pa ako nag Fb ay di ko malalamang naospital ang anak ko!"
      "Buti at may panahon ka pa sa social media? Anak ko rin 'yon at hindi ko siya pinapabayaan."
     "Bakit na naman siya inatake?"
     "Sa pagod. Bata 'yan, hindi rin naman nakokontrol ng Nanay kung nasa opisina ako."
     "Sinabi ko naman kasi sa 'yong asikasuhin mo na lang ang anak ko at huwag ka na magtrabaho."
     "Kung magsalita ka parang hindi ko anak si Jessie. Hayaan mo, pag-iisipan ko."
     "Buti at naisugod kaagad."
     "May tumulong sa amin, officemate ko. Si Shan."
     "Lalaki?"
     "Babae."
     "Sa March ako makakauwi, sa recognition ni Jessie."
     "Sige, ako na bahala sa anak mo na wala ka ng pasko at Bagong taon."
     "Pasensiya na."
     "Walang kaso. Sige na, magpapahinga na ako."

      Tinabi ko na ang cellphone sa bedside table. Kumatok ang Nanay at umupo sa may paanan ng kama.

    "Kamusta ang bata?"
     "Steady naman na ho."
     "Narinig ko ang ilan sa mga nasabi mo anak kay Yul."
     "Baka magresign na lang ulit ako. Nakakahiya sa napasukan ko. Hindi pa nga tapos ang proby ko, ay aalis na ako."
     "Isang Linggo lang naman akong mawawala."
     "Walang kaso Nay. Baka paunlakan ko muna ang imbitasyon ni Ocean na sa condo niya muna kami kasama ang kamag-anak niya. May titingin po kay Jessie."
     "Kung ano ang tingin mong makakabuti, anak. O siya magpahinga ka na. Baka bukas ay wala na ako pero ipagluluto ko muna kayo ng almusal."

        Maya-maya ay nahiga na rin ako. Ambilis lumakad ng panahon. Dati ay baby lang si Jessie pero heto't isang taon pa ay grade one na. Lahat gagawin ko para sa kanya.

     Lumiko ang diwa ko kay Yul. Naninibago ako sa kanya na parang ibang tao ako kung kausapin niya. Inuunawa ko na lang na mag-isa siya do'n,mahirap at nakakalungkot na mawalay sa pamilya. Iniisip ko na lang lagi na pagod siya.

      Pinikit ko ang aking mga mata. Gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko ang nakangiting mukha ni Ocean. Si Ocean na may kakaibang saya ang dulot niya sa akin. Saya sa puso ko na hindi ko mapangalanan. Napangiti ako. Tiningnan ko ang oras, alas onse y media na ng gabi. Tulog na nga siguro 'yon.

        Kinuha ko ang kumot at komportableng inayos ko ang aking higa. Nagvibrate ang cp ko. Shan calling… Tumalon ang puso ko pagkabasa ko ng pangalan niya sa screen ko. Agad akong bumangon at sinagot ang tawag niya.

        "Hello…"
        "Hi Blue. Did I wake you up?"
        "Nah… patulog pa lang. Everything okay?"
        "Haha! Ako dapat ang nagtatanong 'niyan ah. Kamusta si Jessie?"
        "Okay na. Okay na siya. Salamat ulit."
        "Okay lang. Ikaw? Okay ka naman ba? Don't stress yourself too much."
       "Kakayanin. Dapat. Haaay! O nga pala Shan, open pa ba 'yung alok mo? Kasi…. Nahihiya pa akong umabsent, one week si Nanay sa Bicol."
       "You're very much welcome. Naisip ko ngang nagleave din bukas para masundo kayo at maiayos lahat dito."
       "Naku! Nakakahiya! Para lang do'n?"
       "May mga errands din naman ako, no worries. So mga after lunch ba puwede na ako dyan?"
       "Oo puwede na. Kakapalan ko na mukha ko."
      "Don't be Booh…"
      "Booh?"
      "Yeah. Nakalimutan mo na ba?"
      "Ay! Oo nga. Parang bata lang."
      "Yeah… age doesn't matter naman."
       "Hehe oo nga!"
       "So pa'no? Bukas na lang?"
       "Sige, sige. Goodnight."
       "Goodnight Blue… Sleep tight."
       "Mas type ko ang Booh."
       "Haha! Nyt Booh…"
       "Night.. Ay Shan! May tanong pala ako. Sa'n mo nilagay 'yong kiss ko kanina?"
       "Hmmm…. Secret."
       "Sige naaa… Saan?"
       "Actually, hindi ko nagamit kasi nilipad mula sa kamay ko. Paghawak ko ng manibela kanina, nawala sa isip kong may hawak akong kiss. Sad no?"
       "Hmmm… seryoso? Gusto mo lang ng isa pa eh."
       "Hindi ah!"
       "Liar!"
        "Hahahaah! Oo nga. So puwede pa ba humingi ulit?"
      "Pag-iisipan ko."
       "Hahahah! Sige na matulog ka na. Ay Blue...."
       "O?"
       "Puwede mo ba akong kantahan?"
       "Kantahan?! Okay ka lang?!"
       "Sige na please? Isa lang tapos tulog na tayo."
      "Shan hindi ako kumakanta diba? Hay naku! Boses palaka ako, baka nga boses butiki."
       "Kahit na. Sige na pleeeaaseeee.."
       "Haaay! Ano ba gusto mong kanta?"
       "Anything. Kahit ano na alam mo."
       "Haaay! Naku…. Sige na nga! Kung hindi lang kita….."
       "Di lang ano?"
       "Wala! Sige na kakanta na po Maa''m!"
       "Madali ka naman pala kausap eh!"
       "Baliw!"
       "Sige, hintayin ko. Take your time."
      "Hmmm…ano ba? O sige, listen very well."
      "Okay go!"
       "Joni Joni Yes papa! Eating Sugar No papa. Telling a lie, no papa..♪
       "Blueeee!!!"
       "Oh bakit? Sabi mo kahit ano?"
      "Hay naku! For sure kanta ni Jessie yan!"
       "O? Ano naman?"
       "Hmpf! Matulog ka na nga! Ewan ko sa 'yo!"
       "So nagtatampo ka nyan?"
       "Oo!"
       "O sige na, sige na! Ito na po…."
       "Okay go!"

 Blue OceanWhere stories live. Discover now