Chapter 6: Booh

4.7K 193 29
                                    

OCEAN'S POV:

       NAGULAT  ako sa premyong 'kiss' ni Blue sa biglaang pustahan din. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon or malamang naman sa malamang ay slip of the tongue lang din 'yon.

       Sinubukan ko lang naman ang magiging reaction niya ng sumagot ako ng deal. Di ko tuloy alam kung ano na magiging tingin niya sa akin. Hmmm.. Bakit? Puwede namang kiss sa pisngi, sa noo, sa kamay.
Pag kiss, di naman lips agad diba?

( O sige na, nagdedeny ka pa Ocean, tsk! ^_^ )

     Kaya hayun! 'Yung moment na gusto ko pa sana siyang makausap, bigla tuloy akong napa-goodnight, sa hiya. Humiga na ako at tinabi na ang cellphone sa bedside table ko. Pagpikit ko ay mukha ni Blue ang nakikita ko, ang boses niya parang umeecho sa tainga ko. Parang gusto ko pa siyang marinig. Pinilit kong makatulog. Gusto na ng katawan at mata ko, pero 'yung isip ko, ang likut-likot pa rin.

    Kanina, kausap nya ako. When her husband called, tatawagan na lang daw niya ako ulit. I felt bad pero alam kong hindi dapat. Asawa niya 'yon eh. Sino ba naman ako? Isang ka-- ? Kakilala. Oo kakilala, ka-ospisina kasi hindi mo pa masasabing magkaibigan kami dahil nagsisimula pa lang kami.

       Bumaling ako sa kabilang side ng kama. Blue is occupying my thoughts. May mga mumunting senaryo na,  na nabubuo sa isip ko. Ako at siya.
Ako at siya na magkasama, masaya. Sa mall, sa sine, sa park, sa bakasyon. Ako at siya na tumatawa na parang kami lang ang tao sa mundo.

      Napadilat ako ng biglang tumunog ang cellphone  ko. Hindi ako nagsa-silent pag dating sa messages. Bumaling ulit ako sa kanan kung nasa'n ang cp ko at kinuha.

   "Shan…." ( galing kay Blue - nagreply ako.)
   "Y?" ( tipid lang kasi medyo sleepy na rin talaga ako.)
   "I can't sleep."
   "Y?"
   "Migraine."
   "Inom ka meds."
   "Done."
   "Rest ka na. Gabi na."
   "Can I call?"

 
    Pinilit kong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Naglagay muna ako ng unan sa likod atsaka ko siya tinawagan.

     "Hmmm… Okay ka lang ba Blue? Dapat pumikit ka na lang tas hintayin mong mag effect 'yung gamot."
     "Ayaw mo ba akong kausap?"
      "No… hindi sa gano'n babe, kaya lang it's late na." (Babe?! Sa'n nanggaling 'yon? Aba't ang dila ko, oh!)

      "Shan…"
       "Hmm?"
       "Can we…. Ah… be friends?" (bigla akong natigilan. Parang kani-kanina lang, iniisip ko kung ano kami ngayon.)
      "O naman. Ikaw pa!"
      "But I won’t call you Ate, nakaka-asiwa eh. Five years lang naman tanda mo sa akin, right?"
      "Sure. Bakit mo naman ako gusto? I mean as your friend?"
     "Wala lang. I just feel that I will grow as a person, with you around."
      "Eh kung umalis ako bigla?"
      "Ha?"
      "Eh, wala namang permanente sa mundo."
      "Live one day at a time? Kasi alam mo na, may asawa na ako. Mga trip ko, hindi na katulad ng iba."
      "O? Eh ako single? Ano'ng trip ba gusto mo? Ahhaahh!"
     "Mas matanda ka sa akin. Mas mature."
       "Sus ginoo! Thirty three ako pero isip-bata ako, hahah! Kaya nga walang lovelife, feeling ko I can’t handle a relationship."
     "Sabi mo lang 'yon. Ako nga o, ambata kong nag asawa. Pero nakaya ko."
     "Tulog na tayo, antok na ako."
     "Okay…"
     "Goodnight Blue…."
     "Ah.. Shan.."
      "Hmm?"
      "Can we.. Have a… Can we have a coffee tomorrow after your office? Leave pa rin ako, nasa resto pa rin kasi ako bukas."
     "Si Jessie pa'no?"
     "Kukunin ng Lola niya, siya susundo kaya free ako."
     "Ah okay. Sige, text mo na lang ako kasi alam mo naman, dami kong gawa sa office."
     "Sige… goodnight na."
     "Night…"

 Blue OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon