Chapter 32: Patiently Waiting

2.9K 123 13
                                    


BLUE'S POV:

      KINABUKASAN ay maaga akong nagising. As usual, may mga kamag-anak na namang sumulpot sa partido ni Yul. Tinulungan ko ang byenan ko mag-estima. Ang mag-ama naman ay nagpapa-araw sa labas. Hindi pa kami nakapag-usap ni Yul no'ng tungkol sa kagabi. Hindi ko muna hinahawakan ang cp ko mula pag-gising.

      Usapan naman namin ni Ocean na ako ang lagi munang mauunang mag-text. Safe kung gano'n kaya hindi ko alam kung bakit nagtext pa sya kagabi.

     Pumasok ako ng banyo ng patapos na si Nanay magluto. Sabi ko nasira ang tyan ko. Sa loob ng banyo ay mabilis akong nagtext kay Shan.

      "Shan… muntik na ako kagabi. Bakit ka ba kasi nagtext tulog na ako. Nakita ni Yul buti na lang nalusutan ko. Haaay!"

     Nagreply naman siya. Mukhang inaabangan talaga ang text ko.

     "Happy New Year Blue. I just miss you lang kasi. Iba pa rin 'yung  pisikal kitang kasama. Sorry."
     "Okay lang. I duno din bakit niya binuksan ang cp ko. Nagduda kasi siya sa singsing."
     "Ohh…. Kasi, kasi naman…."
     "Shan, narinig ko siya kagabi pagpikit ko. Di na raw niya ako pababalikin ng Manila."
    "What?!"
    "Pero natural  hindi ako papayag no."
     "O sige na, mamaya na lang ulit. Baka mahuli ka na namn. Balitaan mo ako, ha. Lagi akong naghihintay."

     "Salamat sa pang-unawa. Wag ka sanang mag-sawa."
     "Hindi Blue… Ilove you."
     "Lab you too…"

     Paglabas ng banyo ay agad kong nilagay sa kuwarto ang cp ko. Doon na ako naabutan ni Yul at ni Jess.

     "Anak, pahinga ka na tas ligo ka na para before lunch presko ka na," sabi ko pagpasok nila. Isa-isa kong inalis sa panel ang kurtina.

     "Bagong taon, papalitan ko ng dilaw 'tong mga kurtina."

     Pinapakiramdaman ko si Yul. Wala siyang kibo. Humiga siya ng kama at nakatingin lang sa ginagawa ko.

     "Seryoso ako Blue na hindi ka na babalik ng Manila. Dito ka na lang magtrabaho."

     "Kung dito ako magta-trabaho, alam mong isang buwan ang notice bago ang effectivity ng resignation."

    Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang bagong kurtina na ipapalit ko. Piilit kong pinapakalma ang sarili ko.

    "Lawakan mo ang isip mo Yuleses. Wala kang trabaho. Ang ipon nauubos. Ang anak mo magpa-proper schooling na next year. Besides, sayang ang medical benefit ni Jessica sa office at may binabayaran ako do'n para macover ang Nanay ko. Alam mong ako na lang ang inaasahan no'n. Alam mo 'yan. Kung gusto mo ako dito, na mabagal ang pag-asenso, bahala ka pero make sure mo munang may regular kang trabaho. Huwag kang padalus-padalos magdesisyon."

     Tahimik lang si Yul. Mukhang nag-iisip. "Ako na ang bahala, basta magresign ka na pagbalik mo do'n."

     "Is this something about Shan? Pinag-iisipan mo siya ng masama?"

     "Ewan ko. Iba ang pakiramdam ko sa officemate mong 'yon."

     "Napaka-babaw ng dahilan kung pakiramdam mo lang pagbabasehan mo. Big leap ang desisyon mo'ng yan. Pero kung sa ikakatahimik mo, e di sige."

     Padabog na lumabas siya ng kuwarto. Alam kong kinakain siya ng insecurities niya pero kailangan ko siyang paliwanagan. Hindi sa ang relasyon ko kay Ocean ang issue dito kundi ang current na situation namin. Madalas pa namang atakihin si Jessie, malaking bagay ang Health Insurance ng kompanya.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now