Chapter 39: Until I see You

3.2K 157 20
                                    

        

Sa mga abangers.... Hapi Balentaymz 😚😚😚😚😚

💖💖💖💖💖💙💙💙💙💙💟💟💟💟💟💜💜💜💜💜


Ocean's POV:

      Lumipas ang isang linggo, katapusan ng Enero. Busy ang lahat sa mga reports at deadlines. Kahit na mabigat sa dibdib ang bawat araw na lumipas na hindi kami nag-uusap ni Blue ay tiniis ko. Inisip ko na lang na isa na lang siyang magandang ala-alang dumaan sa buhay ko. 

      Bawat gabi ay umiiyak ako, sa lungkot at pangamba. Isang linggong deact na rin ang social media account ni Blue. Sino nga ba ang mas dapat magalit sa nangyari? Maraming tanong sa aking isipan na hanggang tanong na lang.

      "Ocean, naipasa mo na ba sa Marketing 'yung samples ng mga brochures and journal na gagamitin sa symposium? Baka magahol tayo sa oras?" Tanong ni Ms. Eleny na pumalit kay Gwen. Medyo strict sya pagdating sa trabaho.

      "Uhm... Ma'm si Marga po ang nagfinalize kahapon. Sabi niya ii-email daw po sa inyo kahapon?"
      "Ah ganon ba? Di bale, papasok siya ng hapon right?"
      "Yes Ma'm."
      "Ano'ng team mo pala sa team building?"
      "Blue Ma'm."
 
      Bigla akong natigilan. Kasing blue nga ng puso ko  💙 ang group ko sa event na 'yon.

       "Okay, team green ako. Si Marga?"
       "Ka-team ko Ma'm."
       "Okay. Sinuggest ko kasi na paghaluin ang regular sa mga bago pa lang."
       "Maganda nga po 'yun." Ano'ng team kaya si Blue? Aattend kaya siya?

        Araw-araw ay sinikap kong magfocus sa trabaho. Napansin ko ring kung gaano ako umiiwas mapadpad sa department nila ay ganun din siya. Madalas na kundi messenger ay janitor ang naghahatid ng dokumento na galing sa kanila. Ako naman ay gano'n din.

       Dumating si Marga before lunch. "Tara Dags, kain tayo Pig-out."
      "Ayoko do'n."
      "Bakit naman? Dahil baka nando'n si Ex?"

       Oo, nagtapat ako kay Marga three days ago lang. Uminom kami sa may Giligan's Trinoma. Pinaunlakan ko na siya dahil sobrang depress daw niya at ako nama'y mabigat ang kalooban.

     Nag-open up sya sa akin about sa family nya. Yes, inadmit na niya sa akin na lesbian siya, at nagkagusto sya sa akin noon. Noong una ay ayaw ko pang aminin ang tungkol sa 'min ni Blue pero nafeel ko namang mauunawaan niya ang pinagdaraanan ko. Lagi ko lang naaalala ang salita niyang....

      "Kahit ano'ng mangyari Ocean, talo ka kahit saang anggulo. Bandang huli, pamilya pa rin ang pipiliin ni Blue over you.  Hindi masama ang nararamdaman mong pagmamahal, walang duda pero hindi lang kayong dalawa ang nasa pag-ibig na 'yan.  Anak niya at asawa niya. Hanggang kailan mo kayang tiisin maging pangalawa at mamalimos ng oras? Dignidad at respeto para sa sarili mo, wag mo 'yung ipagkait."

      Mula ng araw na 'yon ay naalwahan ako ng kaunti dahil may tao na akong nasasandalan.

      "Bakit naman? Dahil baka nando'n si Ex?" Ulit niya.
     "Bibig mo Max, ang lakas."
     "Eh do'n ko nga gusto kumain kasi."
      "Paano kung nando'n nga siya?"
      "So what?! Bawal bang kumain sa resto ng friend ni Ex? Haller!"
      "Tsk! Basta, wag na."
      "Oh siya siya! Do'n na lang sa Inasal."

       Doon nga kami napunta pero sa di inaasahan ay sa Inasal din kumain ang workmates ni Blue.

      "Shit andito sila." Sabi ko at pumintig ng mabilis ang puso ko. For seven days ay di ko sya nakita at ganito pa rin katindi ang epekto nya sa akin. Mahal na mahal ko pa rin siya.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now