EPILOGUE: COME WHAT MAY

1.8K 69 30
                                    

The song is lovingly dedicated to:.....

You


........

Blue's POV:

       Mahihinang katok ang narinig ko habang naglalagay ako ng lipstick. Magta-tatlong buwan na ang nakalipas at nasa last phase na ako ng gamutan.
       "Hon," tawag ni Shan pagkapasok niya. "Are you done? In fifteen minutes nandito na raw 'yung service na padala ni Yul."
      "Y-yah, patapos na."

       Tumabi ako sa kanya sa kama. Nakatitig ako sa mata niya. Ewan ko pero nakita ko ang pagod doon. Bigla bumalik sa ala-ala ko lahat ng mga bigay na sinuko niya para sa akin. Dahil sa pagmamahal niya.
      "Shan, bakit ka ganyan ka makatingin?" Tanong ko. Namumuo na ang luha sa mata ko dahil nalunod ako sa pasasalamat sa kanya. Sa pag-ibig, pang-unawa, pasensiya, pag-asikaso at pagpupuyat. Siya ang aking lakas, taga tulak maging positibo, pampalakas ng loob, taga-gabay at lahat na.

        "Huwag kang iiyak Hon. Di ako marunong magretouch ng make-up. Nakuuu! Sayang ganda ng make-up mo," natatawang sabi niya.
      "Am I?"
      "Am I what?"
      "Am I still beautiful?"
      "Of course you are."

       Tuluyan na akong naiyak at tinakpan ang mukha ko. Ocean hugged me. "Hoooonnn....ano ka ba? 'Yan ka na naman. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yong minahal kita di dahil sa panlabas na anyo, alam mo 'yan."
      "Kahit na wala pa akong masyadong buhok? Na puro ako bandana lang?"
       "Sus! Kahit walang tumubo at forever kang kalbo, mahal na mahal pa rin kita."
       "Natatakot ako na.... na maghanap ka ng iba lalo na... na hindi na malaki boobs ko?"
       "Ha!ha!ha! Ano ka ba Blue! Maryosep! Ganyan ba kamanyak ang tingin mo na maghahanap ako ng iba ng dahil lang sa dede?!"
        "O malay ko ba? Matagal ng wala tayong ano."
        "Susko Hon! Ikaw yata manyak eh. Gusto mo ngayon? Quickie?"

       Natawa naman ako. Ganyan si Ocean. Kahit minsan ay di niya pinatulan ang pagda-drama ko, pagsesintir ko, topak ko at pagse-self pity ko. Lagi niyang pinapagaan kalooban ko at alam kong minsn na kapag sumosobra na ako ay natatalo pa rin ako ng pagtitimpi niya. Napaka-suwerte ko.
       "Mahal na mahal kita Blue at walang segundo na maiisip kong ipagpalit ka."
       "Mahal na mahal kita Ocean. Huwag mo ko iwan at sana, sana hindi ka magsawa."

       Pagdating sa resort kung saan gaganapin ang renewal of vows ni Yul at Dina ay binigyan kami ng oras ni Ocean para makapag bonding ng anak ko. Lahat kami ay guests lang at iilan lang nakaalam ng identity namin ni Jessie. Nagsimula ang seremonyas at tahimik ko silang pinagmasdan. Kamukha ni Yul ang anak niyang lalaki at bilang anak na bunga rin ng broken family at di rin nakagisnan ang ama, nauunawaan ko ang damdamin ng anak ni Yul. Hindi pa huli ang lahat para sa kanila.

       Tinuring kong biktima kaming lahat na hindi aware ang existence ng bawat isa. Pero ngayon ay buo na ang kanilang pamilya. Aaminin kong mahirap tanggapin sa simula pero wala akong magagawa kung ganito pala ang nakatadhana. Pinaliwanag kong lahat kay Jessie and she's smart enough to understand and she has a big heart to accept everything. Siya ang sentro ng pinaka-masasaktan sa nangyari kaya lahat kami ay kinausap siya: Ako, si Yul, si Dina at kuya niya.
...

        Matapos maganap ang beach wedding ay doon na rin dinaos ang reception. Close friends and relatives lang and as usual, mega appear ang presensiya ng nanay ni Yul. Civil na lang kami at ang buong atensiyon niya ay sa apo niyang lalaki kay Yul.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now