Chapter 3: Number

6.1K 198 7
                                    


OCEAN'S POV:

        Hindi ako makatulog. Kapag pumipikit ako ay mukha ni Blue ang nakikita ko. There's something in her talaga na hindi ko mawari. When I saw her, as if I can't get my eyes off of her. She moves with finnese and grace that I noticed too the other guys' eyes are on her. Then when I was able to talk to her, damn! She got a very sexy voice. Hindi ka magsasawang pakinggan.

       During the parlor games, para niya akong nahipnotismo at napatayo niya ako para maglaro. Nag enjoy naman pero naiinis ako na sana nag lie na lang ako na naka-isang Ex lang ako. Nakakahiya, na sa tanda kong ito na 33, naka-isang relasyon lang ako. At no'ng college pa 'yon. I don't know, wala lang. Gusto ko kasi 'yung totoong mahal ako bilang ako at 'yung makakaramdam ka talaga ng spark.

      Nang may chance na magdikit ang mga balat namin ni Blue, na hindi miminsang nangyari, may tila mainit na kuryente na dumadaloy sa akin.
Nakakapanibago na nakakatakot.

      Nagkasabay kami sa kotse pauwi dahil sa driver ni Gwen. Hindi ako at ease physically na katabi ko siya pero in reality, at ease akong kausap siya.
Nakaka-addict kung paano siya nagsasalita. Parang nagpapanggap na inosente pero nang-aakit.

      One thing I learned, She's MARRIED. May asawa at may limang taong gulang na anak na babae. Bakit gano'n na lang ang pakiramdam kong disappointment? Eh ano naman kung at twenty eight ay kasal na siya? Or dahil naiinggit ka dahil 33 ka na pero single and un-attached ka pa  rin? Na kahit miminsang fling ay wala? Bokya, zero.  Ahahaahha!

        Naalala ko 'yung game kanina, arrange yourself according to your number of Ex, hahahah! Weird! Ngayon lang ako nakarinig no'n.
At ang bilis ko pang pumunta sa harap at in-assumue kong ako talaga ang nasa unahan, haha. Alam kong madami tuloy ang naintriga sa lovelife ko.

        Nakahiga na ako at nagbukas ng FB. Hinanap ko ang isang EX kong 'yon. Oh there she is! Yes, my ex is a She at kaisa-isa lang pero grabe ang naging impact sa puso ko. Dahil sa kanya kaya ako natakot makipag-relasyon sa kahit na sino.

       So hmmm.. She's still single pero dahil sa edad ay nagkalaman na rin hindi katulad noon na pareho kaming patpatin. She had just arrived from her European tour. Oo, she loves to travel, she loves party and nightlife. Extremely my opposite.

         I remembered fifteen years ago how she had broke my heart.

    Nasa kotse niya kami at pauwi galing dinner. Kaka-enrol lang namin at graduating na kami sa college.

    "Shan, I guess, ito na ang last nating pagkikita. It's not gonna work anymore."

   "I knew it. You let me feel the wall Anya. In denial lang ako na kino-convince ko ang sarili kong mayro'n pa."

    Anya held my hand. "Alam mong minahal kita."

     "At ngayo'y hindi na."

    "Hindi tayo ang para sa isa't-isa. Kahit anong pilit natin, hindi talaga. Mahal kita pero kailangan ko rin ng karelasyon na hindi sa salita lang."

    "Sex lang ba ang love babe?"

   "No… I mean isa 'yon pero kailangan ko ng taong kaya ako sakyan, 'yung mga trip ko. Yung nakakasama ko kahit saan, walang limitasyon, walang argumento, may oras. Sino bang taong may gf pero sa tuwing may gimik hindi ko nakakasama?"

   "Alam mo namang tago ako diba?"

   "And hindi ko kayang magtago habambuhay. You knew I've given you all the time that you wanted."

 Blue OceanWhere stories live. Discover now