Chapter 8: Ocean's Sweet Kiss

4.5K 196 33
                                    

BLUE'S POV:

        Kahit ayokong malayo sa tabi ni Ocean ay pinili ko na rin na sumama sa mesa ng ka team ko. Pero ng si Ocean na ang sumali sa games at nagtaka ako bakit sila naghiyawan ng tawagin si Amber, ex suitor nga pala 'yon. Parang unfair diba? Sabi nila bunutan ng player, bakit pagdating kay Ocean, sadya?

       Okay lang naman no'ng una pero no'ng nakikita ko ng nag eenjoy siya sa mga hawak nila ni Amber ay parang nainis ako. Nainis ako sa sarili ko kasi bakit ako naiinis sa nakikita ko? Di nga ba't dapat maki-kilig ako dahil tingin ko naman ay bagay silang dalawa? Hindi lang nga siguro mahuli pa ni Amber ang kiliti ni Ocean.
Tingin ko kasi, madali namang pasayahin si Ocean. Ayaw lang niya 'yung nagpapakitang gilas kasi type siya. Hindi raw niya nakikita ang sinseridad doon.

        'Yung moment na binuhat na siya ni Amber for the last fold ng dyaryo, they were so sweet and intimate na hindi na kinaya ng damdamin ko.
Naguguluhan ako pero ayokong makita silang gano'n. Kinuha ko ang bag ko at sumunod si Amie paglabas ng function room.

      "Girl huuy! Anyare?"
      "May stick ka ba dyan, tara," aya ko.

      Sinabayan akong manigarilyo ni Amie. "Ano'ng problema Bru? Nag- away na naman ba kayo ng magaling mong asawa? Di mo nakayanang magpanggap?"

      Totoo naman na madalas kaming magtalo ni Yul pero sanay na ako ro'n. Natetense ako sa dahilang hindi ko alam. Pinili kong wag na lang mag elaborate.

      "Lagi naman," sagot ko.
     "Isang yosi lang ha, gusto ko mag enjoy ngayon. Wala munang pabebe okay?"
       "Oo salamat. Natetense kasi ako, di ko alam bakit."
      "Sus! Enjoy na enjoy ka nga kanina sa relay tapos bigla bigla nag iba mood mo?"
     "Basta, ewan:"

       Nakita ko sa labas na nakadungaw si Ocean. Agad kong pinatay ang sigarilyo dahil hindi niya alam na marunong akong manigarilyo.
Hindi ko rin alam kumbakit biglang naging ayokong makita ni Ocean ang ilang bahagi ko na ikaka turn off niya. What is happening to me? Tsk!

       Inaya ko ng bumalik si Amie at tinext nga ako ni Ocean. I really wanted to be with her pero for sure she'll ask so many questions. Sa ikling mga araw na nakakasama at naka-kausap ko si Ocean ay alam ko na ang ilang ugali niya. Kaya kaysa mag-diskusyon kami, pinili ko na lang huwag sumabay sa pagkuha ng pagkain sa buffet. Pilit ko ring iniiwas ang tingin ko sa direksiyon niya.

     Sabay-sabay kaming kumain ng kateam ko. Pero imbis na maka-kain ako ng maayos ay parang nawalan ako ng gana. Paano itong si Amie, kinikilig din sa game nina Amber at Ocean.

     "Blue, tingnan mo oh, ang cute cute nina Ma'm Ann at Sir Amber. Kulang na lang simbahan atsaka 'yung naka gown siya. Ang sarap siguro ng feeling na rumarampa sa simbahan ano? Kami kasi sa huwes lang kinasal. Haaaay! Ang sweet sweet nila."
      "Ano yan? Nasa FB agad?"
      "Oo naman! Parang bago ka ng bago sa mga tao rito."
       "Ah okay."
       "Ang asim mo Bru ano? Puwede ba, huwag mo munang isipin ang asawa mong nasa malayo? Chill lang..... Chill."

       Haaay! Di ko naman masabi na hindi ko naman iniisip ang asawa ko no. Iniisip ko na naiinis akong isiping ikakasal si Ocean sa iba! At heto na naman akong naguguluhan sa nararamdaman ko. 😕

       Baka nga si Amber ang sinasabi niyang gusto niyang pakasalan at di pa lang siya handang sabihin sa akin.
Dapat masaya ako, kasi kaibigan ko na si Ocean at sa edad niyang thirty plus ay valid na valid na siyang mag -asawa.

       Pinilit ko na lang tapusin ang pagkain ko. Maya-maya ay tinawag ng host si Ocean para sa isang song intermission. Okay na sana kaso nakita ko rin si Amber na may hawak na gitara at pumuwesto sa gitna ng stage. Binigyan ng isang mic si Ocean at nagsalita siya.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now