Chapter 40: Hold my Hand

2.9K 156 24
                                    

Blue's POV:

      Hindi na sana ako sasama sa team building pero sa pagtataka ko ay si Yul ang nagpresinta na sumama ako. Ayoko sanang iwan sa pinsan ko si Jess pero susunduin na lang daw ni Yul sa gabi.

      Busy ang asawa ko sa magiging trabaho niya. Sa Fairview nga raw sya titira para makatipid ng pamasahe at uuwi na lang daw sa weekends. Mabuti naman at uuwi na rin ang nanay ko bukas at maayos na raw ang babuyan niya.

     "Happy Valentines, Blue. Maaga na lang ako uuwi mamaya. Wag na tayong lumabas," sabi niya sabay halik sa pisngi ko bago siya lumabas ng bahay.

     "Uuwi rin ako para magluto, sige."
     "Dumating pala yung renewal mo ng cellphone. Nasa cabinet. Di ko na kukunin para magamit mo sa graduation ni Jessica."

      "Sige. Wala pa ngang date na sinabi ang school."

       May libreng sim yung cellphone at 'yun ang ginamit kong pang text kay Ocean. Sobrang excited ako na makakasama ako sa team building.

     Bandang alas nuwebe ako tumawag sa flower shop para sa ipapadala kong bulaklak kay Ocean. Marami nga akong gustong sabihin sa card kaso pag nag-usap na lang kami. Isa lang ang gusto ko ngayon... ang mayakap sya kahit sandali.

      Tanggap ko naman na hindi na kailanman magiging kami. Masakit ang magpalaya pero hindi ako magmamahal na itatali sya poder ko gayong ako man ay hindi rin malaya.

      Umuwi ako ng maaga galing office. Hindi ko na kinabit 'yung sim uli na pinangtext ko kay Shan. Magtitiis ako ng ilang oras na lang hanggang bukas.

      "Blue .... ah bukas pala, hindi ko na masusundo si Jess," bungad ni Yul pagkasubo ng niluto kong kaldereta.

      "O bakit naman?"
      "Di ba puwede ka namang umuwi matapos ang activities niyo?"
       "Pero hassle pa. Nagbilang na sila kahapon pa ng mga uuwi. Wala na akong slot. Anyare ba?"
       "Inaya ako ni kumpare sa Tagaytay mag golf. Maglibang muna raw kami bago ang trabaho. Libre naman niya."
       "Iiwan ko na lang kina Samantha. Before lunch naman ay nandito na 'ko kinabukasan. Kasundo naman niya ang mga pinsan niya doon. Hindi ako makakauwi, sorry. Pinayagan mo na 'ko so todohin mo na. Kaysa mapahamak pa 'ko pag-uwi mag commute."
       "E di... huwag ka na lang sumama."
       
      Binagsak ko ang kutsara sa mesa sa buwisit. "Ikaw ang 'wag sumama do'n!" Sigaw ko sa inis.

     "Hindi ko deserve 'to Yul! Kailangan ko rin ng pahinga. Hindi lang puro ikaw! Happy Valentines!"

      Tumayo ako at pumasok ng kuwarto. Maaga natulog si Jessie dahil excited din syang pumunta sa pinsan ko. Nagsimula akong mag empake ng gamit ko para bukas. Basta kami ni Jessie, plantsado na ang lakad. Hindi puwedeng hindi ko makasama si Ocean bukas. Hindi puwedeng hindi ako kasama.

      Hindi ko na namalayan kinabukasan kung ano'ng oras umalis si Yul. Bahala siya sa buhay niya. Maaga ko ring hinatid si Jessie sa pinsan ko na may kinse minutos ang layo sa bahay namin.

     Hindi kami magkasama ni Ocean sa bus dahil late na ako nagconfirm ng attendance kaya di ako nakaabot do'n.

     Nang magsimulang umandar ang van ay naluha ako. Naluha ako sa saya na at last..
For a while.....malaya ako! Malaya kong mahahawakan ang cellphone ko ng walang inaalalang nagbabantay sa kausap ko o katext. Malaya kong masesave muna ang mga text ni Ocean at hindi delete agad...malaya kong makakausap si Ocean matapos ang otso oras na hindi nagmamadaling umuwi. Malaya ako..at malayo sa asawa ko. Napaka laking kaalwahan sa dibdib.

       Hindi ko muna tinetext si Shan. Alam kong tulog 'yon sa biyahe. Pagdating sa venue ay kanya kanya muna kaming bitbit ng bag. Sa conference daw muna kami magstay dahil wala pa ang check-in time. Pumila muna kami sa breakfast.

 Blue OceanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang