Chapter 24: Can't leave You

3.3K 155 10
                                    


BLUE'S POV:

        Ngayon ko lang naramdaman ito bukod sa pakiramdam na parang mawawalan ako ng malay kung mawawala sa akin si Jessie..... Na ganon din na parang hinihiwa ang puso ko kung sakaling iwan ako ni Ocean.

         Hindi ko alam gagawin ko kung paano ko siya mapapanatili sa buhay ko. Gagawin ko kahit gumapang ako sa pagmama-kaawa.

        Kausap ko si Ocean ng biglang nag call waiting si Yul kaya biglang naputol ang usapan namin. Nagloko na ang signal kaya't hindi ko na sya muling nakausap.

       Alam kong nag-tatampo lang si Shan at alam ko sa puso ko na labag sa kalooban niya ang pakikipag-break.
Laking pasalamat ko na lang ng magsend ang apat kong text sa kanya.
As if nothing happened, as if break up have not been tackled.

       I was serious to wait for her call before I'll sleep. Kahit hanggang makatulog ako, hihintayin ko ang tawag niya. Kahit wag na siyang magsalita, basta makita ko lang na kahit missed call dahil ibig sabihin no'n para sa akin ay ina-acknowledge niya pa rin ako bilang girlfriend. Baliw na kung baliw pero ito ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya, malalim.

          Alas onse na ng gabi at tulog na si Jessie. Patagilid akong nahiga at nakatitig lang sa cellphone ko, naghihintay ng tawag. Tiniis ko pa ang treinta minutos at pilit di mapa-pikit ang mata ako kahit antok at pagod ako. Hindi ko mapigil ang pagdaloy ng luha ko na tila umaagos sa bawat kibot ng puso kong nasasaktan.

         Pumikit ako at imahe ng nakangiting Ocean ang nakikita ko at lalong bumilis ang luha sa pag-tulo. Bumangon ako at uminom ng tubig.
Pagbalik ko sa kama ay nakita kong umiilaw ang cp ko. Dagli kong kinuha at sinagot ang tawag na humihikbi.

        "Hello," bati ko habang pinapahid ng palad ko ang natitirang luha sa pisngi ko. Umupo ako sa sahig at sumandal sa kama. Tanging ilaw lang ng lampshade ang mababanaag sa loob ng silid. Hindi nagsasalita si Ocean sa kabilang linya kaya't patuloy pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko, nangangapa.

       "Shan…. Y-you called."
       "I'm sorry…"
       "Shan…. Please no… "
       "I'm sorry Hon…… for making you cry. Nasasaktan din ako."
        "Kung may paraan lang ako Shan para mawala ang sakit sa 'yo, gagawin ko. Sorry, sorry kasi ito na ako at wala akong magawa."
        "Sssshh…. Okay na Hon, sige namatulog ka na. Alam kong pagod ka. Sorry kung natagalan ang pag-tawag ko."
        "O-okay lang, okay lang. Pero, hindi tayo nagbreak ha. Shan?"
       "Yes, hindi tayo nagbreak."
       "Do you still love me?"
        "Hindi kita mahal kung hindi na kita tinawagan. Ewan ko ba, hindi kita matiis."

        Lihim akong napangiti pero napawi rin nang mapansin ko sa ilalim ng pinto ang aninong naglalakad papalapit sa kuwarto.

       "S-sige na Shan, salamat. Tatawag ako bukas," nagmamadali kong sabi at di ko na hinintay ang sagot niya. Tumayo ako sabay bukas ng pinto.

      "O Blue, gising ka pa?" tanong ni Yul at naamoy ko na ang singaw ng alak mula sa kanya. Pasalamat na lang ako na madilim at hindi niya mapapansin ang mugto kong mata.

      "Medyo namamahay pa rin, hindi ako makatulog. Ihahanda ko lang ang pantulog mo, saglit lang. Pumunta ka na ng banyo at maglinis."

       Sumunod naman si Yul kaya't nagkaro'n ako ng oras na iligpit ang cellphone ko sa aparador at nahiga. Pumikit na ako at nagtulug-tulugan.
Hindi ko maatim makipag-talik sa kanya ng galing sa inom. Kung puwede lang hugutin ang oras para mag-umaga na.

       Lumabas si Yul at nahiga. Sinadya kong igitna si Jessie sa higaan para hindi kami magkatabi. Maya-maya lang ay narinig ko na siyang humihilik. Ilang sandali ang pinapalipas ko atsaka ako muling tumayo. Kinuha ko muli ang cellphone ko at nilagay na lang sa may unan ko. Muli kong tinext si Ocean.

 Blue Oceanजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें