Chapter 52: Beside You

1.2K 69 6
                                    

BLUE'S POV: 

         Pagpasok ng bahay ay sinugod ako ng yakap ng anak ko. 'Mommy! Surprised!" Nangiti ang  Nanay ko. Parang ang saya-saya ko na nasa iisang bubong ang tatlong babaeng importante sa buhay ko: Nanay ko, si Jessie at si Ocean. 
         "Hi Jessie. Ang laki mo na at gumanda lalo."  
         "Yes. Hi po."   Medyo nahiya si Jessie alam ko.
         "Like Mom?"
         "Of course but you're much prettier."  Jessie smiled and to my surprised she came nearer and hugged Ocean.
         "Kumain na ba kayo? Sa'n ba kayo nanggaling?" tanong ni Nanay. 
         "Almusal lang Nay. Inabot kami ng baha kagabi kaya do'n kami sa condo ng boss --- namin dati."
         "Mabuti nga at payapa ang biyahe naman namin. Sorpresa kasi gusto ng anak mo. Eh sabi mo si
Maya ang itext kapag hindi ka mahanap. Napakabait ng batang 'yon." 
       "Ah opo Nay. Nagkausap nga kami." 
       "O siya sige. Nasa lamesa ang mga dala ko. Kayo na bahala at gusto kong magmaligamgam na ligo."

       Pumasok na ng banyo ang Nanay ko. Inaya ko na sila Ocean at Jessie na mananghalian. 
       "Galit ba sa akin ang Nanay mo?"  mahinang tanong ni Shan. Deadma kasi siya.
      "She knows about you. I'm sorry. Minsang napag-awayan ka namin ni Yul. Nalaman niya ang tungkol
sa singsing na bigay mo."
       "Nasa'n 'yon?"
      "Lagi kong dala, sa bag."
      "Maybe I should go. Ayoko na ng gulo at makadagdag lalo na't Nanay mo 'yon."
       "Don't be afraid Ocean. Kaya kong harapin ang Ate mo, kaya kong harapin ang Nanay ko."
       "Blue, mauuna na ako. Hinahanap na rin ako ni Ate."
       "Tawagan mo ako pagka-uwi mo okay?"

        Pag-alis ni Ocean ay parang labag sa kalooban ko. Parang ayaw ko ng malayo siya sa akin.  Sinalubong ako ng Nanay ko sa salas.
       "Hindi ba't siya ang nagbigay ng singsing?" Deretso niyang tanong. Tanong na parang statement.
       "Opo Nay."
       "Naging dahilan na siya ng pag-aaway ninyo ni Yul. Sana alam mo anak na hindi lagi puso ang
pinapa-iral."
        "Nay…" 
       "Wala kang maitatago sa akin Blue. Sana doon ka lang sa tama."
       "Huwag niyo na pong intindihin 'yon. Alam ko ho ang ginagawa ko."
       "Sana nga, anak. Sana nga."

        Inasikaso ko muna ang tulugan ni Jessie. Nang makatulog sila mag-lola ay tinawagan ko na si Ocean. 
       "Hello Shan.."
       "Hi."
       "Uhm saan ka na? Sabi mo tatawag ka."
       "Wala pa kasi ako Love sa bahay."

         Tumibok ng mabilis ang puso ko pagkarinig ng endearment niya. Namiss ko 'yon. Hindi ko ito pinansin.
        "Sa'n ka pa nagpunta?"
        "Sa office. May inayos lang."
        "Ah okay. Free ka ba bukas?"
        "Lagi akong free para sa mahal ko." Natawa ako sa sarili ko.

         The next day ay pumasok ako. Naiinis ako na di ko macontact si Maya. Buti na lang ay simula
na no'ng reliever niya. Nag-half day na lang ako sa store at nagtaxi pa-Makati. Sa Italiannis ko siya
pinasunod.
       Pagdating sa mall ay kumaba na naman ang dibdib ko.  Parang kaba na may halong excitement, tuwa at sa edad kong ito? Kaba na may kasamang kilig. Dumaan ako ng comfort room para mag-retouch.
       Sumakay ako ng escalator at doon nagring ang phone ko. Pagkarinig ko ng boses ni Ocean  ay lalong kumabog ang dibdib ko. 
       "Hello yes... lapit na ako," sabi ko habang hinahanap' yung resto pag-apak ko ng floor.
      "Okay baka mauna ka. May dinaanan lang ako."
       "Okay sige ako na magreserve. See you."
      "Yeah, see you."

       Pagpasok ng resto ay pumili ako ng puwesto sa corner at may couch. Walang tigil ang kaba ko, natetense.  Nagretouch uli ako. Natanaw ko ng pumasok si Ocean kaya kumaway na ako. Binato niya ako ng pamatay niyang ngiti. Ngiti na ikakahulog ng puso ko.
       "Ah Naka-order ka na ba?"
       "Ah hindi pa. Kararating ko lang din halos." Tumabi siya sa akin at naamoy ang paborito kong pabangong  gamit niya. 'Yung bangong wala kang gagawin kundi yakapin siya o kaya ay papakin. Ha! Ha!
       "Ah okay," sagot niya. Siya na ang tumawag sa waiter at umorder ng usual naming kinakain  pagdating sa pasta hanggang sa iinumin.
       "Ay nakakahiya naman. Ako ang nag-invite ah."
       "Okay lang ako naman ang late saka ikaw pa rin naman ang magbabayad, ha! Ha!"
        "Ay oo naman." 

 Blue OceanМесто, где живут истории. Откройте их для себя