III - 41.2 Weary

995 44 10
                                    

Si Link ay nasa gitna ng hindi mahulugang karayom na grupo ng mga estudyanteng nanunuod ngayon sa eksena niya at ang misteryosang babae na kaharap niya ngayon. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila na tila hinihintay ang mga susunod na magaganap sa kanila. 


"Suzelle... Suzy... Morales"


Halata sa mukha ng dalaga na naiilang siya sa sitwasyon na pinasok niya. Napaatras siya ng onti at nagsalita.


"Sorry, kailangan ko ng umalis"

"Sandali"


Pinigilan naman ni Link ang dalaga. "Bakit ka nandito? Bakit alam mong nandito ako?"


Ngunit hindi nagsalita ang dalaga na tila may masamang pakiramdam. Sa sandali rin naman na iyon ay maririnig ang mga bulungan ng mga babae sa paligid.


"Siya yung girlfriend ni L?"

"Mas maganda pa ako sa kaniya!"


Umatras siya habang bumulong.

"Sorry"

At muli pang umatras.

"Sorry"

Hanggang sa nagulat si Link noong nakita niyang pabagsak na ang katawan ni Suzelle. Dali-dali niya itong sinalo at tinignan kung may malay pa ang dalaga. 


"Suzelle? Suzelle!"


Nataranta rin na pumalibot ang mga kaibigan ni L kabilang na rin si Suichiko. Nagdumali silang kargahin si Suzelle at dinala papunta sa Metropolitan Health Service.

——————————————————xx*

Sa hindi naman kalayuan ay may taong palihim na nakamasid sa kaganapan sa soccer field. Nagyon ay nakikita niyang itinatakbo na sa health service ang babae kasama ang mga kabarkada ni Link. Napangisi siya at nagsalita.


"Sa wakas, nakita ko na rin siya... alam ko na ang sikreto niya... ngayon mag-iisip ako ng paraan para mawasak siya"

"Hindi ba, tama naman ang desisyon mo tungkol sa offer ko sayo?"

"Ano naman ang kapalit?"

"Saka na ang kapalit. Intindihin mo muna ang mga plano mo"

"Sabihin mo, sa kapangyarihan kong ito, kaya ko bang malayo iyong babaeng iyon sa kaniya?"

"Posible... kaya mong gawin ang lahat dahil sa—-"

"Sa mga mata ko... tama"


Sa mga oras rin na iyon habang naglalakad si Ellery ay napatigil siya dahil sa mga boses na narinig niya. Kasabay noon ay ang mabigat na pakiramdam at pagsakit ng ulo niya.  Napatingin siya sa paligid upang hanapin kung kaninong boses iyon nanggaling. 

Sa pagtingin niya sa kanan malapit sa fountain ay may nakita siyang nakatalikod na taong naglalakad paalis. Lumakas ang kutob niya kaya pumunta siya sa direksyon na iyon.

——————————————————xx*

"Okay lang kaya siya?"

"Ang putla niya oh"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now