II-33.3 Doppelganger ; Disappear

1.8K 50 13
                                    

Huhu isang mahabang pasensya siguro ang meron ka para matagalan ang istoryang ito hanggang sa chapter na ito. Salamat sa pagsubaybay! Mahal kita, oo, ikaw na nagbabasa nito :3 Sana patuloy lang ang pagbabasa mo nito hanggang sa huli. Salamat ulit!

Happy 16k HAHA :)) Mahaba itong chapter, sana wag kayong mabored o makornihan. Hihihi. Heto na! Sana di kayo ma-bored. Kbye paulit-ulit ako. Chos.

------------------------------xx*♥

"AHHH!"

Kasabay ng malakas at matinis na sigaw ni Yumiko ay ang pagkaripas ng takbo ni Yeodoric papasok ng kwarto kung saan siya naroroon. Biglang bumukas ang pinto at nakita ni Yumiko na tila nataranta si Yeodoric habang papalapit sa kaniya.

"Yumi, okay ka lang?" tanong ni Yeolo habang haplos-haplos ang kamay nito "May masakit ba?"

"Anong nangyari? Anong oras na?" tanong ni Yumi. Napatingin si Yumi sa orasan sa gilid at nalaman na 7:00 na ng gabi.

"Ah, kanina kasi nakatulog ka. Nagulat na lang ako na bigla kang tumili" biglang sabi ni Yeolo. "May masakit ba? Anong nararamdaman mo?"

Napapikit at napabuntong hininga si Yumiko "Hindi ko alam, parang nanaginip ako ng masama" sabi niya "Napanaginipan ko na may humahabol sa akin na halimaw. Ang weird noh?" sabi niya habang naghalo ang pagtawa at pagkanerbyos niya.

"Weird nga. Wala yan, panaginip lang yan" sabi naman ni Yeolo.

"Pero parang pakiramdam ko may... nangyari eh. May nangyari ba noong tulog ako?"

Nahalata ni Yumi ang gulat sa mga mata ni Yeodoric. Napawi naman ang pangangamba sa mukha ni Yeodoric noong ngumiti ito at sinabing "Wala, kanina ka pa tulog. Tulo laway"

"Anong sinabi mo?!" nakakunot na ang noo ni Yumi habang naka-pout.

"Wala, ang cute mo... tulo laway"

"Ang sama mo! Umalis ka nga dito!" sabi ni Yumi noong pinagtulakan niya papalabas si Yeolo. Si Yeodoric naman ay natatawa sa reaksyon ng dalaga.

Noong nakarating sa pintuan ay bigla namang tinapik ni Yeolo ang ulo ng dalaga habang nakangiti. Tila nagtaka naman si Yumi sa ikinilos ng binata.

"Masaya ako na okay ka" bulong ni Yeolo, pero hindi ganun kahina para marinig ni Yumi.

"Patola, anong pinagsasabi mo?" tanong ni Yumi.

"Wala, magbihis ka na kasi ang baho mo na" pabirong sabi ni Yeolo.

"Lumayas ka na dito!" sigaw ng napikon na si Yumi habang itinulak paalis ng kwarto si Yeolo.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now