II-26 Concede

2.3K 67 28
                                    

KINABUKASAN, sinabihan na ng doktor na pwede ng makalabas sina Gabriel at Ellery sa ospital. Tinulungan na lang ni Link and dalawa sa pag-aayos ng mga kakailanganin gaya ng release forms at insurance mula sa school para sa lahat ng ginastos para maipagamot ang dalawa.

Kinapa ni Link ang bulsa niya dahil nagvibrate ang cellphone niya. Kinuha niya ito at nakita ang pangalan ng Ate niya sa screen. Naalala niya na hindi pa siya nakapagpaalam sa kaniya at mula pa kagabi ay hindi siya nakauwi.

"Nagaalala na siguro si Ate" bulong ni Link bago niya sinagot ang tawag.

"Hello"

(“Link asan ka ba? Hindi ka raw umuwi?”)

“Ate, nasa ospital ako. Inaasikaso ko lang si Gabriel kasi naaksidente sa school”

(“Ano? Kamusta siya? Kailangan ninyo ba ako diyan?”)

“Hindi Ate, okay na. Makakalabas na rin siya mamaya. May sugat lang sa ulo at braso pero hindi naman ganun kalala”

(“Ganun ba? Kailan ka uuwi?”)

“Pagkahatid ko kay Gab sa bahay nila. Ipapaalam ko rin kay Tita iyong nangyari. Tatawag ako sa States”

(“Okay sige, basta umuwi ka na rin agad, ha? Ipapahatid ko na kayo kay Mark. Hintayin niyo siya, okay?”)

“Okay Ate. Ingat ka diyan”

(“Ikaw ang mag-ingat. Okay?”)

“Okay sige, bye Ate”

Binaba ni Link ang cellphone niya.

"Link" tawag ni Suzy na kanina pa nasa tabi niya. "Ano, makakaalis na ba tayo dito?" 

Tumango si Link. "May ginawa ka nuh"

"Ha?"

"Aminin mo, ginamot mo pa rin si Gab nuh?"

Ngumiti ng malaki si Suzy sabay sabi "Konti lang naman! Eh natakot akong baka lumala yung pagkakatama sa ulo niya eh. Yung braso naman niya hindi ko masyadong ginalaw kasi balak kong gamutin yun pag nakalabas na siya dito. Hehe"

"Sabi na eh" napatawa si Link "Pero okay na rin yun kesa naman lumala ang sitwasyon ni Gab. Buti nga at makakalabas na siya. Nagalala ako kasi sa susunod na araw na yung Battle of the Bands. Salamat ha, Suzy"

"Okay" nakangiting sabi ni Suzy.

"Ay Link! Wait lang ha, may titignan lang ako sa labas babalik ako promise!" sabi ni Suzy bago siya tumakbo papalayo.

Napailing si Link "Saan naman pupunta yun? Bahala na nga. Makulit naman yung multong yun" bulong niya sa sarili bago tumungo sa kwarto ni Gabriel.

Noong nakarating na siya ay pumasok siya sa loob. Nakita niyang bihis na bihis na si Gabriel para makalabas na sa ospital.

"Tara na Link, miss ko na ang kama ko sobra. Kung ikaw natagalan mong manatili sa hospital bed ng tatlong buwan, ako isang gabi pa lang uwing-uwi na ko!" sabi ni Gabriel.

Napatawa si Link. "Oo na. Maya-maya pa ng onti. May aasikasuhin pa kasi. Oo nga pala, tawagan natin Mama mo ha, magaalala yun"

"Wag na, makulit yun eh" tanggi ni Gabriel

"Basta, tatawag tayo kay Tita mamaya" pagpilit ni Link.

"Kaw bahala" sabi ni Gab "Nga pala, hindi ko pa napupuntahan si Ellery. Kamusta siya?"

"Dalawin na lang natin mamaya. Sasabay naman yata siya sa atin sa pagalis dito eh" sabi ni Link.

"Saan ang room niya?"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora