III - 38.2 Case

1K 44 14
                                    

"Sige titig pa"

Halatang nakamasid si Dylan sa gawain ni Lorain. 

"Kung buhay lang ako, kanina pa kita--- ugh!"

Napasapo si Hero sa kaniyang ulo habang ang kabilang kamay naman ay naikuyom niya sa pagpipigil ng damdamin. Dahil oo, totoo, ang mga kaluluwa ay may damdamin rin.

"So magaling ka pala magluto" sabi ni Dylan.

Napairap si Hero. "Wag kang makinig sa kaniya, binobola ka lang ng lalaki na yan"

Napangiti naman si Lorain "Hindi naman. Nagluto lang ako ngayon kasi nasa bakasyon pa yung kasambahay namin"

"Pero amoy pa lang, masarap na" 

Hindi naman naiwasan ni Lorain na mapatawa.

"Para sa isang detective, feeling close ka" kumento ni Hero.

"Salamat. Hayaan mo, papatikimin kita nito bago ka umalis" sai ng dalaga

Napatitig naman ang detective sa kaniya "Tikim lang? Hindi ba pwedeng kain?"

"Mapagbiro ka pala. Ang tingin ko kasi sa mga detective eh mga seryosong tao" sabi ni Lorain.

"Talaga? I'm naturally cool"

"Pero medyo mahangin"

"Pero gwapo, aminin mo"

"Gwapo. Psh" sabi ni Hero noong tumabi siya kay Dylan "Mas gwapo ako sayo"

Napatingin si Lorain kay Dylan "Actually kung kaedad kita, hindi ba parang ang bata mo pa para maging detective?"

"I finished college when I was 19, and then I moved in the States right after to pursue of my dream of becoming a detective" sagot ni Dylan.

"Oh"

"Ayan, malapit na maluto, pwede naman na muna tayong magusap para walang nasasayang na oras"

"This will be a very serious talk, Ms. Lorain"

"Go on"

--------------------------------xx*♥

Naglibot-libot si Suzy sa lob ng campus at pumasok sa bawat silid ng building. Dahil may kalayaan siyang lumusot kung saan-saan, siniguro niya na hindi siya mapapansin ng kahit na sinong estudyante habang nakikinig ng lecture. Inantok siya sa Trigonometry kaya lumipat siya sa Music. Muikhang nag-enjoy rin naman siya doon. Hanggang sa naisipan niyang pumunta sa library. 

At duon nakita niya si Dorwin.

"Dodong! Wow, di halata sa kaniyang pumupunta siya dito. Hehe" sabi ni Suzy sa sarili.

Lumapit lamang ang dalagang multo sa binata.

"Ah, mukhang nagreresearch ka. Nice one Dodong!" pag-cheer naman niya sa kaibigan ni Link.

Abalang kumukuha ng mga librong gagamitin sa thesis paper si Dorwin. Mayroon siyang hawak na apat na libro sa kaniyang kaliwang kamay at isa naman sa kanan. Nakatungtong siya sa ladder para maabot ang mga kailangan niyang libro.

Napansin naman ni Suzy ang paglapit ng isang dalaga sa kinatatayuan ni Dodong. Nagtago siya sa gilid ng binata.

Pababa na sana si Dodong noong may matinding ilaw ang sumilaw sa mga mata niya kasabay ng tunog ng camera dahilan para magulat at ma-out of balance siya. At nahulog ang mga librong dala-dala ni Dorwin kasabay ng pagbagsak ng pwet niya sa sahig.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now