I-09 Thea's Party

3K 78 12
                                    

 

Link

"Hoy, aminin mo L, cute kaya si Suzy! Siya nga pinakakakaibang multo na nakita ko"

Aba't pinuri pa ni Walter si Suzy? Sigurado ako at pumapalakpak nanaman ang tenga ni Suzy. Kitang - kita naman sa ngiti at mata niya na ang tumatakbo sa isip niya eh - na isa siyang magandang multo.

"Mukhang may bago na akong best friend!" sabi ni Suzy habang nakaakbay kay Walter. Tinawanan lang ako ni Walter. Inirapan ko si Suzy.

"Beeeeeeeeee-laaaaaaat!"

 Maya-maya ay dumating na si Kuya Mark. "Boss!"

"Sige na, aalis na ko" sabi ko kay Walter.

"Hoy, sama na natin yung new best friend ko L, bibili ka lang naman ng pangregalo mo sa Thea mo diba?" sabi ni Suzy.

"Bibili ka pala ng regalo kay Thea? Sabay na ko, ako din eh. Kung gusto mo tulungan rin kita sa susuotin mo" sabi ni Walter.

"Sige na Link, ngayon lang, para may kasama tayo, saka kailangan mo ng opinyon ng kapwa mo lalaki" dagdag pa ni Suzy.

"Ano boss, tara na ba? Pasok na kayo boss" sabi ni Kuya Mark.

"Sige na!" nagpumilit pa si Suzy.

"Sige na, tara na Wootot" sabi ko.

"Hahaha Ayan!"

Binuksan ni Walter ang pintuan at hinayaan na pumasok muna si Suzy bago siya pumasok sa loob. Nakita ko na medyo nagtaka si Kuya Mark. Ako naman ay umupo sa tabi ng driver's seat. Ilang salit lang ay nagmaneho na si Kuya Mark.

"Boss saan tayo?" tanong niya.

"Sa Mall" sagot ko.

"SA MALL! Excited na ako!" masayang sinabi ni Suzy.

*

*

 *

Matapos ang tatlumpong minuto ay nakarating ang kotse nina L sa Sky Mall na malapit lang rin sa Sky City. Pagkaparada ng kotse ay umalis na ang tatlo habang nahihintay lang si Mark sa parking lot. Halata ang excitement sa kilos at galaw ni Suzy na ikinatuwa naman ni Walter. Si L naman ay tila wala pa rin sa mood.

Naglalakad na sila ngayon sa loob ng mall.

"Hoy sunget, saan na tayo pupunta?" tanong ni Suzy.

"Ano bang maganda na iregalo kay Thea?" tanong ni L kay Walter.

"Suzy, kung ikaw ang reregaluhan, anong gusto mo?" tanong ni Walter kay Suzy.

"Ako, gusto ko ng sap-"

"Bakit si Suzy tinatanong mo?" tanong ni L.

"Kasi babae siya" sabi ni Walter.

Naglakad lakad pa sila hanggang napadpad sa jewelry shop si Link. Sinundan lang nina Walter at Suzy si Link. Habang tumitingin si L ng pwedeng mairegalo, si Suzy naman ay tuwang-tuwa na tumitingin-tingin din duon.

"Ang cute nito Walter! May puso puso saka dyamante pa" sabi ni Suzy kay Walter.

"Miss, magkano po ito?" tanong ni Walter sa sales lady.

"1000php po" sabi nito.

"Ay ang mahal naman!" nagulat na sinabi ni Walter.

Natawa bigla si Walter at nagtaka ang sales lady. "Sir?"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Where stories live. Discover now